CHAPTER 12 Sabado ng gabi nang dumating nga sa kanilang bahay si Paul. Katulad ng sinabi ng kanyang kapatid ay naging kasalo nila ito sa hapunan. Francheska made the dinner extra special. Nagpahanda ito ng ilang putahe na kung titingnan ay mistula bang may handaan sa kanilang tahanan. At hindi maiwasang makaramdam ng ngitngit ni Beatrice. May pakiramdam pa siya na waring natutuwa ang mag-asawa sa pagdating na iyon ng binata. Samantalang siya ay halos magpuyos ang kalooban. Kung hindi lang ikakagalit ng kanyang kapatid ay nunca siyang bababa sa komedor para dumulog sa harap ng hapag-kainan. Mas pipiliin niya pa ang magkulong na lamang sa loob ng kanyang sariling silid. Nang makapasok si Beatrice sa loob ng komedor ay halos sabay-sabay pang lumingon sa kanya ang mga taong naroon. Ang kan