Episode 42

1902 Words

"Sir Kazimir, aalis po ulit ako mamaya kaya ngayon pa lang po ay magpapaalam na ako," paalam ni Hope sa kaniya pagkagising na pagkagising niya. "Saan ka pupunta?" takang tanong niya. "May bibilhin lang po ako," paalam nito kaya nag-uumpisa na siyang magduda. "Maliligo lang po ako tapos aalis na po ako." Araw-araw kasi ay umaalis ito at sinasabing may bibilhin pero wala naman itong dala sa tuwing umuuwi ito. "Ingat ka," bilin niya. "Salamat po, Sir." Sa mga araw na nagdaan ay hindi na ito ganoon kasigla at bihira na lang din itong mangulit sa kaniya. "Ingat din po kayo rito. Nagluto na po ako riyan, kumain na lang po kayo kapag nagutom kayo." "May problema ba? May sakit ba ang isa sa mga kapatid mo? Nasa hospital ba?" sunod-sunod niyang tanong dahil iba talaga ang nakikita niyang

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD