Chapter 4

1818 Words
Reena De Ocampo Mag-aapat na buwan na ang tiyan ko. Sobrang saya ko nang malamang malusog naman pareho ang babies ko. Hindi ko pa rin alam ang gender nila sabi kasi ni doktora Michelle parang nagtataguan daw ang dalawa baka sa ikalimang buwan magpapakita na ang mga ito. Hindi ko na rin ulit nakita ang ama nila. Ayos lang hindi naman ako umasa na magko-cross ulit ang landas naming dalawa. Marahil ay hindi talaga sang ayun ang tadhana na magkita ulit kami. Kayayanin kong palakihin ng maayos ang babies ko at bubusugin ko sila ng pagmamahal. "Tapos ka na r'yan, bakla? Grabe ka naman bakla isang oras kang nakatutunga r'yan sa harap ng salamin at hindi ka pa nakapagbihis. Anong gusto mo bihisan pa kita r'yan?" ani ni Percy nang maabutan akong hindi pa nakabihis at nakatunganga lang sa salamin. Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. Mabiro nga. "Magandang suggestion 'yan , bakla. Sige na bihisan mo na ako." Natawawang ani ko. "Ew! Mandiri ka nga bakla. Magbihis ka na r'yan. Mamimili pa tayo ng mga bago mong damit. Tumataba ka na hindi na magkakasya ang mga luma mong damit." aniya. Naningkit ang mga mata ko habang sinusundan ng tingin ang baklang papalas ng kwarto ko. Alam ko namang tumaba ako kailangan pa talagang ipamukha sa'kin at saka tatlo kaya kaming kumain alangan namang magda-diet ako. Nakasimangot akong lumabas ng kwarto ko nang makita si bakla na nagmi-mirror selfie. At talagang nang iinis pa. Pini-picture-an lang naman ang katawan niyang mukhang palito ng posporo. "Hihintayin na lang kita rito sa kotse. Nakakahiya naman kasi sa'yo mukhang hindi ka pa tapos d'yan sa picturial mo." Napatingin naman siya sa gawi ko. "Ay! Bakla, nand'yan ka na pala. Hindi ka naman nagsabi. Tara na. Gora na tayo." aniya saka pumasok "Bilisan mo bakla, gusto ko ng himasin ang pwet ni Jollibee." Nang tumuntong sa ikatlong buwan ang tiyan ko hindi na ako mapakaling hindi mahimas ang pwet ni Jollibee sa isang linggo. Nagsimula kasi ito nang pumunta ako sa school na pinapasukan ni Percy. Habang patungo ako sa faculty nadaanan ko ang isang classroom ng mga special na bata at kasalukuyang may sumasayaw na Jollibee dahil birthday ng isang estudyante no'n. Biglang nagningning ang mga mata ko nang kumikembot-kembot si Jollibee. Walang ano-ano'y pumasok ako ro'n at hinimas-himas ang pwet ni Jollibee. "Ngiti-ngiti mo r'yan, bakla?" aniya. "Naalala ko lang ang pwet ni Jollibee. Malapit na ba tayo? I can't wait to touch his butt." "Kaloka ka talagang buntis ka. Paano mong nasisigurong his si Jollibee, aber?" aniya. Teka, ano nga ba si Jollibee? Babae o lalaki? Bakla o Tomboy? "Pakiramdam ko lang. Teka nga, walang basagan ng trip. Ipa-pikot na talaga kita." "Oo na. Boylet na si Jollibee. Nang matahimik ka na r'yan." aniya. Mabilis kaming nakarating sa mall. Hindi naman traffic sa daan. Hindi pa naman kasi rush hour sa ngayon. "Bakla, ayun si Jollibee! Ihinto mo bilis baka makaalis na 'yun." Good timing talaga at si Jollibee ang una kong nakita bago pa kami makapag-umpisang mag-shopping ni Bakla. "Sandali lang malapit na rin naman tayo sa parking lot. Ipa-park ko muna 'to." aniya. "E, bakla baka mawala na sa paningin ko si Jollibee." Nakangusong ani ko. "Edi, pumunta tayo sa branch nila at hanapin natin ang Jollibee na 'yun." aniya. "E, sige na bakla, promise hindi na talaga kukulitin tungkol kay Jollibee. Sige na, o, paalis na siya." Nanunubig ang mata kong nakatingin kay bakla. Makuha ka sa tingin ko. "Fine! Basta 'wag kang lalayo kundi sasabunutan kita." aniya. "Thank you talaga, bakla. Sige babush! See you later, alligator." ani ko sabay kiss sa check niya. Sinamantala ko naman ang pagkatulala niya at lumabas na ng kotse. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko ngunit wala na akong pakialam. Ang importante kung paano ako makalalapit ngayon kay Jollibee. E, ang daming bata na nakayakap sa magkabilang binti nito. Nalungkot naman ako nang magpaalam sa mga bata si Jollibee. Kating-kati pa naman ang kamay kong himasin ang pwet ni Jollibee. "'Wag ka ng malungkot r'yan bakla. Mahaba pa naman ang araw mahihimas at mahihimas mo rin ang pwet ng pulang bubuyog na 'yun." Hindi ko napansin nasa tabi ko na pala si Percy at nakasunid ng tingin sa papalayong bulto ni Jollibee. "Kung bakit sa dinami-daming pwede mong paglihian 'yung pwet pa talaga ni Jollibee ang napili mo. Baka magmukhang pwet ng bubuyog 'yang mga inaanak ako paglabas nila." aniya. Kasalanan ko ba kung 'yun ang gusto ng babies ko. "Tara na pasok na tayo nang makapagshopping na. Balita ko pa naman maraming sale ngayon." aniya "Bakla, si Jollibee na muna- I mean kumain na muna tayo. Gutom na kami ng mga inaanak mo at saka para na rin may lakas ako para mamili ng damit." "Kakain mo lang bago tayo umalis kanina sa bahay tapos kanina pinakpak mo ang dalawang pakiti ng bisquit ko sa kotse. Ngayon gustom ka na naman?" aniya. "E, sa tatlo kaming kumakain, e." Nakanguso kong ani. "O siya, tara na nga baka umiyak ka pa r'yan tapos mapagbintangan pa akong pinaiyak kita." aniya. "Ayie! Salamat bakla. The best ka talaga." Niyakap ko siya. ---***--- "Bakla, dito ka lang ako na ang mag-oorder." aniya. Inalalayan niya akong maupo bago pumunta sa pila kung saan mag-oorder. Palinga-linga ako sa paligid baka makita ko si Jollibee. Kating-kati na ang mga kamay ko gusto ko ng himasin ang pwet ni Jollibee. Ngunit hindi si Jollibee ang nakita ko. Ang tatay ng babies ko nakaupo sa katabing restaurant. Muli kong naalala ang 'yung sinabi ko nong nakaraang mga buwan at ikatlong beses ko ng nakita ang tatay nila. Ibig sabihin ba nito ay ipapaalam ko na sa kanya ang kalagayan ko. Nilingon ko muna si Percy sa pila. Medyo malayo pa siya sa counter. Siguro kapag lumabas ako hindi pa siya makakaorder hindi niya mapapansing umalis ako at saka saglit lang naman ako. Lumabas ako ng fast food upang puntahan 'yung tatay ng babies ko pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko na may kasama itong magandang babae at nagtatawanan pa. Siguro siya 'yung Valerie na binabanggit niya no'ng gabing may- 'yun nga. Pero it's now or never. Ipapaalam ko lang naman sa kanya hindi naman ang manghihingi ng sustenso o di kaya'y panagutan niya ako. Ang sa'kin lang ay malaman niyang nag-e-exist ang babies ko. Napadasal ako habang papalapit ako sa kanila. 'Lord, hindi naman po ako maninira ng relasyon. Hindi ko naman po hihilingin na panagutan niya ako. Nais ko lang naman po ipaalam sa tatay ng babies ko na nag-e-exist sila mundo.' "Excuse me, Miss?" Hindi ko namalayan nakatayo na pala ako sa harap nilang dalawa. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin ng tatay ng babies ko. Akala ko wala ng iga-gwapo ang lalaking 'to. Meron pa pala at kamukha niya si Wong Jong Jin. Hindi na ako lugi kung siya ang kamukha ng babies ko paglabas. "Miss, may kailangan ka?" aniya. Nabalik ako sa reyalidad na muli siyang magsalita. "Pwede ba kitang makausap? Private sana kung maaari." Diretsa kung ani. Pinakatitigan niya ako ng mabuti at kahit hindi ko lingunin ang kasama niya ay sigurado akong nakatitig din ito sa'kin. "Pasensiya ka na, Miss, hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kilala at saka pwedeng umalis ka na nakakaistorbo ka sa amin ng girlfriend ko." aniya. Biglang naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Gusto ko lang naman makausap siya ng pribado upang hindi marinig ng girlfriend niya ang sasabihin ko para maiwasan ang eskandalo pero pakikitungo at sa tuno ng pananalita niya parang nagbago ang isip ko. "Pasensiya ka na, Miss sa tukmol na 'to. Walang kwenta minsan ang lumalabas sa bibig nito." ani ng babae. Hindi ko maiwasan hindi ma-guilty nang lingunin ko ang kasama niyang babae. "Why are you apoligizing to her? We don't even know her baka nga isa pa siya sa budol-budol gang." aniya. Nangigting ang panga ko sa sinabi niya? Ako, membro ng budol-budol? E, ako nga ang na budol niya at ito nga ang resulta. "Ang kapal din ng mukha mong lalaki. Nandito lang naman ako para sana makausap ka ng masinsinan tapos pagbibintangan mo akong membro ng budol-budol, e, ako nga itong na budol." Kahit hindi ko lingunin ang paligid sigurado akong nasa akin lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng restaurant. "Ang nang budol sa'yo? Miss, 'yan ang paraan mo para mapansin kita, pasensiya pero hindi tatalab sa'kin ang tactic na 'yan at saka I'm already taken. Right Babe? aniya saka nilungon ang babaeng kasama. Napahugot ako ng malalim na hininga. I'm sorry but I really need to do this. "Hoy lalaki! Kung iniisip mong inaakit kita, I'm sorry to blow up your bubble pero hindi kita inaakit. Nandito ako pata ipaalam sa'yo na buntis ako-" Hindi niya pinatapos ang sinasabi ko nang sumikit siya. "Kita nga namin na buntis ka kaya pwede ka ng umalis sa harapan namin." aniya. "Buntis ako at ikaw ang ama." Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Halatang pino-process pa ng utak ko. "Is that true, Travis?" Maluha-luhang ani ng girlfriend niya. "Hindi, babe. Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'yan. Babe, maniwala ka sa'kin mahal kita at hindi ko magawang saktan ka." Hinawakan pa nito ang kamay ng girlfriend na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "I'm sorry." Piping ani ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Sinungaling! Magsama kayo ng babae mo." ani ng babae saka mabilis na lumabas ng restaurant. Susundan na sana niya ito nang mabilis kong nahawakan ang braso niya. Hindi sa pinigilan ko siyang habulin ang girlfriend niya kundi dahil bigla akong nahilo. Mabilis niyang inalis ang kamay kong nakakapit sa kanya. Ngunit hindi pa niya binibitawan ang kamay ko sapagkat mariin niyang hinahawakan ito habang nakatitig sa'kin ng masama. Kahit masakit ang klase ng pagkakahawak niya sa'kin ay hindi na ako nagreklamo. Pakiramdam ko kasi kapag binitawan niya ako ay matutumba na ako. "Sino ka ba? Bakit pinagbibintangan mo ako ang nakabuntis sa'yo? Ni hindi nga kita nakita buong buhay ko." aniya. Hindi ko magawang makasagot nang nag-umpisang manlabo ang paningin ko. Napahawak ako sa isang upuan habang hawak niya pa rin ang isang kong kamay. Gusto kong maupo pero bago ako makaupo narinig kong tinawag niya ako. "Miss, Miss, okay ka lang?" aniya nang may pag-aalala. "Miss, dinudugo ka." Rinig kong ani ng isang babae. Parang tinambol ang puso ko at mabilis akong napatingin pagitan ng dalawang hita ko. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko sa nakita ko. Hold on babies. 'Wag niyong iwan si mama. "Tumawag kayo ng ambulansya! Doktor!" aniya. Bago ako nandilim ng tuluyan ang paningin ko nakita ko sa mukha niya ang bakas ng pag-alala kahit alam kong nasasaktan ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD