Chapter 3

2005 Words
“Oh, bro! what a face ang aga-aga eh para kang nalugi ng milyon ngayong araw na ito ahh!" Ang puna ng kanyang kaibigan na si Andrew hindi na pala niya namalayan na dumating na ito at nakatayo na ito sa kan’yang tabi. "Tsk' nothing! bakit ba ang tagal mo? Isa pa pwede ka naman na dumeretso sa opisina ko pinaghintay mo pa ako dito." Halos magsalubong ang mga kilay ko at tila iritado sa aking kaibigan. "Bro, importante itong mga documents na n ibibigay ko sayo at sobrang busy ako ngayon. Dahil marami akong hearing ngayong araw kaya wala na akong time pumunta pa sa opisina mo, kailangan personal kong iabot sa iyo ang mga ito,” Sandaling natahimik si Hendrix at tila natutulala na naman sa kawalan dahil sa babaeng gumugulo sa kanyang isipan kaya hindi siya makapag concentrate sa pinag-uusapan nila ng kaibigan. Patuloy sa pagsasalita si Andrew habang siya ay patuloy pa rin sa pag-iisip kung paano sisimulan na hanapin ang dalaga. kakaiba ang babaeng iyon lalo na ang mga ngiti nito na talagang tumatak sa aking isipan ngayon lang ako nagkaroon ng interes sa babae at sa bata pa!?" anya sa aking sarili. Tana POV “Habang tumatakbo ako ay may nakita akong isang mamahaling sasakyan sa gilid ng kalsadang daraanan ko. Napakaganda ng itim na kotse bagong-bago pa ito kahit sino ay mahihiyang hawakan dahil sa sobrang kintab nito. Wala naman sigurong magagalit kung sakaling lumapit ako rito hindi ko naman hahawakan. wala naman yatang tao sa loob. Dahil matagal na nakaparada ang sasakyan saglit akong huminto habang hinihingal saka humarap sa salaming bintana ng kotse. May pagmamadaling inayos ang aking sarili sinimulan kong ayusi. ang uniform ko na hindi ko pala namalayan na bukas ang dalawang butones nito. Nang maayos ko na iyon ay nagsimula na akong manalamin inayos ko ang aking necktie na basta ko na lang isinabit sa aking leeg dahil sa pagmamadali ko kanina. Pati buhok ko na nagulo ay basta ko na lang sinuklay ng aking kamay at bahagya kong kinagat at binasa ng laway ang labi ko na nagdry na dahil sa pagtakbo ko. Nang makuntento ay itinutok ko ang dalawang hintuturo na nakapormang baril sa bintanang salamin ng sasakyan at pumitik sabay sabing. "Ang ganda mo talaga Tana!” Kumindat pa ako at ngumiti bago muling kumaripas ng takbo dahil naalala kong late na nga pala ako. Nang makarating sa aming room ay nagsisimula na ang klase kaya ang ginawa ko ay tumalikod ako at paatras na pumasok sa pintuan. “Ms. Laison! where do you think you're going!? are you trying to escape from my classes!!?? sitdown!!" Ang galit na sabi ng aming teacher kaya dali-dali akong umupo sa aking upuan. Natatawa ang mga kaklase ko sa akin iyong iba ay napapailing na lang dahil sa kalokohan ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit papaano ay nakaligtas ako ngayong araw sa first subject namin. Nang matapos ang klase ay tinahahak ko ang pathway patungo sa aming gym "Tanashiri!" ang narinig kong tawag sa akin ni Khim humihingal itong lumapit. “Kanina pa kita hinahanap katatapos lang ba ng klase n’yo, tara na!?” Ngumiti lang ako dito at hindi na nakasagot pa dahil hinatak na kaagad ako nito. Sabay na kaming naglakad habang nakasukbit naman ang aking gitara sa may kanang balikat ko at ang kanang kamay ko naman ay nakasilid sa aking bulsa habang naglalakad. Karamihan sa mga estudyante ay sa amin nakatingin, saglit akong huminto sa harap ng isang lalaking estudyante na kanina pa nakatitig sa akin kaya bigla akong humarap sa kanya na bahagyang inilapit ang aking mukha sa mukha nito. Binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti bago kumindat. Nabigla ito at nanlaki ang kanyang mga mata, namula rin ang buong mukha nito mahiyain siguro ito kaya marahil ay hindi nito inaasahan na gagawin ko ang bagay na iyon. Natawa ako ng dali-dali itong tumakbo palayo sa amin na akala mo'y nakakita ng multo. Hindi na namin napigilan ang matawa ng kaibigan kong si Khim narinig ko ring tumawa ang ilang mga estudyante at ang pangangantyaw ng mga ito. “Pinagtripan mo na naman iyong may crush sayo, hahahaha sira ka talaga!" Ang sabi ni Khim sa akin habang patuloy kami sa paglalakad. "Grabe ha nakakahalata na talaga ako sa inyo lagi na lang ako ang naghihintay sa inyong dalawa!” Ang nakabusangot sa salubong sa amin ni Ash. Dito sa Gym ang tambayan namin habang naghihintay para sa aming next subject. Umupo na kami sa isang bench at sinimulan ko ng magtipa sa aking gitara bago kami nagsimulang umawit ng kantang' Drinking for 11" by Mad Caddies. Habang kumakanta kaming tatlo ay unti-unti dumarami ang mga studyanteng lumalapit sa amin. Naaaliw sa aming pagkanta ang mga ito at makikita sa kanilang mga mata ang paghanga isa ‘yan sa dahilan kung bakit sikat kami sa eskwelahan na ito. Kasalukuyang nasa canteen kami ng mga kaibigan ko dahil breaktime namin ngayon habang kumakain ng pagkaing inorder ay masaya kaming nagkukwentuhan ng lumapit sa amin ang isang classmate ko. "Tanashiri pwede ba akong sumabay sa inyo mamayang uwian?” Ang tanong ni Tofer na mukhang nahihiya at hindi pa mapakali sa kanyang kinatatayuan panay din ang sulyap nito kay Ash. Hindi lingid sa aming magkaibigan na may gusto si Tofer kay Ashley na hindi naman pinapansin nung isa. “Sorry ka' may lakad kami mamaya kaya try your luck next time!" Ang maarteng sagot naman ni Ash sabay kindat kay Tofer na biglang namula ang mukha at nakatungong umalis sa aming harapan na ikinatawa namin napailing na lang ko. May nakita akong dalawang bato na ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at pinulot ko iyon saka itinago ko ito sa bulsa ng aking palda. Napatingin sa akin si Khim at iiling-iling na pilit pinipigilan ang hindi matawa. Habang naglalakad kami ay may nasalubong kaming grupo ng limang lalaking estudyante na taga-ibang section lumapit sa amin ang isa na nagunguna sa mga ito at nagpakilala sa aming tatlo narinig namin ang hiyawan ng mga kasamahan nito ng makalapit na ito sa akin ay inilahad nito ang kanang kamay sa aking harapan "Hi, I'm Rhey,” ang pakilala nito sa sarili tiningnan ko ang palad nitong nakalahad bago ngumiti sa kan’ya ng pagkatamistamis na siyang ikinatili ng mga kasamahan nito na naghihintay sa gagawin ko. Kinuha ko ang chewing gum sa bibig ko gamit ang kanang kamay at mabilis na nakipag kamay sa lalaki ng hindi inaalis ang gum sa kamay ko. Nang magshake hands kami ay dumikit ang gum sa palad nito. "YUCK'S! Eewww....” Ang narinig kong sabi ng mga kasamahan nito, “I’m glad to meet you Rhey” ang sabi ko dito. Ang mga kaibigan ko naman ay hindi na napigil ang pagtawa, nilampasan na namin sila at nagpatuloy sa paghakbang na tila walang nangyari. narinig kong nagtatawanan at nag-aasaran ang mga ito dahil ng dumukot sa kanyang bulsa si Rhey imbes na tissue ay dalawang bato ang nadukot nito mula sa kanyang bulsa. Galit na galit ito sa pag-aakala na isa sa mga kasamahan niya ang pinagtitripan siya. Tawa nang tawa ang dalawa kong kaibigan. "Grabe ka Tana pati si Rhey na crush ko pinagtripan mo talaga hahahaha!" ang sabi ni Ash sa akin habang tumatawa. "Ano tuloy ba tayo mamaya sa lakad natin? ang tanong ni Khim sa amin. “Oo, naman so paano kitakits nalang tayo mamaya!” Sabi ko sa kanila sabay kawa'y sa mga kaibigan ko bago lumakad na palayo. Nakasuot ako ngayon ng paborito kong outfit ang black tattered kong jeans na may mga punit sa bandang tuhod at hita tinernuhan ko ito ng white shirt at black converse shoes ko na parang boots style. May suot akong black cap habang nakalugay ang itim at bagsak kong buhok. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng aming tahanan, mag-iisang linggo ng hindi umuuwi ang aking ina at napakatahimik ng bahay parang gusto kong umiyak dahil sa lungkot na aking nararamdaman kaya mabilis akong lumabas ng bahay. Nadatnan ko ang mga kaibigan ko sa labas na matiyagang naghihintay sa akin. "My goodness Tana! wala ka na bang ibang alam na isuot kundi ‘yan na lang lagi!? baka mapagkamalan kang hold-upper niyan or hindi kaya’y mandurukot!" Ang sabi sa akin ni Ash na nakasimangot at ng hahaba ang nguso ang cute talaga ng kaibigan kong ito. “Eh, s’ya dito ako sanay at isa pa paborito ko itong suotin." Wala ng nagawa ang mga kaibigan ko sa suot ko dahil alam naman nila na hindi sila mananalo sa akin kaya hindi na nila ako pinilit pa na magpalit ng damit. Nagsimula na kaming maglakad at sumakay ng jeep papuntang Star Mall. Pagdating sa Mall ay ang nagtingin-tingin lang kami sa magagandang damit na nakadisplay. Natigilan ako ng matapat kami sa isang shop ng mga music instrument. Nabighani ako sa mga gitarang nakadisplay gusto ko ng palitan ang gitara ko kaso wala akong kakayahang bumili masyado ng luma ang gitara ko pinag-ipunan ko ng matagal na panahon tapos 2nd hand pa kaya mura kong nabili. "Tana sa restroom lang kami hindi ka ba sasama?" ang tanong sa akin ni Ash. "kayo na lang, dito ko na lang kayo hihintayin." Lumakad na palayo ang dalawa kong kaibigan napatingin ako sa isang gitara na na-engganyo akong hawakan ito. "Miss gusto mo ba ang isang ‘yan bagong labas lang po yan.” Ang nakangiting tanong sa akin ng isang sales lady nang tingnan ko ang price nito ay nagulat ako sa laki ng presyo! nakangiti kong hinarap ang sales lady "Pasensya na po may hinihintay lang po ako kaya nagtitingin-tingin lang po ako.” Ang magalang kong wika na bahagyang nakadama ng hiya. Ngumiti naman ito sa akin bago ako tinalikuran kaya lumabas na ako ng shop. Sa hindi kalayuan mula sa aking pwesto ay may nagkakagulo, dahil sa iba nakatuon ang aking atensyon ay hindi ko na napansin ang isang lalaki na nagmamadali patungo sa aking direction. Huli na para maiwasan ko ito dahil nabangga na ako nito at paupong bumagsak ako sa sahig naramdaman ko na may bumagsak na isang bagay sa aking kandungan. Iaabot ko sana ito sa nakabanggaan ko ngunit ang lalaki ay nagmamadaling tumayo at mabilis itong nawala sa aking paningin. Tumayo ako at pinagpagan ang aking suot bago dinampot ang maliit na box na naiwan ng lalaki. Luminga-linga pa ako sa paligid upang hanapin ito pero hindi ko na nakita ang lalaki. Sinuri ko ang bagay na naiwan sa akin dahil naisip ko na baka may lamang contact card na pwedeng pagkakakilanlan ng may-ari kaya binuksan ko ito. Nagulat ako dahil tumambad sa akin ang isang mamahaling alahas nagtaas ako ng paningin at nagtatakang tiningnan ang mga taong nakatingin sa akin. Matatalim tinging ipinupukol nila sa akin na parang akala mo ay isa akong masamang tao na may ginawang kasalanan sa kanila. Lumapit sa akin ang ilang security, iaabot ko na sana ang maliit na box na naglalaman ng alahas sa kanila ngunit nagulat na lang ako ng bigla nila akong hawakan sa magkabilang braso. "T-teka, Sir ano pong ibig sabihin nito!? teka bitawan n’yo nga ako! Saan po ba ninyo ako dadalhin!? Ang nahihintakutan kong tanong sa kanila. Nakakaagaw na rin kami ng atensyon sa mga taong nagsha-shopping at medyo nakakaramdam na rin ako ng hiya. "Sa office ka na lang magpaliwanag Miss." Sabi sa akin ng security na may hawak sa aking kanang braso. Saka lang naproseso sa utak ko ang mga nangyayari at ang lalaking bumangga sa akin at iyong box na naiwan nito sa akin. Hindi! napagkamalan akong magnanakaw!? "Teka, kuya guard nagkakamali po kayo hindi po sa akin ang box na hawak ko kanina naiwan lang ‘yon nung lalaking bumangga sa akin!Nagkamali po kayo ng hinuli' hindi po ako ang shoplifter na hinahabol nyo kuya guard!" Ang sabi ko dito sa tono na nakikiusap ngunit nagpatuloy lang ito sa paghila sa akin na tila walang narinig.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD