Chapter 2_The Gang

1117 Words
"s**t! Bakit mo kinalimutan ang bilin ko sa'yo! Hindi ba sinabi kong h'wag mong sabihin kay tito at tita!" impit na boses habang nanggagalaiti kong pinagsalitaan ang katulong nina tita Tala at tito Polaris. Eh, paano ba kasi, kabilinbilinan ko na h'wag ipagsabi na tumakas ako kagabi sa mansion. Naglakwatsa ako sa party nila Steve, siyempre hindi dapat ako mawala sa mga happenings bilang isa sa nasa alta-socialites ng Rampage University. Kalmado pa ako sa oras na iyon pero parang gusto ko na talagang kulutin ang buhok ng ginang. Nakipagsabwatan ako sa mga kaibigan na tumakas at magsaya. Napaka-smooth na sana ng plano and yes, nakauwi naman ako ng safe sa mansion. Pero, heto nga't nagising ako sa masamang balita ng bwesit na katulong na ‘to sa akin. Isinumbong ako ng gaga! and guess who, kung kanino. Sa aking napakagaling at napakabait na tito at Tita. Nasapo ko ang noo ko, kung ano ang dapat gawin. I know my aunt and uncle, they'll be arriving here now in a few moment, para dakdakan na naman ako ng matatalim na salita. Ipinagbilin kasi nila mom at dad na bantayan ako habang nandito pa ako sa Manila. Nandoon kasi sila sa Palau at abala sa mga negosyo namin. Madali akong napatayo at nagtatatakbo sa banyo. I packed some clothes to my toti bag. Isinilid ko rin ang iba pang mga gamit sa isa pang shoulder bag habang hawak ng kaliwa kong kamay ang aking sandals. I need to escape again. As usual, ito ang routine ko kapag may nagagawang kasalanan. Ipinahagis ko pa kay manang ang susi ng aking kotse. Sakto namang na-ishoot nito sa aking bag. Wala ako sa sariling ayos habang noo'y suot pa ang night dress na pantulog, buhaghag na buhok at mga nakasabit na mga bag sa magkabilang braso. Dumaan ako sa likod bahay. Nakasalubong ko pa sina ate Nene na busy sa pagluluto. "Oh, hija, saan na naman ang lakad mo?" dinig ko pang tanong ng mga ito sa akin. "D'yan lang ho, sa tabi-tabi..." Halos pabulong na sambit ko. Nang makita ko ang aking kotse na noo'y nakaparada sa labas ng mansyon ay madali ko itong binuksan at pinaharurot sa main highway. Nalingunan ko pa si mang Allan na tumakbo upang mahabol ako, I know na sina tita ang nag-utos dito. I just smile to what happened. Itinuon ko ang mga mata sa daan, I put my mobile to the sticky holder na nasa harap ng stereo. Nag-videocall ako sa mga kaibigang sina Steve, Kasmyrr at Sahara. Sabay-sabay namang sumagot ang mga ito. "Good morning bitches!" bati ko pa sa mga ito na halatang may hang-over pa kagabi. "Where the hell are you, Triz? ang aga-aga pa ah…" sambit ni Kasmyrr na noo'y nagtatanggal ng facemask sa mukha nito. As usual, her daily skin routine. Ito ang isa sa mga kaibigan ko na hinding hindi mabubuhay kapag wala ang mga cosmetics at skin care products, dapat ay kompleto ito sa locker niya or either dala niya parati sa bag. That's Kasmyrr Jacinto, same age, same size, same height. Minsan nga ay napagkakamalan nila kaming kambal. "Aminin mo, tumakas ka na naman kina tita no?" asik pang tanong ni Sahara habang inilalagay ang headsets nito. Gaya ko ay naka bednight sleeves pa ito habang buhaghag ang buhok. I guess, pareho kaming kagigising lang. As Sahara sounds like, ito ang isa sa pinakamatagal ko nang kaibigan aside of Steve. Nagsimula ang pagkakaibigan namin noong grades school pa kami. Hara is a type of bebot na maypagka-tomboy. You know what I mean. She likes boy and at the same time girl din. Yes, she's a gay. That's why I and the f*****g three of them supports LGBT federation. Gaya ng ginawa ko kanina ay inirehistro ko lang sa camera ang sagot ko kay Sahara. My freaking finger. Napailing na lang ang gaga habang ngiting-ngiti sa ginawa ko. "But, hey Triz, saan ka ba talaga papunta ngayon?” sabay-sabay na tanong nila. "Kung nasaan kayo," sambit ko sa mga ito na tila nahuli ang dramang ginagawa nilang tatlo. Nalimutan nilang ako ang pinakamautak sa aming apat. Nagtawanan ang mga ito at noon nga'y nag merge ang mga lokaloka sa iisang pwesto, nakahiga ang mga ito sa kama ng iisang lugar, and that would be Steve’s house. Gaya nga kagabi ay nagkasiyahan ang lahat at napansin ko noong papauwi na ako ay nandoon pa rin nakaparada ang mga kotse nila Sahara at Kasmyrr, so sa madaling salita, doon natulog ang mga bruha. Mas pinaharurot ko pa ang sasakyan. Dahilan para halos magsitabi ang ibang sasakyan noon na ino-over take ko. Sa hindi pagmamayabang ay ako ang tinaghal na mvp sa drag race sa school naming dati. Kilala ako na tipikal na dalaga but aside of that, I have this rough attitude and temper at kakabit nito ang passion ko sa pangagarera gaya ng aking ama na si Flinn Duvant Driblim, the Southeast Asia kingpin. Nang marating ko ang mansion ng mga Donowell ay naabutan ko ang mga katulong nito na abala sa paglilinis ng mga kalat sa iba't ibang sulok ng mansion. Parang nadaanan ng delubyo ang salas nito, nagkalat ang mga upos ng sigarilyo at mga basyo ng alak. Nag-good morning pa ako sa mga nakakasalubong na mga kasambahay. Alam na nila ang mukha ko kaya, dahil ba naman halos naging pangalawa ko nang bahay ang mansyon ni Steve. Dire-diretso ako sa kwarto nito, at ‘yon nga, nabungaran ko ang mga bruha na naghahang- out sa loob. Nasa harap ng salamin si Kasmyrr habang kontodo ayos sa mukha nito. Nakasuot ito ng bath robe na halatang bagong ligo. Naka squat naman sa sahig si Sahara habang umiinom ng kape. Abala ito sa pagtitipa ng kanyang laptop, halos hindi nga nito napansin ang aking pagdating. Si Steve naman ay ganoon pa rin ang pwesto, nakahiga pa rin ito sa kama niya at nakanganga. Halatang pagod sa victory party kagabi. Nang mapasok ko ang kwarto nito ay sinadya kong isarado ang pinto ng pabalang. Kaya naman sabay-sabay silang napalingon sa gawi ko. Halatang nagulat ang mga ito, hindi dahil sa presensya ko kung hindi sa kalabog ng pinto na nag-echo pa bahagya sa loob. Pasalampak akong naupo sa isang tabi habang inilatag ko sa sahig ang mga dalang bagay. Nakita ko pa ang sariling repleksyon sa salamin. How gross am I! Natanaw pa nilang tatlo ang suot ko. Eh kasi naman, nakarating na ako't lahat. Nakalimutan ko palang magsuot ng bra at bakat na bakat sa kamison dress ko ang aking panty-short. Shoot Beatriz! Sabay-sabay umirap sa akin ang tatlo habang naka poker face naman ang aking mukha. Napasubsob ako sa sariling mga palad. My jezz, nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD