Reena De Ocampo
"You're hired, Miss De Ocampo. Bukas na bukas din magsisimula ka na." ani ng may-ari ng resto-bar na ina-apply-an ko.
"Salamat po, Mrs. Asuncion." Masaya akong lumabas ng opisina ni Mrs. Asuncion.
Sa wakas may trabaho na rin ako makakabayad na rin ako sa inuupahan ko at makapag-ipon na rin ako para sa panganganak ko. Mabait si Mrs.p Asuncion, alam niyang buntis ako kaya imbes na waitress ang magiging trabaho ko, ginawa niya akong cashier.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Percy. Kahit umalis na ako sa kanila ay hindi pa rin nawawala ang communication namin at lagi rin kaming nagkikita.
"Bakla, I miss you. Kumusta ka na? Ang babies?" Bungad ni Percy sa kabilang linya.
"Grabe ka bakla nong isang linggo pa tayong huling nagkita. Anyway, maayos naman kami. Ikaw kumusta ka na? Kumusta na kayo ni Mitchie?" Natatawang ani ko.
"O to the M to the G-O-D! Bakla, wala na ang first kiss ko. Kinuha ng bruhildang babaeng 'yun." aniya habang humahagulhol.
I know, umaarte lang na humahaguhol ang baklang 'to.
"How does it feel, bakla?"
"Tse! Wala na ang first ko na nireserba ko para sa mapapangasawa ko." aniya.
"Malay mo siya ang mapangasawa mo." Natatawang ani ko. Na-i-imagine ko na silang dalawa sa ending.
"Tse! Asa! Para sa mapapangasawa ko ang first kiss ko. Para kay Lee Dong Wook lang sana pero umaeksena ang bruhilda. By the way, bakit ka pala napatawag bakla? May nangyari ba sa babies? Nalaman na ba ang gender nila? Pareho bang maganda o gwapo? Ano nga bakla?" Ganyan ang baklang 'yan ang bilis magswitch ng mood.
"Gaga! 7 weeks pa lang ang tiyan ko. Masyado kang excited. Anyway, napatawag ako dahil gusto kong ibalita sa'yo na may trabaho na ako."
"Congratulation, bakla. Anong klaseng trabaho 'yan? Hindi ba mahirap? Paano ang babies?"
"'Wag kang mag-alala hindi naman mahirap ang trabaho ko sa resto-bar."
"Bar?! O to the M to the G-O-D anong pumasok sa isip at nag-apply ka r'yan? Bakla naman, 'wag ka ng magtrabaho r'yan ako na bahala sumuporta sa inyo ng pamakins ko. Hindi ko kaya ma-take na nagsasayaw ka sa ibabaw ng stage na bra at panty lang ang suot mo." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
Bakit ako magsasayaw ng naka-bra't panty lang?
Teka, iniisip ba nitong magaling kong pinsan na dancer ang trabaho ko sa bar?
Napahagalpak ako ng tawa. Na ikainis naman ng nasa kabilang linya.
"Tawang-tawa ka r'yan. Hindi ako nagbibiro Mary Reena De Ocampo. 'Wag ka ng magtrabaho r'yan. Sinasabi ko sa'yo." aniya.
"Bakla, hindi naman dancer ang trabaho ko ro'n. Cashier ako. CA-SHIER at saka hindi naman ako sa bar na assign. Sa restaurant ako."
"Mabuti na lang hindi ka talaga dancer. Ang pangit naman kasing tingnan kung sakaling naging dancer ka nga. Mantakin mong isang babae na nakalunok ng pakwan ang sumasayaw sa ibabaw ng stage." Natawang aniya.
"Ang sama mo. Ipapikot kita kay Mitchie r'yan. Makikita mo."
"Di ka naman mabiro, bakla. Pinapatawa lang kita, no." aniya.
"Asus! Hindi ka nagbibiro, e. Takot ka lang na mapikot." Natatawang ani ko.
"Kung kay Lee Dong Wook mo ako ipipikot kahit ngayon din papakasalan ko siya." aniya.
"Ambisyosa! Wala kang matres." Paniguradong nakasimangot na 'yun sa kabilang linya.
"Ikaw na ang may matres. Ikaw na ang buntis." Sarkastiko niyang ani.
"Ako na talaga."
"Ewan ko sa'yo. Sige na ibababa ko na 'to marami pa akong gagawin." aniya.
"Pasensiya at na istorbo pala kita." Bigla namang nag-ulap ang aking mga mata.
"Hala! Bakla, umiiyak ka? Naku, naku, pasensiya na bakla nakalinutan ko napaka-sensitive pala ng mga buntis." aniya.
"Okay lang, bakla. Sige na baka dumaan naman r'yan si Mitchie at wala ka namang trabahong magagawa." Natatawang ani ko. .
"Tawang-tawa ka, a, parang kanina lang umiiyak ka." aniya.
"Gano'n talaga siguro kapag buntis mabilis mag-switch ng mood."
"O siya, sige bakla pupuntahan na lang kita sa boarding house mo mamaya. Mag-ce-celebrate tayo." aniya.
"Sige bakla."
---***---
Kasalukuyang nagtingin-tingin ako ng damit pang baby nang mahagip ng mata ko ang lalaking siyang ama ng mga babies ko sa kabilang store.
Iniwan ko ang mga napili kong damit at dali-dali akong lumabas ng store para punta sa kabila kung nasa'n 'yung tatay ng babies ko.
Ngunit hindi sang ayun ang tadhana dahil pagdating ko sa kabilang store wala na 'yung lalaki.
Wala naman akong balak na hanapin ang ama ng babies ko. Kakayanin ko namang itaguyod silang dalawa. Ang sa'kin lang paano kapag lumaki na sila at hanapin ang ama nila. Alam ko marami ng single mom sa panahon ngayon pero alam ko sa kaloob-looban ng mga ito ay pinagdarasal nila na sana may ama at buo ang pamilya nila.
Ganito na lang kapag nakita ko muli ang lalaking 'yun sa pangatlong pagkakataon hahanapin ko na siya at sabihing nabuntis niya ako. Hindi naman sa gusto kong sirain sila ng asawa niya ang sa'kin kahit malaman lang naman niya na may anak siya sa'kin.
---***---
"Kumusta ang trabaho mo rito, Reena?" ani ni Mrs. Asuncion.
Unang araw ko ngayon sa trabaho. Hindi naman mahirap ang trabaho ko magiging busy nga lang kapag lunch time at dinner time.
"Magandang hapon po, Mrs. Asuncion. Maayos naman po. Salamat po sa pagtanggap niyo sa'kin dito kahit hindi naman po kayo naghahanap ng bagong cashier."
"Wala 'yun, Reena. Basta gawin mo ng maayos ang trabaho mo." aniya.
"Opo. Aayusin ko po ang trabaho ko."
"O siya, maiwan na muna kita rito. Mag-i-inventory muna ako sa taas." aniya.
Pagkaalis ni Mrs. Asuncion linapitan naman ako ni Madel, ayun sa name tag niya.
"Hi! Ako nga pala si Madel. Hindi ako nakapagpakilala sa'yo kanina dahil ang daming tao kanina." aniya.
"Ako nga pala si Reena. Bago lang ako rito."
"I know. Ako kasi ang dating nakatuka r'yan." aniya.
Mukhang mataray ito, a.
"Pasensiya na. Hindi ko alam." Na-demote ba siya kaya ako ang ipinalit? Baka pag-initan ako nito.
"Ano ka ba ayos lang, no. Ako ang nagrequest kay Mrs. Asuncion na palitan ako sa cashier. Gusto ko mag-waitress na lang, you know para makalapit naman ako sa mga gwapong customer hindi hanggang tanaw lang." aniya.
Laglag ang panga ko sa mga sinabi niya. Mas gugustuhin pa niyang maging waitress kaysa cashier na uupo ka lang sa counter at maghihintay ng mga bayad.
"I know that look. Iba ang trip ko sa buhay, e. Maiwan na muna kita may gwapong papasok." aniya saka nilapitan ang bagong dating na customer.
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang kasunod ng lalaking kausap ni Madel.
This is the second time. May isa pang pagkakataon.
Sinundan ko na lang siya ng tingin habang ginigiya sila na kasama niya ni Madel sa kanilang upuan.
Sana kasing gwapo niya ang maging anak na lalaki namin.
"Makatitig ka wagas, a. Di ba nakapangsisi kung nakaupo ka lang r'yan? Hindi mo malapitan ang gwapong customer. Ito, o, may number pa ako nong isang gwapo. Adam Ventura ang pangalan nong nasa kanan." aniya.
Napatingin naman ako sa sinasabi ni Madel. Nakahinga naman ako ng maluwag na hindi 'yung ama ng babies ko ang tinutukoy niya.
"E, 'yung nasa kaliwa anong pangalan?" Kahit pangalan lang naman ay alam ko.
"Ay te! Super-duper strict nang gwapong 'yan kahit pangalan ayaw ibigay. O siya, kukunin ko na ang order nila." aniya saka pumasok sa kitchen.
"Naku! Mukhang masungit ang papa niyo babies." Sabay hawak sa tiyan ko.