Episode 16

1654 Words

"Hindi pa po ba tayo aalis, Sir?" tanong ni Hope sa kaniya dahil kanina pa ito naka-ready samantalang siya ay prenteng nakahiga sa mahabang sofa habang nanonood ng foreign news. "Hindi na sana ako nag-ayos kung hindi rin naman pala tayo aalis." "Bakit ba gustong-gusto mong umalis? Ang init ng panahon tapos gustong-gusto mong gumala." "Gusto ko nga kasing magpalamig sa mall," sabi nito. "Ang sabi mo sa zoo tayo pupunta pero nagbago ang isip mo at sinabi mong sa mall na lang para malapit tapos ngayon naman mukhang ayaw niyo nang umalis. Ano ba talaga, Sir? Aalis pa po ba tayo o hindi na?" "Aircon naman 'tong bahay ko, ah. Ba't lalayo ka pa? Umakyat ka na lang ulit sa kuwarto mo tapos itodo mo ang aircon doon. Walang problema sa akin kahit bukas ka na lumabas mula sa tinutuluyan mong kuwar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD