Episode 27

1634 Words

Pagpunta ni Hope sa kusina ay nagmamadali siyang pinuntahan ang kaibigan niyang inutil. Naabutan niya itong nakatulala habang nakatingala sa kisame. Hindi niya masabi kung nagmumuni-muni ba ito o nagsisisi na hindi ito nakinig sa kaniya kanina. "Dude, ang sakit ng mukha ko," reklamo nito nang maupo siya sa tabi nito. "Putangina! Pakiramdam ko basag 'tong panga ko. Alam mo ba na sa tuwing hinahampas niya ako no'ng plastic bottle, feeling ko bakal ang ipinanghahampas niya? Nag-uumpisa na tuloy akong magduda sa kaniya." "Paano kasi inutil ka. 'Di ba sinabi ko sa iyo na umayaw ka na? Paulit-ulit pa nga ako, 'di ba? Kahit gaano ka pa kagaling na hinayupak ka, hindi ka mananalo sa sekretarya ko dahil hindi siya normal." "Alam mo, kasalanan mo 'to, eh!" Siya na nga ang nagmamalasakit siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD