MINASDAN ni Almary ang sarili sa harap ng malaking salamin ng hotel room. Oo nasa hotel siya ng mga sandaling iyon, sa sariling hotel ng pamilya niya, mayamaya lang ay mag-u-umpisa na ang kanyang birthday party, yes today is her birthday.
Pinalandas niya ang kanyang daliri sa kanyang suot na kulay pulang gown na may slit sa gilid, dahilan para lumitaw ang makinis at mahahaba niyang mga hita. Off shoulder iyong ibabaw na ang disenyo ay katulad kay belle sa beauty and the beast. Napangiti siya at sinubukan niyang umikot para makita ang kanyang likod na litaw na litaw dahil backless ang kanyang gown.
"Hoy, loka, tama na iyan at baka masira pa ang salamin."
Napatingin siya sa may pinto nang marinig niya ang boses ni Ren na nagmumula roon. Imbis na mainis ay ngumiti siya rito.
"Ang ganda mo," puri niya sa kaibigan.
"Asus, huwag mo na ako bolahin diyan. By the way, happy birthday," wika ni Ren at may binigay ito sa kanyang medyo may kalakihang paper bag na hindi naka-tape kaya't nakita niya tuloy ang laman.
"Sexy night gown? With condoms?" gulat na bulalas niya nang kinuha niya ang laman ng regalo ng kaibigan.
Ngumisi lang ito at tinignan ang sarili sa may salamin at posing pa ang loka na akala mo 'e model sa harap ng kamera.
"Hoy, bruha, paaalala ko lang sa iyo birthday ko ngayon, hindi ko kasal bakit ganito binibigay mo sa akin? Para naman akong mag-h-honeymoon–"
"Loka! Magpasalamat ka na lang kasi binigyan pa kita ng regalo saka, inaalala ko safety mo kaya binilhan kita ng condom para kung malasing ka man mamaya at sumama na naman sa isang hottie–"
"Hoy! Grabe ka sa akin 'a, para mo naman sinasabing easy girl ako niyan–"
"Ay hindi ba?"
"Gaga! Kay Cenon lang ako nagpadala, hindi na mauulit iyon."
"Saka, hindi naman natin sure kung ng all the way ba kami o hindi," dagdag pa niya.
"Oh, huwag kang ma-highblood iyan binibiro lang kita," natatawang sabi ni Ren.
"Ewan ko sa iyo," aniya at inirapan ang kaibigan.
"Heto naman pikon agad, halika ka na nga at hinihintay ka na ng lahat," giit ni Ren at hinawakan siya sa kamay at hinila.
NAKATAYO siya sa malapit sa may hagdan, napansin niyang ang daming mga tao at puro may kaya sa buhay ang mga ito. Simpre knowing her dad and mom. Marami ang mga itong kaibigan at koneksiyun. Umayos siya ng tayo nang matapos siya pakilala ng kanyang daddy, oo pinakilala siya muli ng kanyang daddy, ginawa din nito dati noong 18th birthday niya, ngayong 20 na siya ay ginawa uli nito. Ngumiti siya at dahan-dahang humakbang pababa sa mataas na hagdan kung saan kitang-kita niyang nakatingala sa kanyang gawi ang mga mata na may paghanga sa mga mata ng mga ito habang nakatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang mahagip niyon ang isang pamilyar na mukha na nakatayo sa may dulo.
"Cenon?" gulat na bulalas niya nang magtama ang mga mata nila ng lalaking naka-suot ng tuxedo. Nakapusod ang buhok ng lalaki gaya nang una silang magkita.
Hindi niya inalis ang mga mata rito habang bumilis na ang kanyang paghakbang pababa. Gusto niya itong makita ng maayos at masiguradong hindi siya pinaglalaruan lang ng kanyang paningin.
"Iha, wait, saan ka pupunta?"
Napatingin siya sa kanyang ama nang hawakan siya nito sa may siko. Sumulyap siya sa gawi ng lalaki, nandun pa din ito at nakatingin sa kanya, then he smiled at her. Pakiramdam niya't nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa uri ng titig at ngiti ng binata.
"Almary, iha?" pukaw naman sa kanya ng kanyang ina at hinawakan siya nito sa may balikat kaya't napabalik ang tingin niya dito.
"I'm okay, mommy, may nakita lang ako kakilala," aniya.
"Oh, ganun ba? You should go and meet him/her then," nakangiting sabi ng ina niya.
"I will, but first, l would like to thank you two for making my dream birthday party come true," buong pusong pahayag niya.
"You're very welcome, princess," nakangiting sabi naman ng daddy niya.
"Everything for my princess, you growing up so fast," wika ng mommy niya at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Mom, baka mag-mmk pa tayo dito," pabirong sabi niya.
Natawa ang Ginang. "Hahaha, okay, l will stop. By the way, your uncle is here already."
Tumango siya. "Ganun po ba…."
"Yes, iha, ipapakilala ka namin sa kanya mamaya," giit ng Daddy niya.
"Okay, dad, for now puntahan ko po muna iyong kakilala ko," aniya.
Nakahinga siya nang maluwag nang hinayaan na siya ng dalawa. Ngunit nalaglag ang balikat niya nang makitang wala na roon ang lalaki sa kinakatayuan nito kanina. Umayos siya ng tayo at humakbang palapit sa pwesto kung nasaan kanina ang lalaki magbabakasali siyang baka sa tabi-tabi lang ito. Sa pagmamadali niya na bunggo ng ulo niya ang isang malapad na dibdib, kung hindi siya maagap na hinawakan ng nabunggo niya ay baka nasa sahig na siya nakahandusay.
"I'm sorry–Cenon?!" Nanlalaki ang mga mata niya nang makita niya ang mukha ng lalaking nakabunggo sa kanya.
"So, you did not forget about me?" nakangiting sabi ng lalaki at inalalayan siya umayos ng tayo.
"How can l? Kahit nakapikit man o nakadilat ang mga mata ko, ikaw ang nakikita ko, maging sa panaginip ko ay naroon ka," gusto niyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili.
"How did you manage to come here? How did you know l'm here?" imbis ay usisa niya.
"I have my ways," sagot ng lalaki at lumayo ito bahagya sa kanya.
Bago pa man bumuka ang labi niya para magsalita ay tinaas na ng lalaki ang isang kamay nito sabay sabing, "Can l have this dance?"
Napakurap-kurap siya, bumukas-dili din ang kanyang mga labi pero walang salitang lumabas.
"Princess, can you let me be your first dance tonight?" seryosong tanong ni Cenon at kinuha ang kanyang mga kamay at inilagay sa may balikat nito.
Hinayaan niya lamang ang lalaking hinalahin siya patungo sa may gitna, kung saan merong mga magkaparehang sumasayaw.
"Move closer, princess. I want to feel your warmth and smell your fantastic perfume," he whispered in her ear that made her close her eyes.
"I would like to be near you as well," she responded. At niyakap niya ang kanyang mga braso sa may leeg ng lalaki at binaon ang kanyang ulo sa may malapad nitong dibdib.
Pumikit siya. She never felt this kind of need before, lalo na sa isang lalaki. Bakit tila ayaw niya mahiwalay kay Cenon? Bakit parang mababaliw siya sa kakaisip dito at ngayong narito na ang lalaki ay tila ba kinikiliti ang tiyan niya at nagwawala ang kanyang puso sa sobrang tuwa? Hindi kaya't tinamaan na talaga siya sa lalaki?
"You look gorgeous tonight, princess, to the point l want to lock you in my presidential suite so no man would see how sexy and gorgeous you are," Cenon whispered in her ear.
"I would love that," mahinang sagot niya. Bago pa man niya mapigilan ang sariling dila.
Nang tumingala siya para tignan ang reaksyon ng lalaki ay natigilan siya nang makita niya ang kapilyuhan sa mga mata nito.
"Do you mean that?" he asked.
Bago pa man bumuka ang mga labi niya para sumagot ay bigla niya na lamang narinig ang boses ng kanyang ama.
"Cenon? You are here, l been looking for you–Almary?" gulat na bulalas ng ama niya nang makita siyang nakayakap kay Cenon.
"You know each other?" naguguluhang tanong niya at bumitaw kay Cenon at tumingin sa daddy niya.
"Of course, iha," natatawang sabi ng daddy niya.
"P-Paano?" nauutal na tanong niya. Nakadama siya ng kakaibang kaba at takot, paano kung na ikwento ni Cenon ang pinagkagagawa nila sa manila? O paano kung may na halata ang daddy niya?
"He's your uncle, iha, iyong kinikwento namin sa iyo ng mommy mong uuwi galing sa Italy–"
"W-WHAT?" malakas ang boses na bulalas niya.
Hindi pwede! Baka nagbibiro lang ang daddy niya. Hindi niya pwede maging uncle si Cenon. Ang bata pa ng mukha nito, malayong-malayo sa ini-imagine niyang uncle niya.
"Bakit ganiyan ang reaction mo, Almary?" kunot-noong tanong ng mommy niya na bigla na lamang sumulpot.
Huminga siya ng malalim at tumingin kay Cenon.
"You're not my uncle right?" nanginginig ang mga labing tanong niya.
Kung kanino ay puno ng emosyon ang mga mata at mukha ng lalaki ngayon ay blangko.
"Almary, iha, ano ba nangyayari sa iyo?" naguguluhang tanong daddy niya at hinawakan siya sa may kamay.
Hindi niya ito pinansin, tinuon niya lang ang kanyang atensyon kay Cenon at hinawakan niya ang balikat nito.
"Tell me they are lying, hindi tayo magkadugo, hindi mo ako pamangkin, hindi kita–"
"You heard it right, princess. I'm your uncle, you father's little brother," walang emosyon na giit ni Cenon.
Pakiramdam niya'y para siyang tatakasan ng ulirat sa narinig. Did she just fall in love with her uncle? Did she just let her uncle touch her, and kiss her? Umiling-iling siya, her mind can't process all of the things she just learned. Masyadong mabigat, napahawak siya sa kanyang dibdib dahil bigla iyong sumikit at parang hindi siya makahinga bigla, umikot din ang paningin niya. Ilang sandali pa ay nilamon na ng kadiliman ang kanyang diwa pero bago iyon narinig niya ang boses ng mommy at daddy niyang tinatawag siya.