"Brina, ikaw na ang papalit sa posisyon ni Irish bilang Dos," nagpanting ang tenga ni Sabrina nang marinig ito mula sa kanilang lider na si Shadow B.
"Bakit hindi niya kayang ipakita ang kanyang mukha sa amin? Sa tuwing kaharap namin siya, laging nakasuot ng maskara," bulong ni Sabrina sa sarili habang minamasdan si Shadow B na nagsasalita sa harapan nila.
"Boss, bakit siya? Bakit si Sabrina ang bagong DOS? Wala pa siyang nagawa para patunayan na deserving siya sa posisyon na iyon," tanong ni Tres.
"I understand your concerns, Tres, but my decision is final: Sabrina will take over as DOS in place of Irish. Brina, I appointed you to that position. Sana ay magampanan mo ng maayos ang iyong misyon, ang misyon na patayin si Hunter Kiers, at ang misyon ninyong lahat. Once we get rid of the Kiers Organization in our path, everything will be ours. We will explore our organization and be recognized worldwide; we will be the most powerful in the world. Kaya kailangan natin maitumba sa lalong madaling panahon ang mag-ama na 'yan. Naiintindihan niyo?"
"Yes, boss," sagot nila. Pagkatapos ng kanilang diskusyon sa organisasyon, agad na umalis sina Aless at Sabrina. Habang naglalakad sila sa hallway, bigla silang napahinto ng humarang si Tres sa kanilang dinadaanan.
"Sabrina, bakit ikaw? Alam mo namang hindi ka karapat-dapat sa posisyong iyon. Umalis ka sa organisasyong ito. Sana noon pa lang ay pinatay na kita," sabi ni Tres.
"Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin, Tres? I can't remember doing anything wrong to you. And besides, it's not my problem if you don't like me in that position. Si Boss Shadow ang nagtalaga sa akin bilang number two. Bakit hindi mo siya kausapin sa halip na ako?"
"Brina, I hate you. Gagawin ko ang lahat para makaalis ka dito. Kung hindi kita pinatay noon, papatayin kita ngayon."
"Then do it, and make sure you do your job properly, or else," sabi ni Sabrina, binigyan si Tres ng masamang tingin bago naglakad palayo.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Aless. Tumango si Sabrina bago nagsalita.
"Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sila sa akin, Aless. Simula nang sumali ako sa organisasyong ito, wala na silang ginawa kundi kalabanin ako. Hindi ko alam kung bakit; pakiramdam ko ay may nagawa akong napakalaking kasalanan sa kanila. Si Irish lang ang nagprotekta sa akin dito, pero ngayon, namatay siya dahil sa akin.
"Don't blame yourself. I'm still here. Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang saktan ka nila, Brina.
“Salamat, Aless. Simula nang dumating ako dito, kayo na ni Irish ang naging kakampi ko. Kaya nagpapasalamat ako sa pag-aalaga niyo sa akin at sa dalawa kong anak.
"No problem, Brina. Let's just say I made a promise to someone to take care of you no matter what. I will protect you even if it comes to my life. Kaya hanggang ngayon, I strive to keep on living despite everything," sabi ni Aless. Ngunit naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang sumulpot si Ono.
"Aless, pinapatawag ka ni Boss Shadow," mariing sabi ni Ono. Sumunod naman agad si Aless. Umalis siya at tinungo ang pribadong opisina ni Boss Shadow. Pagpasok, agad na bumagsak ang kanyang mga mata sa lalaking nakaupo sa itim na upuan; nakatalikod iyon sa kanya.
"Boss, gusto mo ba raw akong makita?" tanong ni Aless.
"Ngayong wala na si Irish, papalitan ni Brina ang kanyang pwesto bilang number two. Tulungan mo siyang magtagumpay sa kanyang misyon: puksain si Hunter Kiers. Naiintindihan mo ba? At huwag kang magkakamali sa paggawa ng anumang aksyon laban sa akin, Aless. Huwag kang magkamaling traidorin ako kung ayaw mong may mangyaring masama kay Sabrina at sa mga anak niya." Naikuyom ni Aless ang kanyang kamao nang marinig iyon bago magsalita.
"Yes, Boss," sagot niya sa mahinang boses.
Matapos makausap ni Aless si Boss Shadow, agad itong lumabas ng kwarto na galit. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganitong sitwasyon. Kailangan kong gumawa ng paraan para ligtas na maalis dito si Sabrina at ang dalawang bata, ngunit paano ko magagawa iyon? Sigurado akong hindi maiintindihan ni Sabrina ang lahat. Nawala ang kanyang mga alaala dahil sa mga aksyon ni Boss Shadow. Matapos maipanganak ang kanyang kambal na anak, sinimulan niya ang kanyang plano laban kay Sabrina. Inalis niya ang mga alaala nito at gumawa ng kwento upang sirain si Boss Hunter laban sa kanya.
"Ms. Brina, kung alam mo lang ang totoo, mahal na mahal ka ni Boss Hunter, pero hindi ko kayang ipagsapalaran na sabihin sa kanya ang totoo sa takot na malagay sa panganib ka at ang mga anak mo. Gagawin ko ang lahat para maibalik ang alaala mo, Brina," naisip niya sa kanyang sarili. Ngunit mabilis na nabaling ang kanyang atensyon nang makita si Sabrina na nakatayo hindi kalayuan sa kanya.
"Aless, buti at nandito ka na. Ano ang sinabi sa iyo ni Boss Shadow? Bakit ganyan ang itsura mo, para kang hindi maipinta?" tanong ni Sabrina. Tumingin sa kanya si Aless at ngumiti bago nagsalita.
"May binigay lang na task sa akin si Boss."
"Nag-assign ng task? Ano 'yun? Sabihin mo, tutulungan kita," tugon ni Sabrina.
"Salamat, pero hindi na kailangan, Brina. Uwi na tayo. I'm sure naghihintay na ang mga bata sa pagbabalik natin. Oh, by the way, may gusto ka bang bilhin para sa kanila? Pwede tayong dumaan sa shop store kung gusto mo."
"Yeah, Aless, I want to surprise them," sagot ni Sabrina, pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang maalala si Irish.
"Oh, bakit biglang nagbago ang ekspresyon mo? Don't tell me, naalala mo na naman si Irish?"
"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga bata na wala na si Irish, Aless. Sigurado akong madudurog ang puso nila. Malapit sa kanya sina Flamez at Feya at tinuring na siyang pangalawang ina nila. Paano kung-?"
"Don't speak too much, Brina. We shouldn't reveal anything to them, okay?
"What do you mean? Itago natin sa kanila ang totoong nangyari. Pero paano kung hahanapin siya ng mga bata? I don't know what to say to them; matalino ang mga bata, Aless. Alam nating pareho malalaman at malalaman din nila ang totoo.
"I'll handle communicating with them. Okay, let's head home," mabilis nilang nilisan ang Shadow Organization at dumiretso sa bahay kung saan naghihintay ang dalawang bata.
Habang nasa daan, inihinto ni Aless ang sasakyan sa isang tindahan para bumili ng mga tsokolate para sa mga bata. Habang nagba-browse sa grocery, biglang napatigil si Aless nang makitang namimili ng pagkain si Elisa. Mabilis siyang nagtago sa likod ng isang malapad na istante nang sumulyap si Elisa sa kanyang direksyon.
"Aless, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sabrina nang mapansin niyang may sinisilip iyon mula sa hindi kalayuan sa kanila, ngunit mabilis siyang hinawakan sa braso at hinila papalapit sa kanya.
"Agad nangunot ang noo ni Sabrina na nagtataka ito sa kanyang mga kilos.
"Aless, ano bang nangyayari sa'yo? Para kang nakakita ng multo diyan," sabi ni Sabrina, ngunit nabaling ang atensyon niya sa isang babaeng nakatayo sa harapan niya.
"Aless, buhay ka?" deretsong tanong ni Elisa. Agad niyang tiningnan si Sabrina na sinusuri ang pagkatao nito. Dahil nakamaskara si Sabrina, hindi niya ito nakikilala.
"Wait, it's you?" biglang sabi ni Elisa at mabilis na binunot ang baril sa likod at tinutok kay Sabrina, ngunit mabilis na namagitan si Alessandro at sinipa ang baril na hawak niya.
"Aless, traydor ka! Nasaan ang kapatid ko?" galit na sabi ni Elisa, ngunit biglang umatake si Sabrina. Sinipa niya si Elisa sa magkabilang tuhod at saka inilabas ang baril, ngunit mabilis siyang pinigilan ni Aless at hinila siya palabas ng grocery store.
"Ano ba, Aless? Bitawan mo nga ako! Papatayin ko ang babaeng iyon," ani Sabrina, na pilit na nilalabanan ang mahigpit na pagkakahawak ni Alessandro sa kanyang braso. Ngunit sa paglabas nila, nanlaki ang mga mata ni Aless nang mabangga niya si Hunter papasok sa grocery. Nagkrus ang kanilang landas.
"Aless, pwede ba tayong mag-usap?" sabi ni Hunter sa mahinang boses. Agad na pumikit si Sabrina at naghanda sa pagbunot ng baril, ngunit mabilis siyang pinigilan ni Alessandro at mahinang bumulong,
"Hindi tayo pwedeng magdulot ng eksena dito, lalo na sa publiko, Brina. Maraming tao," paalala ni Aless. Mabilis niyang ini-scan ang paligid at inayos ang sarili habang kaharap sina Hunter at Elisa.
"Mr. Kiers, long time no see," sabi ni Aless.
"Bakit? Bakit mo ginawa sa akin ito, Aless? Nasaan siya? Anong nangyari sa kanya? Sabihin mo sa akin, bakit mo ako pinagtaksilan? Sa simula pa lang, alam mo na ang mga plano ko, ngunit bakit mo nagawa ito sa akin?"
"Mr. Kiers, she passed away a long time ago. She was killed by enemies, but there is no way for me to return with you. Binigyan nila ako ng pangalawang buhay, kaya utang ko sa kanila ang buhay ko. Sa susunod na pagkikita natin, wawakasan kita," seryosong babala ni Alessandro. Hinawakan niya ang kamay ni Sabrina at humakbang, ngunit napatigil siya nang magsalita si Hunter.
"Aless, umaasa pa rin ako na babalik ka sa akin. Tinuring kita na parang kapatid. I know I have wronged you; I failed to save you from danger. Please tell me, what happened to my wife? Where is she now?"
"Mr. Kiers, malamang hindi mo narinig. Hindi ba nasabi na sa'yo ni Aless ang lahat?" "She's deceased," sagot ni Sabrina. Hindi man niya alam ang usapan ng dalawang lalaki, pinili niyang makialam para itigil ang kanilang usapan nang mapansin niyang umaaligid ang mga kasama nila.
"Hanggang ngayon, wala pa ring tiwala sa amin si Boss Shadow," naisip niya, pero nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang biglang maramdaman ang kamay ni Hunter sa balikat niya.
"Brina, ikaw ba 'yan?" sabi ni Hunter sabay niyakap siya ng mahigpit, ngunit mabilis siyang tinulak ni Sabrina at sinampal siya ng malakas sa mukha. Dahan-dahan niyang itinutok ang baril sa kanya.
"Huwag kang gagalaw kung ayaw mong magkagulo dito. Sa susunod na magkrus ang landas natin, papatayin kita. Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Irish," babala ni Sabrina bago mabilis na umalis. Pinanood siya ni Hunter na papaalis, sinusundan siya ng tingin nito hanggang sa makaabot siya sa kanilang sasakyan.
"Buhay siya. Bakit? Bakit hindi niya ako nakikilala? Anong nangyari sa kanya?" pagtataka niya sa sarili, ngunit mabilis na nalipat ang atensyon niya kay Elisa nang nagmamadaling sumunod kina Sabrina at Aless.
"Boss, wala na ba tayong magagawa para pigilan si Elisa? Paano kung—?" Agad na pinutol ni Hunter ang sasabihin ni Ben.
"Alam ni Elisa na si Brina iyon."
"Ano? Buhay si Ms. Brina? Pero..."
"s**t, tawagan mo si Elisa at sabihin mong huwag ituloy ang pagsunod sa kanila," utos ni Hunter nang mapansin ang kahina-hinalang galaw ng mga taong pinagmamasdan sila. Mabilis na sinunod ni Ben ang kanyang mga tagubilin; tinawag niya si Elisa. Ilang sandali pa, may sumagot sa kabilang linya. Mabilis na kinuha ni Hunter ang cellphone ni Ben at nagsalita,
"Bumalik ka dito ngayon din."
"Pero boss, si Brina 'yun."
"I know she is. Bumalik ka dito ngayon. Huwag mo na silang sundan kung ayaw mong malagay sa panganib ang buhay nila. Sundin mo ang utos ko," aniya sa mahinang boses habang pinagmamasdan ang mga hindi pamilyar na tao sa paligid nila.
"Sandro, tawagan mo si Kuwarto ngayon din. Gusto ko siyang makausap kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo na buhay pa ang asawa ko," utos niya na puno ng galit ang tono.
Kaagad niyang sinunod ang utos nito, ngunit walang tugon sa kabilang linya.
"Boss, I can't reach Kuwatro," sabi ni Ben. Napabuntong-hininga si Hunter at mabilis na sumakay sa kanilang sasakyan.
"Sandro, imbestigahan mo ang nangyari kina Sabrina at Aless. Bakit ganito ang sitwasyon? Bakit hindi niya ako nakikilala? Gagawin ko ang lahat para makuha siya sa kamay ng aking kaaway. Ihanda mo ang lahat sa anumang sandali. Once we have the chance, we will attack their lair. They made a mistake if they think I would take the bait they laid out for me. Brina, wait for me," sabi niya sa sarili.