PROLOGUE

524 Words
PROLOGUE Dire-diretsong pumasok si Paul sa opisina ng CEO ng Olvidares Manufacturing Corporation--- isa sa pinakamalaking pharmaceutical company sa bansa. Agad siyang nagpasalamat sa sekretarya nito nang bigyan siya ng hudyat na maaari nang pumasok. Sumalubong sa kanya ang lamig mula sa aircon pagkapasok niya sa loob. The whole room was well-designed. Mayroong isang set ng leather sofa na kulay itim sa may kanang bahagi. Isang malaking bookshelf na puno ng mga libro ang nasa tabi niyon. Nalalatagan ng makapal na carpet ang buong sahig at naramdaman niyang lumubog ang suot niyang sapatos nang maglakad siya papasok. There were picture frames and figurines on top of a bureau, figurines which he was sure that cost a lot. Sa pinakagitna ng opisina ay isang malaking desk na yari sa solidong narra. Nakapatong doon ang isang laptop at ilang dokumento. Sa likod ng desk ay isang high-back swivel chair. At doon ay nakaupo ang kanyang pakay. Jake Olvidares--- the CEO of Olvidares Manufacturing Corporation, one of the most successful businessman that is known for his shrewd tactics in running a business. "This is a surprise, Mr. Velasquez. Have a seat," turo nito sa isang visitor's chair. "Kanino ko utang ang pagdalaw mong ito?" "I sent you an e-mail... twice," diretso niyang wika dito, pinagkadiinan ang huling salita. Hindi na niya pinagkaabalahan pang maupo. Jake raised his eyebrow. "I am a busy man and---" "I am offering you the biggest share of our company," mariin niyang turan dito. He inherited their family's business when his father died five months ago, the Health Well Corporation. Isa rin itong pharmaceutical company pero kumpara sa OMC, sadyang mas maliit ang kompanyang mayroon sila. Nang simulan niyang hawakan ang Health Well ay saka niya lang nalaman na malapit na itong ma-bankrupt. Dahil na rin sa pagkakaroon ng malubhang sakit ng kanyang ama kaya unti-unti ay napabayaan nito ang kompanya. Dahil sa tuluyang pagbaba ng sales nila ay nag-pull out maging ang iba nilang investors. At ngayon ay wala siyang ibang mapagpipilian kundi ang ibenta ang ilang shares sa kompanya, huwag lang tuluyang magsara ang negosyong pinaghirapan ng kanyang ama. At wala siyang ibang makitang makatutulong sa kanya kundi si Jake Olvidares. Kung tutuusin ay maituturing na kalaban nila ito sa negosyo. But he has to swallow his pride to save their company. Malaking kompanya ang OMC at kung sakaling mangyari na maging ka-partner nila ito sa negosyo ay isang malaking tulong na para maisalba ang Health Well. "Give me one valid reason why would I take your offer. Hindi ba at magsasayang lang ako ng pera gayong papalugi na ang---" "I am giving you the controlling share of our company," matigas niyang saad. "You are a shrewd businessman, Mr. Olvidares. I know maitatayo mong muli ang aming kompanya." Jake smirked. "I will take that as a compliment, Mr. Velas---" "Paul. You can call me Paul," putol niya sa mga sinasabi nito. Mataman siyang tinitigan ni Jake. His eyes lingered on his hard face. Kung ano man ang tumatakbo sa isip nito ay hindi niya alam. "I will take your offer," mayamaya ay muli nitong wika. "But I have some conditions, Paul....."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD