Tana’s POV
Naglakad ako patungo sa kusina upang kunin ang juice para sa bisita naming witch.
“Aaahhmm, Juliet, pwede bang ikaw na ang magprepare ng juice para kay Ms. witch?salamat.” Anya sa malambing na boses sabay ngiti rito. Kaagad namang tumalima si Juliet habang nakamasid lang sa amin ang ibang mga katulong.
Habang naghahanda ng juice si Juliet ay dali-dali akong tumungo sa likuran ng bahay.
Naghanap ako ng insekto sa paligid at natyempuhan ko naman ang isang ipis na gumagapang kaya kaagad ko itong hinuli gamit ang plastik na hawak ko.
Pagkatapos kong mahuli ito ay agad akong bumalik sa loob, saktong tapos na si Juliet sa pagtimpla ng juice ng dumating ako, kinuha ko na ang juice sa kanya.
Binitbit ko ito papuntang sala’s kung saan naghihintay si Carla.
"Mam, heto na po ang juice n’yo." Ang malambing kong sabi sa kanya saka maingat na inilapag ang inumin sa ibabaw ng table na malapit sa kan’ya.
“May itsura ka, kaya ngayon pa lang binabalaan na kita, huwag ko lang malaman na lumalapit ka sa boyfriend ko, ni lalandiin ay huwag mo ng balakin pa; alam mo naman siguro kung saan ang lugar mo sa bahay na ito?”
Ang mahaba nitong litanya bago ako tinapunan ng isang nandidiring tingin mula ulo hanggang paa.
Habang nagsasalita ito ay nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib masyadong mababa ang tingin nito sa akin.
Hindi na lamang ako umimik at tahimik na umalis na lang sa harapan nito.
Umikot ako sa bandang likuran nito at nangingiting lumakad palayo habang binibilang ko ang bawat paghakbang ko.
"hhmmm isa? da..la..wa?taaatt....." hindi pa ako natatapos magbilang ay narinig ko na ang malakas na tili ng babae.
Natawa ako sa itsura nito ng inihagis nito ang sariling bag habang nakasampa sa ibabaw ng sofa, halos himatayin ito.
Pati ang mga katulong ay hindi magkandaugaga sa paghuli o kung paano papatayin ang ipis dahil lahat sila ay takot sa ipis.
Tawa ako ng tawa sa mga nakikita ko biruin mo ang liit na nilalang pero anim na tao ang kalaban!”
“Anong kaguluhan ito!?” Ang galit na sabi ng boses lalaki na siyang nag palingon sa aming lahat mula sa pintuan kaya nahinto ako sa pagtawa at bahagyang napalunok.
Pasimpleng humakbang ako patungo ng hagdan, ngunit dagli akong natigilan sa paghakbang ng makita kong tumakbo si Carla kay Hendrix at mabilis na yumakap dito habang umiiyak na wala namang luha.
"Honey may ipis sa bag ko hindi ko alam kung paano napunta ang ipis na ‘yon doon.” Ang Maarteng sumbong nito, hindi ko na ito pinansin pa at pasimple akong humakbang paakyat ng hagdan habang busy pa ang lahat sa paghuli ng ipis.
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Hendrix. “Tanashiri!!" Napilitan tuloy akong humarap dito bago binigay ko na ang pinakamaganda kong ngiti at nahihiyang itinaas ko ang kanang kamay ko habang ang kaliwang kamay ko ay nasa aking likuran sabay sabing "H-hello?" habang nakangiti.
"Come here!" Ang sabi nito sa akin naglumikot ang mga mata ko hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi, ngunit ng makita ko na lalong humigpit ang yakap ni Carla kay Hendrix habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay lalo akong nakadama ng sakit.
Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bigat, kaya imbes na lumapit dito ay mabilis ko silang tinalikuran at nagtatakbo palayo patungo sa kwarto.
Bago ko pa maisara ang pinto ay narinig ko pang tinawag nito ang pangalan ko, hindi ko na ito pinansin at mabilis na nilock ang pintuan.
Nang makapasok ay kaagad akong sumampa sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako at kusang pumatak ang mga luha ko na hindi ko na napigilan.
"Sweetie, open this f*****g door!!!" ang narinig kong sigaw ni Hendrix sa labas habang kumakatok sa pintuan ilang saglit lang ay narinig ko na ang pagbukas sara ng pinto.
“Bakit mo ginawa ‘yon?" ang tanong ni Hendrix sa akin dama ko ang kaseryosohan sa boses nito.
Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik na umiiyak sa ilalim ng kumot.
Ilang sandali pa ay narinig kong humakbang ito palapit sa akin at hinila ang kumot kaya wala akong nagawa ng mahantad ang aking mukha.
Lumingon ako sa kanya at diretsong tumitig sa mga mata nito, nakita ko ang paglambot ng reaksyon nang mukha nito ng makita niya ang mga luhang patuloy na pumapatak mula sa aking mga mata.
Sa isang iglap ay nawala ang galit nito at lumapit sa akin bago ako niyakap ng mahigpit.
"Why are you crying!? look I'm not mad at you, I just want to ask kung bakit mo ginawa kay Carla ‘yon, so stop crying now sweetheart, ok? I'm sorry.” Anya na tila nagpapanic habang yakap ako ng mahigpit at hinahagod ang aking likod.
"Naiinis kasi ako sa kanya’ totoo ba na girlfriend mo s’ya?” Ang malungkot kong tanong sa kanya.
“No sweetie, who told you that!?” Ang sagot nito sa akin habang nakakunot ang noo.
“H-hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan kung bakit pakiramdam ko eh, ang bigat ng loob ko basta naiinis ako sayo.
Sino ba kasi siya bakit ka niya niyayakap kung hindi mo siya girlfriend!? ang patuloy kong tanong sa kanya habang umiiyak na parang bata.”
Hendrix POV
Habang nasa sasakyan ako ay pinapanood ko ang mga ginagawa ni Tana mula sa aking laptop.
Bawat sulok ng aking Mansion ay may mga CCTV kaya nababantayan ko ang bawat galaw ng aking mga tauhan.
Pinapanood ko ang bawat eksena mula sa pagdating ng sasakyan ni Carla, ang anak ng isa sa mga business partner ko.
Nakita kong pumasok ito sa loob ng bahay hanggang sa magkaharap sila ni Tana.
Napanood ko rin kung paano tratuhin ni Carla ang mga kasambahay gayundin ang pag-uutos nito kay Tana na siyang ikinadilim ng aking mukha.
Nakita kong inilapag ni Tana ang juice sa lamesa saka nagpa-alam dito, doon ko nakita ng pasimple nitong lagyan ng ipis ang bag ni Carla na wala man lang nakapansin sa kanila.
Napapailing na lang ako sa kapilyahan ng mahal kong si Tana maging ang reaction niya sa video kung paano siya matuwa at tumawa ng malakas ng makita ang reaction ni Carla at ng magkagulo ang mga katulong.
Ang reaksyon nito ay parang bata na nanalo sa isang laro.
“Anong kaguluhan ito?” ang tanong ko sa kanila na siyang nagpahinto sa nagsisigaw na si Carla at pagtawa ni Tana.
Kaagad namang tumakbo si Carla sa akin at yumakap na hindi ko agad na awat, napansin kong pasimpleng umaakyat ng hagdan si Tana na halata mong may balak tumakas, “Tanashiri!" Tawag ko sa pangalan ng dalaga, bhagya itong tumigil sa paghakbang at saka humarap sa amin na nakangiwi ang mukha na halata mong guilty.
Sa pagharap nito ay natuon ang mga mata niya sa mga kamay ni Carla na nakayakap sa akin na nakalimutan ko ng tanggalin.
Bigla ang pagdagsa ng lungkot sa kanyang mga mata at naging seryoso ang mukha nito ngunit halata sa mukha nito na nasaktan ito sa nakita.
Tila bumigat ang dibdib ko sa naging reaction niya, natauhan lang ako ng makita kong tumakbo ito papasok ng kwarto. Sinubukan ko siyang tawagin ngunit pabalagbag lang niyang sinarado ang pintuan ng kwarto.
Bigla kong kinalas ang mga braso ni Carla na nakayakap sa aking katawan at mabilis na sinundan ito.
"Bukas na tayo mag-usap." Iyon lang ang sinabi ko kay Carla bago ko ito tinalikuran, narinig ko pa ang pagtawag sa akin nito ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
Nagmamadaling tinahak ang kwarto ngunit sa pagpihit ko ng door knob ay nakalock ito. Mabilis kong dinukot ang susi mula sa bulsa ng aking pantalon at binuksan ang pintuan.
Nabungaran ko si Tana na nasa ilalim ng kumot kaya hinila ko ang kumot, ngunit natigilan ako ng makita ko ang luhaang mga mata nito, nakaramdam ako ng awa kaya mabilis ko itong niyakap.
“H-hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, kung bakit ako nasasaktan, kung bakit pakiramdam ko eh, ang bigat ng loob ko! basta naiinis ako sayo! sino ba kasi siya bakit ka niya niyayakap kung hindi mo siya girlfriend!?”
“Napangiti ako sa mga sinabi niya at nakaramdam ng kasiyahan napaka-inosente ng mahal ko, dahil hindi niya alam na nagseselos na pala siya kay Carla.
Natuwa ako sa aking mga narinig at nagagalak akong malaman na may puwang na rin ako sa puso ng dalaga.
Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko ito ng mahigpit at saka hinagkan siya sa labi saka ko ito hinila paupo sa aking kandungan.
“Stop crying sweetheart, just always remember that I’m all yours and you are mine, ok?” Tumango naman ito at sumilay ang isang magandang ngiti sa mga labi nito na siyang pinananabikan kong makita sa araw-araw sa bawat pagmulat ng aking mga mata.
Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon ay pinapaliguan ko ng maliliit na halik ang magandang mukha nito habang nakapikit ito. Ngayon ko lang napagtanto na mahal ko na talaga ang dalaga at siya na ang buhay ko.”