Chapter 19:CRIPPLED AND BLIND

2097 Words
"Nakatayo si Sabrina sa harap ng pinto, naghihintay sa paglabas ng doktor mula sa kwarto ni Hunter. Pagkaraan ng ilang sandali, mabilis niyang nilapitan ang lalaking kalalabas lang mula sa silid at tinanong, "Kamusta siya, doktor?" Napabuntong-hininga ang doktor at umiling bago sumagot, "Sa ngayon, kailangan natin siyang obserbahan, Ms. De La Peña. Nagtamo siya ng malaking pinsala sa kanyang mga binti at mata. Maaaring hindi siya makalakad o makakita dahil sa poison powder na tumama sa kanyang mga mata. Sa madaling salita, bulag siya ngayon at lumpo, kaya ipinayo ko na alagaan siyang mabuti para mapadali ang kanyang paggaling," sagot ng doktor. Pakiramdam ni Sabrina ay naninikip ang kanyang dibdib sa sinabi ng doktor, sinisisi ang sarili sa nangyari. "Wag mong sisihin ang sarili mo, Brina," sabi ni Manang Kabing na nasa tabi niya. "Kung hindi niya lang ako nailigtas sa mga taong iyon, hindi sana ito nangyari sa kanya," manang malungkot na sabi ni Sabrina. "Hanggang ngayon, hindi mo pa rin maintindihan kung bakit ginawa iyon ni Hunter? Ito ang unang beses na nangyari sa buong buhay niya, Brina." "May pagtingin si Hunter sa'yo, ngunit hindi niya alam kung paano ipapakita o ipahayag ang kanyang nararamdaman." "Manang, anong dapat kong gawin?" tanong ni Sabrina. "Mas maganda kung pumasok ka sa kwarto niya at alagaan siya. Ikaw na ang bahala sa kanya, Brina." Agad namang sinunod ni Sabrina ang sinabi ni Manang Kabing. Pagkatapos nilang mag-usap, pumasok na siya sa loob. Pagpasok niya, nakatutok ang mga mata niya sa kama habang nakita niya si Hunter na nakahiga at walang malay. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa gilid ng kama at saka umupo sa isang upuan, pinagmamasdan itong maigi. "Akala ko magiging okay ako kapag may nangyaring masama sa'yo, Hunter, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Nalulungkot ako sa mga nangyayari sa kanya. Hindi ba dapat masaya ako dahil makakamit ko na rin sa wakas ang hustisya para kay Daddy? Pero hindi, eh. Hindi ganon ang nararamdaman ko. Bakit nasasaktan ako? Simula nang makita ko siya kanina, nakaramdam ako ng matinding awa, para bang sinasaksak ang puso ko habang lumalaban sa gitna ng kamatayan. Hunter, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko," sabi niya habang hawak ang kamay nito. Pero mabilis itong umiwas ng tingin at napagtantong puro itim din ang lahat ng nasa loob ng kwarto nito, mula sa mga kasangkapan hanggang sa mga kurtina, maging sa kanyang kama. Pagkatapos ng dalawang oras, lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina para magluto ng chicken soup para kay Hunter. Pagkaluto ng chicken soup, agad niya itong inilagay sa maliit na mangkok at dinala sa kwarto ni Hunter. Pagpasok, mabilis niya itong inilagay sa maliit na mesa at saka siya ay inayos sa pagkakahiga sa kama. "Ang bigat naman ng lalaking 'to," reklamo ni Sabrina habang inaayos niya ito. Pagkatapos, kinuha niya ang maliit na mangkok at hinipan iyon. "Come on, please drink your soup to help you recover faster," sabi niya habang sinasandok ang sabaw sa nakasarang bibig nito. Napabuntong-hininga siya nang matapon ang sabaw; kahit anong gawin niya ay nanatiling nakatikom ang mga labi nito. "Hunter, please open your mouth para naman makainom ka na ng mga gamot mo," ani ni Sabrina at sinubukan ulit itong subuan ng isang kutsarang sabaw, pero ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang matapon ulit ito. Tumingin siya ng diretso kay Hunter bago ininom ang sabaw sa bowl at saka inilapat ang labi niya sa labi nito at ipinasok ang sabaw. Napangiti siya nang makitang matagumpay na natapos ni Hunter ang pag-inom ng sabaw, at sinundan pa ito ni Sabrina na humigop ng kaunti at sinalin gamit ang kanilang mga labi hanggang sa maubos ang sabaw na manok. Kaagad niyang kinuha ang mga gamot at ininom bago inilagay sa labi nito. Pagkatapos niyang pinainom ng chicken soup at gamot, kumuha siya ng puting tuwalya, binasa ito sa maligamgam na tubig, at pinunasan ang ganap niyang basang-basa na katawan. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago dahan-dahang nagtanggal ng damit para magpalit ng bago, ngunit ang mga mata niya ay napatitig sa matipuno nitong pangangatawan. Napalunok siya ng mariin habang nakatingin sa kanya. Sinundan niya ng tingin ang isang daliri niya habang pinadausdos ito sa malapad nitong dibdib pababa sa kanyang tiyan. "Anong ginagawa mo, Sabrina? Baka isipin niyang pinagsasamantalahan mo siya habang natutulog. Oh, umayos ka, Brina," bulong niya sa sarili. Mabilis siyang tumayo at naglakad patungo sa malaking wardrobe, hinalungkat ang mga gamit para hanapin ang mga damit nito, at pagkatapos ay pinasuot kay Hunter. Nang matapos ang kanyang gawain, umupo si Sabrina sa malaking sofa hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog. Sa kalagitnaan ng gabi, nagising si Sabrina sa mahinang ingay na nagmumula sa kwarto. Dali-dali siyang bumangon at tumingin kay Hunter na nakasimangot sa sakit. Ipinatong niya ang palad niya sa noo nito, ngunit mas lalong nadagdagan ang pagkabalisa niya nang maramdaman ang matinding init na nagmumula sa katawan. Mabilis niyang kinuha ang gamot at pinainom ito gamit ang kanyang bibig, ngunit hindi pa rin humupa ang lagnat. "What can I do now?" ani niya sa kanyang sarili. Bumuga siya ng hangin at agad na hinubad ang kanyang mga damit at tumabi sa pagtulog kay Hunter sa kama, nakayakap nang mas mahigpit. Kinaumagahan, pagkagising, agad na tiningnan ni Sabrina si Hunter na natutulog sa tabi niya. Marahan niyang nilagay ang kamay sa noo nito. "Mabuti naman at bumaba na ang lagnat mo," sabi niya, saka pinagmasdan nang mabuti ang mukha nito. "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang nakasama na kita ng matagal, Hunter," bulong niya sa sarili, at mabilis na bumangon sa kama. Pagkatapos noon, isinuot niya ang damit na nakasalansan sa sofa, saka lumabas ng kwarto at dumiretso sa sarili niyang kwarto. Pagkarating niya, dali-dali siyang nagtungo sa banyo at naligo. Habang binabasa niya ng tubig ang sarili, biglang sumagi sa kanyang isipan ang isang grupong kumidnap sa kanya. "Anong kasalanan ang nagawa ni Hunter sa kanila? Bakit galit na galit sila sa kanya?" tanong niya sa sarili, ngunit mabilis na nalipat ang atensyon nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone sa labas ng banyo. Nagmamadali siyang naligo at saka kinuha ang tuyong tuwalya na maayos na nakatupi sa maliit na cabinet. Ibinalot niya ito sa buong katawan niya at lumabas. Agad niyang kinuha ang phone niya na nakapatong sa kama at tinignan ang caller ID bago sumagot. "Hello, Sab! Kamusta ka na?" tanong sa kabilang linya. Lumawak ang ngiti ni Sabrina nang marinig ang boses nito. "Meg, okay lang ako. Ikaw, kumusta ka na?" sagot niya. "Okay lang ako, Sab. Siyanga pala, humihingi ako ng paumanhin dahil hindi ako nakadalo sa burol ni Uncle William. Masyado akong abala sa aking negosyo at nagkataong nasa labas ng bansa noong mga oras na iyon. "Ano ka ba, Meg? Ayos lang." "So, kumusta naman ang pagtira mo sa Kiers mansyon?" "Mabuti naman, pero...?" "Pero ano, Sabrina?" "May problema. Injured and blind si Hunter ngayon dahil sa pagkaligtas niya sa akin kagabi." "Teka, tama ba ang narinig ko? Niligtas niya ang buhay mo? Ano ba talaga ang nangyari, Sabrina? Alam ba ito ni Tita?" "No, they have no idea what's been happening to me. Meg, please don't tell my mom about this. I don't want to add to her worries, plus okay na ako ngayon." "May buntong-hininga mula sa kabilang dulo ng linya, at pagkatapos ay sinabi niya, 'Okay, wala akong sasabihin sa kanila, ngunit mag-ingat ka.'" "Salamat, Meg, ha," aniya bago ibinaba ang tawag. Mabilis siyang nagpalit ng damit at saka lumabas ng kwarto, dumiretso sa kusina para mag-almusal. Pagkadating, umupo siya sa isang upuan at sumandok ng kanin. "Kamusta si Hunter, Iha?" tanong ni Mr. K kay Sabrina. "Medyo okay na siya, Mr. K. Hintayin na lang natin siyang magising," sagot ni Sabrina. "My dear, stop calling me Mr. K. Okay, just call me Daddy. Oh, by the way, if you need anything, just tell our staff. Don't hesitate to give them instructions. Take good care of Hunter," aniya. "Opo, Mr. K." Agad niyang tinignan si Sabrina ng diretso sa mata. "Oh, I mean Daddy." "Okay, let's eat," sabi ni Mr. K at agad sinubo ang kanin. "It's strange, hindi ko nakita si Irish ngayon. Siguro umuwi na siya sa kanila, but I really have a suspicion about that woman. It seems like she's up to something inside the mansion," bulong niya habang kumakain ng kanin. Pagkatapos ng kanilang almusal, muli siyang naghanda ng pagkain para kay Hunter. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakagawa ng ganitong pagluto para sa iba. Sanay akong si Mama ang nagluluto para sa amin. Na-miss ko tuloy ang luto ni Mama. Bibisitahin ko na lang ulit sila kapag bumuti na ang kalagayan ni Hunter. Pagkatapos ng kanyang mga gawain sa kusina, agad siyang naglakad sa hallway ng mansyon patungo sa kwarto ni Hunter, bitbit ang naliit na mangkok na may laman ng sabaw. Ngunit napatigil siya nang makasalubong niya si Manang Kabing. "Good morning, Manang," una niyang bati na agad namang ginantihan ni Manang Kabing. "Sa limang buwan ng pamamalagi mo dito sa mansyon, ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang ngiting iyon, Brina," ani Manang Kabing. Lumawak ang ngiti ni Sabrina nang marinig ang papuri ni Manang Kabing, at agad siyang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kwarto ni Hunter. Agad niyang inilapag ang dala niyang mangkok sa maliit na mesa, at pagkatapos ay inayos si Hunter sa kanyang kama. Gayunpaman, nagulat siya nang biglang hawakan ni Hunter ang braso niya. "Manang, ikaw ba 'yan? Salamat sa pag-aalaga mo sa akin simula bata pa ako. Hindi pa rin nagbabago ang pag-aalaga mo sa akin hanggang ngayon, lalo na kapag nagkasakit ako." "Manang, kumusta na si Brina? Anong ginagawa niya? Can you tell me about it? Dinalaw din ba niya ako dito?" tanong ni Hunter sa malumanay na boses. Pakiramdam ni Sabrina ay bumilis ang t***k ng kanyang puso nang marinig ito mula kay Hunter; hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Agad niyang nilagay ang palad niya sa noo at saka bumulong sa sarili. Wala naman siyang lagnat. "Who are you?" tanong ni Hunter nang maramdaman niyang hindi si Manang Kabing ang nasa loob ng kanyang silid. "I'm glad you're awake, Hunter," wika ni Sabrina. Nagpanting ang tenga ni Hunter nang marinig ang boses ni Sabrina. "Anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto ko, Brina?" tanong niya, pero hindi siya pinansin ni Sabrina at ipinagpatuloy ang pag-aayos niya sa kama. Pinaupo niya ito, isinandal ang kanyang likod sa isang malambot at malaking unan. "Mabuti pa't kumain ka na at uminom ng gamot," ani ni Sabrina, at pagkatapos ay isinubo kay Hunter ang isang kutsarang sabaw. "Come on, Hunter, please take a sip of the soup. Alright, bakit ba pahihirapan mo ako ng ganito? "Get out of my room, Brina. I don't want you here. "But Hunter, please allow me to stay here. Hayaan mong alagaan kita kahit sa ganitong paraan; makabawi ako sa ginawa mo sa akin. "Did you forget something, Brina?" Alam ko, at hindi ko iyon nakakalimutan. Siguro bulag ako at hindi ko makita ang totoong ikaw, pero hayaan mo akong alagaan ka. Alam ko, sinisisi kita sa pagkamatay ni Daddy, at hindi ko inalam kung ano ang nasa likod ng buong pangyayari, Hunter. Alam kong may mabuti kang puso. Bumuga ng hangin si Hunter bago nagsalita, "Don't make any move, Brina." "Bakit? Bakit, Hunter? Hindi mo na lang sabihin sa akin ang totoo? "Wala akong sasabihin sa'yo, Brina. Makinig ka sa akin, huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo balang araw." "Okay, huwag na nating pag-usapan ang mga nangyari. Mas maganda kung kumain ka para maiinom ang gamot mo," mungkahi ni Sabrina. Pagkatapos, sinubo ang isang kutsara sa labi nito, ngunit ganoon na lamang ang pagkakadismaya niya nang hindi ito ibinuka ang kanyang labi. "Hunter, please, wag mo na akong pahirapan pa, okay?" ani Sabrina. "I'm not hungry yet. I want to shower first," sagot ni Hunter. “Sobrang tigas ng ulo ng lalaking ito, talagang pinapahirapan ako,” pagmumura niya. Kaagad niyang hinigop ang sabaw mula sa bowl at kaagad dinakip ang leeg nito. Pagkatapos, inilapit ang kanyang labi sa labi ni Hunter at pinasok ang sabaw sa kanyang mga labi. "Don't throw up," mabilis niyang tugon. Lihim na napangiti si Hunter habang nilalasap ang sabaw sa labi niya. "Kung gayon, gusto kong gawin mo ito ng ganito, Sabrina. Kung kailangan kong maging magmatigas sa harap mo para makuha ang atensyon mo, gagamitin ko ang kapansanan ko." "I make sure you always stay by my side, Brina," bulong ni Hunter sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD