"H*yop na taong grasang to! Hoy lumayas ka nga dyan! Kaya minamalas ang negosyo ko dahil palagi ka nalang natutulog dyan!" galit na sigaw ni Aling Tyeding sa taong grasang palagi nalang natutulog sa bangko na nasa harapan ng kanyang tindahan.
Bumangon ang lalaking taong grasa at ngumiti sa kanya.
"Good morning Aling Tyeding, hingi ako pagkain," sabi nito, hindi alintana ang galit na boses niya.
"Aba't damuho ka ha! Hihingi ka pa ng pagkain, layas!" galit na sigaw niya tsaka sinabuyan ito ng tubig.
Tumawa lamang ang taong grasa,tsaka tumayo na sa upuan at tuluyang umalis sa lugar na iyon. Nakatingin naman ang ilan niyang kapitbahay sa kanya, animo hinuhusgahan siya.
"Oh ano?! Anong tinitingin-tingin nyo dyan ha!" galit na sita niya dito. Nagsipasukan naman ang mga ito sa kani-kanilang bahay.
Si Aling Tyeding ay may malaking grocery store sa isang lugar sa Manila. Kahit masama ang ugali niya ei maluwag naman siyang magpautang sa tindahan niya kaya ang halos lahat ng kapitbahay niya ay sa kanya lumalapit. Kaya naman kahit magsiga-sigaan siya sa lugar nila ei walang pumapalag sa kanya. Biyuda na si Aling Tyeding may dalawa siyang anak na katulong niya sa pagtitinda sa kanyang grocery. Pero nag-aaral din ang mga ito, parehas ng college student ang dalawa niyang anak. Ang kanyang panganay na si Mendy ay graduating na sa kurso nitong Accountancy.
Ang kanyang pangalawang anak naman na si Liza ay nasa third year college palang sa kurso naman nitong Nursing. Kapag walang pasok ang mga ito o kaya pagkauwi galing sa University nila ay tumutulong ito sa ina.
"Ma, bakit ba mainit nanaman ang ulo mo?" tanong ni Mendy.
Naghahayin ito ng almusal nilang mag-iina.
"Pano ba naman diyan nanaman sa harap ng tindahan natulog yong damuhong taong grasang iyon! Nakuha pang mambwesit, binuhusan ko na nga ng tubig," inis na sagot niya sa anak.
"Ma, hindi naman po yata tamang buhusan nyo ng tubig iyong tao kahit na po ganon yon ei tao pa rin yon," pangaral nito sa kanya.
"Aba, aba ako pa yata ang mali don? Siya na nga itong natulog sa tapat ng tindahan ko! Bakit ba kasi bigla-bigla nalang sumulpot ang damuho na yan dito. Diyan pa sa tapat ng tindahan ko niya natipuhang matulog palagi," inis na sabi niya sa anak. Nagkatinginan nalang si Mendy at Liza tsaka napailing. Kahit kailan talaga ang hirap paliwanagan ang kanilang ina.
Tatlong taon na ng napadpad ang taong grasang si Bagnus sa lugar nila Aling Tyeding. Palagi itong nasa may tindahan ng matanda, tuwang-tuwa kasi itong pagmasdan ang may edad na matanda. Kahit nga palagi siya nitong sinisigawan, hinahambalos at binubuhusan ng tubig okey lang sa kanya.
Umuulan, maalinsangan at malamig man doon at doon pa rin siya sa tapat ng tindahan nito natutulog para ng sa gayo'y makita niya ang matanda kinaumagahan. Nakikita niya sa matanda ang kanyang Ina, ang kanyang Mommy Emilda. Ang kanyang ina na nag-iisang nagmahal sa kanya ng totoo. Pero iniwan din siya nito, siguro kung nabubuhay lamang ito hindi siya masasadlak sa ganitong sitwasyon.
Naipilig niya ang ulo, ayaw na niyang maalala ang bagay na iyon dahil lalo lamang naririndi ang kanyang utak.
Itutuloy