Mag-iisang buwan na simula ng may mangyari sa amin ni Hendrix at nasundan pa yun ng maraming beses, Para na tuloy kaming mag-asawa, hindi ko naman pinagsisihan ang lahat dahil alam ko sa sarili ko na noon pa man ay mahal ko na talaga si Hendrix pakiramdam ko ay siya na lang ang meron ako. Kasalukuyang nandito kami sa cafeteria at breaktime namin ngayon ng mga kaibigan ko. Katabi ko ngayon sina Ash at Khim habang masayang nagkukwentuhan, hindi ko ipinaalam sa kanila ang mga nangyayari sa amin ni Hendrix. “Mga besh alam n’yo pagkagraduate natin ay magsisimula na akong mag-apply sa mga company kapag makakuha na ako ng trabaho ay mag-iipon ako at mag-aapply sa Canada," si Ash sa masayang tinig. "Aba maganda ‘yang naisip mo ah, kami rin ni Tana, dapat isang plano lang tayo tapos mag-explore