CHAPTER 1
Humahagibis na minamaneho ni Beatrice ang Land Cruiser na pag-aari ng kanilang pamilya. She does not have an exact location to go to. Ang nasa isip niya kanina paglabas ng bahay at matanawan ang sasakyan ay ang magpakalayo-layo muna.
Kinuha niya ang susi sa pinagsasabitan nito at basta na lang nagmaneho nang hindi tiyak ang paroroonan.
Pasado alas-dies na ng gabi at nakisabayan ang minamaneho niya sa ilang sasakyan sa kalsada.
It was supposed to be a wonderful day. Kasal kanina ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jake at ng kasintahan nitong si Francheska. Everything was so perfect since they waited so long for this day.
Sa katunayan ay noong isang buwan pa dapat ikinasal ang dalawa. Knowing her Kuya Jake, hindi nito patatagalin ang preparasyon ng kasal, lalo na at nagdadalantao si Francheska.
Ngunit dahil nag-aaral pa siya sa ibang bansa ay hindi agad naidaos ang kasal ng mga ito.
Magmula nang tumuntong siya sa ikalawang taon ng kolehiyo ay sa ibang bansa na siya nanirahan.
It was her father's idea to send her to Florida. At doon ay nagkolehiyo. Nang unang taon ay napagbigyan pa siya na sa Pilipinas pa mag-aral. But not the remaining years of her college days.
Kaya naman nang ikalawang taon niya sa kolehiyo ay sa Auntie Lanie na nila siya tumira. Pinsan ito ng kanilang ina na nakapag-asawa ng taga-Florida.
And it has been three weeks since she went back to the Philippines after graduating in college. Dapat ay masaya siya sa kanyang pag-uwi dahil na rin sa okasyon kanina.
Ngunit lahat ng sayang nadarama niya ay iglap na nawala nang makita niya sa simbahan si Ronniel.
Ronniel Certeza is his brother's best friend. She longed to see him again. Isang rason kung bakit excited siyang umuwi ay dahil sa binata.
But all the excitement and happiness that she felt vanished when he saw him at the church.
Dumalo ng kasal ng kanyang Kuya Jake si Ronniel. Ngunit hindi ito nag-iisa. Together with him was Aria, ayon na rin sa narinig niyang pangalan ng babae. And she is Ronniel's girlfriend--- fiancee to be exact.
Though Aria was wearing a loose dress, bakas pa rin at hindi naitago niyon ang ilang buwan na nitong dinadala sa sinapupunan.
Mariing napahawak sa manibela ng sasakyan si Beatrice. The images of Ronniel and Aria blurred her way. Binabalot siya ng panibugho sa kaalaman na kailan man ay hindi magkakaroon ng katugon ang damdamin niya para sa binata.
Lumingon sa paligid si Beatrice. Madilim at alam niyang kapag binuksan niya ang salaming bintana ng sasakyan ay sasalubong sa kanya ang malamig na panggabing hangin. Iilan na lamang ang sasakyang nakakasabay niya, karaniwan na ay mga pribadong sasakyan.
Until her attention was caught by one of the establishments along the road. Nangingibabaw sa kadiliman ng gabi ang ilaw ng signage nito.
"The Neon Place," Beatrice murmured to herself.
Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada na katapat nito. Nahirapan pa siyang hanapan ng lugar na pagpaparadahan ang Land Cruiser. Halos puno ng sasakyan ang labas ng nasabing establisyemento. Marahil dahil na rin sa Sabado ng gabi ngayon at karaniwan na ay lumalabas ang mga tao sa oras na ito.
Beatrice parked her car along with other vehicles. Mula sa passenger's seat ay kinuha niya ang kanyang pouch at hinugot ang susi mula sa ignition ng sasakyan.
She went out of the car and headed towards the entrance of the bar. Agad siyang pinagbuksan ng security guard na nakabantay sa entrada ng bar. Puno ng kuryosidad ang mga mata nito, wari bang hindi ito makapaniwala na sa edad niyang ito ay papasok siya sa ganitong lugar.
Why, she is only twenty-one years old!
Pagkapasok sa loob ay saglit na natigilan si Beatrice sa kinatatayuan. Though, inaasahan na niya kung anong uri ng lugar ang pinasok ay nakaramdam pa rin siya ng pagdadalawang-isip kung tutuloy pa ba sa loob o hindi na.
The place was so crowded. Nakapwesto ang mga tao sa mga upuang nakapalibot sa pabilog na mesa. Umuulan ng alak sa bawat grupo ng mga tao. And the place became blur because of the smoke that wherever it came, she does not have any idea.
Inikot niya ang paningin sa buong paligid. No familiar faces.
She knew it was not smart to get in. Pero natagpuan ni Beatrice ang sarili na naglalakad palapit sa counter ng bar. Agad na lumipad ang mga mata ng ilan sa mga andoon patungo sa kanya.
Men watched her walked with admiration in their eyes. And if she knew it better, alam niyang pagnanasa ang binabadya ng mga mata ng ilan sa mga iyon.
At the age of twenty-one, her body was an epitome of a goddess, well-grown at the right places.
Lalo pang pinatingkad iyon ng kasuotan niya ngayon. Beatrice was wearing a white crop top with short sleeves. She paired it with skinny jeans that almost hugged her long legs. Sa kanyang paa ay itim na sandalyas na may tatlong talampakan ang taas.
She ignored the men's gazes. Hindi siya nagpunta doon para makakuha ng atensyon ninuman.
Pagkalapit sa bar counter ay naupo si Beatrice sa mataas na stool na andoon. She faced the bardenter.
"Tequila, please," mahinahon niyang sambit dito.
"T-tequila, ma'am?" nag-aalangan na sambit ng bartender sa kanya. Lumingon pa ito sa isang kasamahan nito doon. "Sigurado po ba kayo? Matapang po ang alak na hinihingi ninyo at wala po yata kayong kasama."
"Madalas niyo bang pakialaman ang inoorder ng mga customers ninyo?" she hissed at the bartender. She didn't want to sound rude and she knew she was being unreasonable. Alam niyang nagmamalasakit lamang ito sa kanya. But the hell if she cares!
Punong-puno siya ng panibugho ngayon at nais niyang ilabas ang sama ng loob. At sa lugar na ito siya dinala ng pagkakataon.
Waring napahiya na napayuko ang bartender dahil sa sinabi niya. "Coming, ma'am," anito at kinuha na ang order niya.
Hindi pa naglipat sandali ay nasa harap na niya ang order. Nang maibigay nito ang alak sa kanya ay agad ang pag-inom na ginawa ni Beatrice. Bigla ay gumuhit ang init sa kanyang lalamunan dahil sa alak. Muntik pa siyang mapaubo kung hindi lang niya napigilan ang sarili. Kung hindi ay napahiya siya sa mga taong nakapaligid na ang ilan ay nakatuon pa rin ang mga mata sa kanya.
She wasn't used to drinking. Kahit naglagi siya sa ibang bansa ng ilang taon at napasama na rin sa ilang kaeskwela sa lugar na ganito ay hindi nasanay ang katawan niya sa alak. Besides, ang mga pagkakataong ganoon ay mabibilang lamang sa kanyang mga daliri.
She asked for another shot that the bardenter gave to her in a hesitant way. At muli ay ininom ni Beatrice iyon. Alam niya na ilang sandali pa ay tatablan na siya ng alak na iniinom.
*****
PAUL continued to drink from his goblet. He was sipping from it but he was watching over the rim the woman who entered the bar.
Kampante itong nakaupo sa mataas na stool paharap sa counter ng bar. She wasn't even aware that most of the men's gazes were on her. Or maybe she was aware of it but just doesn't care.
Walang sino man ang hindi ito bibigyan ng pangalawang tingin. She is someone whom you would always give a second look. It wasn't just because of her face. Paul was certain of that. Mas marami pa ang kung tutuusin ay mas maganda ang mukha kaysa sa dalaga. Nevertheless, the woman was beautiful--- exquisitively.
Pero kung mayroon mang kaagaw-agaw ng pansin dito, iyon ay walang iba kundi ang awra nito. She moved sa confidently. She was so sure of herself. Na kung tititigan mo ito ay pakiwari mo ay alam nito ang lahat.
Her gorgeous body was a bonus, of course.
Paul took another sip of his wine. Halos nauulanigan na niya lamang ang usapan ng mga kasama niya sa mesa. His full attention was totally on that woman.
Kasalukuyan niyang kasama ang ilang kaibigan. Katatapos lang ng meeting niya mula sa kompanya kanina at nagkayayaan sila ng mga kaibigan na magtungo sa The Neon Place.
Isa ang nasabing lugar sa madalas nilang puntahan na magkakaibigan para magpalipas ng nakakapagod na araw mula sa trabaho.
They were having a conversation while having some drinks when all of a sudden his attention was drifted. Dinala iyon sa babaeng bagong pasok sa bar.
Kung ang iba ay kakikitaan ng paghanga para sa dalaga, si Paul naman ay hindi maiwasang magdikit ang mga kilay.
He wasn't expecting to see this woman in a place such as this. He was worried--- that was it. Sa uri ng titig na iginagawad ng ilang kalalakihan para dito ay nakaaamoy siya ng panganib.
He doesn't care. He shouldn't care--- kung hindi niya lang sana kilala ang dalaga. Pero sa malas niya ay kilala niya ito. Kilala niya ang pamilyang pinagmulan nito.
Kaya hindi man gustong iatang ni Paul sa kanyang mga balikat ang responsibilidad sa babae ay mukhang ibinigay na niya iyon sa kanyang sarili. Lalo pa sa uri ng pag-inom na ginagawa ng dalaga ngayon na para bang wala ng bukas.
"Damn!" Paul hissed on his breath as he saw one man from the other table stood up and walked towards the lady.
Pasuray-suray na ang lakad na ginagawa nito tanda ng nakarami na itong nainom. Nakangisi pa itong lumingon sa mga kasamahan na pawang nanghihikayat pa dito na gawin ang kung ano man ang plinano.
Abruptly, Paul stood on his feet. Lumingon sa kanya ang mga kasamahan. Umani ng nagtatakang tingin mula sa mga ito ang ginawa niya. Ngunit bago pa man may magtanong sa kanya ay kumilos na si Paul.
Ilang hakbang lamang ang ginawa niya upang tawirin ang distansiya patungo sa dalaga bago pa ito malapitan ng nakainom nang lalaki.