Tana’s POV
Magmula ng pumunta si Hendrix sa aming school ay naging tampulan na ako ng tsismis.
Ako na ang latest topic sa buong Campus at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang aking ina. Gusto kong malaman na hindi totoo ang sinasabi nila na ang aking ina ay isang bayarang babae at may bagong kinakasama. Iyon ang dahilan kung bakit nakipag-away ako sa grupo nina Cheska na hanggang ngayon ay mababakas pa rin ang mga pasa sa mukha ng mga ito.
Tahimik akong naglalakad papunta sa tambayan namin ng mga kaibigan ko habang bitbit ang aking gitara nakatingin sa akin ang ilang mga estudyante na alam ko naman na ako ang pinag-uusapan ng mga ito.
May ilan sa mga ito na gustong lumapit sa akin at magtanong ngunit sa tuwing titingnan ko sila ng masama ay umaatras na ang mga ito malayo pa lang ay nakikita ko na kumakaway ang mga kaibigan ko sa akin.
Nang makalapit ay sinugod ako ng yakap ni Ashley. “Tana namiss kita! bakit hindi ka na nagpaparamdam nitong mga nakaraang araw ha!? pumunta ako sa bahay n’yo pero lagi kang wala roon?" Nagtatampong pahayag ni Ash hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila na sa bahay ni Hendrix na ako tumutuloy.
“Ah, eh... kasi nagstay-in muna ako doon sa bago kong trabaho para makalibre sa pagkain.”
Ang palusot ko sa kanila, mukhang naniwala naman ang mga ito sa sinabi ko dahil nawala ang gusot ng mukha nilang dalawa. Umupo kami sa isang bench at doon ay ipinagpatuloy ang aming pag-uusap.
“Malapit na ang graduation natin isang buwan na lang saang school kayo magkokolehiyo?" ang tanong sa amin ni khim.
Napaisip akong bigla oo nga pala paano ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko gayong walang sumusuporta sa akin.
“Bahala na si batman, siguro maghahanap pa ako ng ibang trabaho pang dagdag ko sa aking tuition fee para sa kolehiyo.” Ang sagot ko dito.
"Ako hindi pa sure kung mag-aaral ba ako o hindi baka hindi na kase kayanin nina nanay ang pagpapa-aral sa akin." Ang malungkot na sabi naman ni Ashley.
"Susubukan kong makahanap ng scholarship tapos sumama na kayo sa akin para sabay-sabay tayong magtake ng exam malay nyo makapasa tayo!” Si Khimberly bago ngumiti sa aming dalawa ni Ash. Sa aming tatlo siya ang laging positibo ang pananaw sa buhay at advance mag-isip.
Hindi katulad namin ni Ash na laging ipinagsasawalang bahala ang problema, pero kapag nandiyan na sa harap namin ang problema saka palang kami aligaga mag-isip kung paano lulusutan.
Tumango na lang kami ni Ash at saka nagsimulang magkantahan habang ako'y tumutugtog ng aking gitara
"Pasyal naman tayo medyo matagal-tagal na rin ng huli tayong mamasyal.” Maya-maya’y sabi ni Ash kaya napahinto ako sa pagtipa ng aking gitara.
"Ok hindi na muna ako papasok sa last subject ko.”
Ang sagot ko naman sabay kaming lumingon ni Ash kay Khim na bahagyang kumindat lang sa amin. Ilang sandali lang ay narinig namin na tumunog ang bell tanda ng magsisimula na ang huling klase. Pasimple kaming tumayo at naglakad sa pathway, nang wala na kaming makitang estudyante sa paligid ay dali dali kaming tumakbo papunta sa likod ng school.
Nang makarating ay kaagad kong sinimulan ang pag-akyat sa pader saka mabilis na tumalon sa kabilang side ng bakod. Nang nakatapak na sa lupa ang aking mga paa ay pasimple ko pang pinagpagan at inayos ang aking uniform na bahagyang nagusot. Nakatingin lang ako sa taas habang hinihintay ang dalawa ko pang kasama ng biglang may magsalita sa aking likuran.
"Where do you think you are going young lady!?" Ang narinig kong tanong ng isang baritonong boses sa seryosong tono mula sa aking likuran. Natigilan akong bigla dahil kilala ko ang boses na yon at hindi ako pwedeng magkamali.
Nang makababa sina Khim at Ash ay natigilan din ang dalawa na tila natakot kay Sir Hendrix lumunok muna ako para alisin ang bara sa aking lalamunan bago magsalita.
“Ahhmm sir Hendrix!? bakit po kayo nandito?"
Ang tila nagtataka kong tanong sa kanya, naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa akin ng kaibigan ko na wari moy kinikilig habang nakatingin kay Hendrix.
“Kung hindi ko pa naisipan na daanan ka dito sa school mo hindi ko pa malalaman kung anong kalokohan na naman ang binabalak mo! sakay! ang nanggigigil nitong sabi.
"P-pero sir may pupuntahan lang kami!” Ang sagot ko dito.
"I said get in! or baka gusto ninyong tawagin ko ang teacher n’yo ngayon din para malaman niya ang kalokohang ginagawa ninyo!?”
Ang sabi ni sir Hendrix sa amin habang salubong ang kilay na mukhang problemado sa akin.
“ No sir! sasakay na po si Tana di ba Tana!? sige na, kita na lang tayo bukas ha' bye best!" ang sabi ni Ash at magkasunod na yumakap sa akin ang dalawa kong kaibigan at bahagya pa akong itinulak papuntang sasakyan.
"Teka! pipigilan ko sana ang dalawa kong kaibigan ngunit mabilis na silang naglakad palayo kaya hindi ko na nahabol. Binalingan ko si Sir Hendrix na masama ang tingin sa akin, nakakaramdam ako ng inis sa kanya bakit ba siya nakikialam sa buhay ko nakakainis!! ggrrr!!! tiningnan ko siya saka ko inirapan at nagdadabog na pumasok sa loob ng sasakyan nito.”
“Cute!” Napapangiting sabi ni Hendrix sa kanyang isipan ng irapan siya ng dalaga, napapailing ang mga tauhan nito habang nakamasid sa amo nilang problemado sa dalaga.
Napahawak si Hendrix sa kanyang sentido at bahagya nitong hinilot. “kung hindi ko pa inagahan ng sundo kay Tana hindi ko pala ito aabutan.
Ang magaling na babae ay may balak pang magcutting classes at talagang walang pakialam na umakyat pa sa bakod kasama ng mga kaibigan nito .
Nang papasukin ko sa sasakyan ay masama ang tingin nito sa akin at inirapan pa ako! ito lang ang babaeng walang takot sa akin at nakagagawa ng ganun. Aminado ako mahihirapan talaga ako sa isang to dahil sa napakabata pa at isip bata talaga puro kalokohan ang alam gawin, laging nasasali sa gulo.
Mag-iisang linggo pa lang ang nakalilipas mula ng mapa-away ito sa school at may bagong kalokohan na naman itong pinaplano mukhang mapapabilis talaga ang pagtanda ko dito.” Anya habang iiling-iling na pumasok ng kanyang sasakyan.
Nakasimangot naman si Tana at halos hindi na maipinta ang mukha nito na hindi pinapansin si Hendrix hanggang sa makarating sila sa bahay ng binata. Nauna na siyang bumaba ng sasakyan at diretsong pumasok ng bahay na hindi pa rin niya ito kinakausap.
"Sweetie magpalit ka na ng damit at bumaba kaagad dito nakaready na ang lunch.” Ang narinig niyang sabi ni Hendrix pero hindi niya ito pinansin at inirapan lamang niya ito bago nagdadabog na umakyat ng hagdan. Napabuntong hininga si Hendrix at binalingan ang kanyang tauhan.
"Pakikuha sa kotse iyong mga pinamili ko at iakyat mo sa kwarto" ang utos nito sa tauhan saka sumunod kay Tana sa kanilang kwarto. Pagbukas ni Hendrix ng pinto ng kanilang kwarto ay bumungad na kaagad sa kanya ang mukha ni Tana na nakabusangot habang nakaupo sa kama nakapagpalit na ito ng damit pambahay.
Pumasok siya at umupo sa tabi nito, umurong naman si Tana kaya ang ginawa ni Hendrix ay hinila nito si Tana at iniupo sa kanyang kandungan. Tatayo na sana si Tana ng yakapin siya ni Hendrix sa may baywang at saka ibinaon ang mukha nito sa pagitan ng leeg niya bahagya siyang nakiliti at hindi napigilan ang mapabungingis.
"Teka po nakikiliti ako eh huwag po dyan!" ang sabi ko ngunit lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin at nararamdaman ko ang mainit na hininga nito na tumatama sa aking balat na siyang nagpapatayo sa lahat ng balahibo ko sa katawan. Nakarinig ako ng dalawang katok sa pintuan tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Hendrix kaya nanatili pa rin ako sa kanyang kandungan.
"Come in." saka bumukas ang pinto at pumasok ang isang tauhan nito na may dalang isang mahabang kahon. Nagtatakang sinundan ko ito ng tingin hanggang sa ilapag nito sa ibabaw ng kama ang malaking box pagkatapos mailapag ay bahagya itong yumukod at saka umalis.
Nagtataka nagpalipat-lipat ang aking tingin kay Hendrix at saka sa box. Napansin kong bahagyang ngumiti sa akin si Hendrix na tila natutuwa sa aking reaksyon.
“For you, buksan mo para makita mo na ang regalo ko sayo.” Ang utos sa akin ni Sir Hendrix.
"Regalo!? pero hindi ko pa naman po birthday eh.” Ang hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya mabilis niya akong hinalikan sa labi at saka iginiya ako patayo.
“Come on sweetheart buksan mo na.” Ang nakangiti nitong sabi sa akin kaya sinimulan ko ng bukasan ang kahon.
Nang mabuksan ko na ito ay tumambad sa aking harapan ang isang malaking bag parang nahuhulaan ko na kung ano ang laman nito. Kaya nakaramdam ako ng saya na ipinagpatuloy ang pagbubukas ng regalo. Nanginginig ang aking kamay habang hinihila ang zipper nito at nang tuluyan ko ng mabuksan ay hindi ko na napigilan ang maluha dahil tumambad sa aking harapan ang gitarang pinapangarap ko.”