Part 2

587 Words
Nakita niya ang anak ni Aling Tyeding na lumabas ng bahay nito. Mabait ang babaeng anak nito sa kanya,palagi siyang binibigyan nito ng pagkain kapag nalilingat ang Ina nito. "Mendy, hingi ako food gutom na ei," nakangiti niyang sabi dito habang parang batang hinihimas ang tiyan niya. "Tanghali na Bagnus dika pa ba kumakain? Oh ito ang pera ha, bumili ka ng pagkain don sa karendirya ha. Pasensya ka na sa Mama ko, talagang mainitin lang ang ulo non," sabi nito sa kanya, napakabait talaga ng dalaga sa kanya. "Okey lang Mendy, love ko yon Nanay Tyeding mo. Galit sya kasi natutulog ako don sa tapat ng tindahan," sabi niya dito. Napangiti ito. "Bait naman ni Bagnus, sige na ha aalis na ako mali-late na ako sa school ei. Kumain kana ha, dapat maligo ka rin para bumango ka naman," sabi nito. "Sige Mendy, ingat ka," sagot niya dito. Mabaho naman talaga siya, puro ba naman siya dumi halos dina nga siya naliligo. Minsan pinapahiran pa nya ng uling mukha niya. May dahilan ang lahat kaya ginagawa niya iyon. Iniiwasan niyang makilala ng mga tauhan ng kanyang tita Wellia. Hirap na hirap siya sa kalagayan niya pero masaya siya sa lugar na ito. Marami man ang taong nang-aalipusta sa kanya o kaya ginagawa siyang katatawanan ng mga ito atleast dito tahimik siya. Malayo siya sa lugar na iyon, sa lugar na halos isumpa niya. Bumili siya ng pagkain. Binintahan naman siya pero hindi siya pinalapit sa may karinderya, dinala lang sa kanya ng tindira ang pagkaing binibili niya at para na siyang aso nitong itinaboy. Mga gawain ng mga taong nandidiri sa katulad niya pero okey lang naman sanay na siya. Pumunta siya sa bakanteng lote at doon balak kumain. Kakain na sana siya ng may marinig sa bandang masukal. May tila umuungol doon, nagtaka siya kaya dahan-dahan siyang lumapit. Nagulat siya ng makita si Mendy na nakahiga sa damuhan at kinukubabawan ng isang lalaki. Nagpupumiglas ang babae pero malakas ang lalaki kaya hindi makaalis si Mendy. Natatakpan din ng kamay ng lalaki ang bibig nito kaya pala parang ungol lang ang narinig niya. Agad siyang naghanap ng bagay na pwede niyang ipanlaban sa lalaki. Nakakita siya ng bote ng malaking RC, kinuha niya agad yon at biglang hinataw ang lalaki sa ulo. Nawalan ng malay ang lalaki. Bumagsak ito sa ibabaw ni Mendy. Agad niyang itinulak ang walang malay na lalaki para makabangon si Mendy. Iyak ng iyak ang babae at agad siyang niyakap. Nagulat siya sa ginawa nito, pero hinayaan niya itong umiyak sa balikat niya. Medyo nailang lamang siya dahil batid niyang napakabaho niya. "Salamat Bagnus, kung hindi ka dumating baka narape na ako ng hayop na yan," umiiyak na sabi nito. "Okey lang Mendy, tali na yan tapos dala natin don barangay para kulong sya," sabi ni Bagnus. "Ako na tatawag ng Barangay Bagnus, tali mo na sya ha para hindi makawala," sabi nito sa kanya. Kumuha siya ng isang lubid na kasama ng mga basura at itinali ang kamay ng lalaki. At parang walang nangyaring itinuloy ang pagkain. Maya-maya'y dumating na ang tanod, bumalik naman na ang malay tao ng lalaking nagtangka kay Mendy. Pinagsasapak ito ni Mendy, siya naman ay tatawa-tawa habang patuloy sa pagkain. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD