Episode 11

2241 Words

"Ano'ng nangyari sa iyo?" kunot ang noo na tanong niya kay Samaniego dahil paulit-ulit itong bumubuga ng hangin habang hinahaplos ang balakang nito. "Ano'ng katangahan na naman ba ang ginawa mo ngayong umaga?" "U-umakyat po kasi siya sa puno ng duhat." Ang sekretarya niya ang sumagot habang may nakarehistrong takot sa mukha nito. "Oh, tapos? Ano'ng nangyari?" "Nalaglag po siya dahil nabali po 'yong sanga na hinawakan niya." Maaga kasi siyang gumigising. Hindi niya akalain na mayroon pa palang mas maaga na nagising kaysa sa kaniya. "Dude, ang sakit ng balakang ko!" daing ni Samaniego na halata sa mukha nito ang sakit. Kung bakit naman kasi umakyat ang tanga na ito kahit hindi naman marunong. "Wala ka ba talagang ibang gagawin kung hindi bigyan ako ng sakit ng ulo? At ano naman ang puma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD