Tana Nagising ako na nasa isang hindi pamilliar na silid at wala ang aking asawa sa paligid kaya bumangon na ako at inayos ang aking sarili. Natatandaan ko nasa opisina ako ng aking asawa. Nang maalala ang salitang asawa ay inangat ko ang aking kaliwang kamay at ng makita ko sa aking daliri ang isang mamahaling singsing na bahagya pang kuminang ay napagtanto ko na totoo nga talaga ang lahat at hindi ito isang panaginip lang. Napansin ko na iba na ang suot kong damit isa na itong simpleng fitted dress skin tone na lampas tuhod. Bumangon na ako mula sa aking kinahihigaan at hinanap ko sa sahig ang aking stiletto ng makita ko ay kaagad na sinuot ito bago tumayo. Humarap ako sa salamin at sinuri ang aking sarili ng makita maayos naman ay saka ko tinungo ang pinto upang lumabas ng kwarto. I
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books