"Thank you, Ma'am Anais. Ang galing mo po talaga." Pasasalamat ng estudyante kong madalas sabihan ng ilang teacher na pasaway at matigas ang ulo. Ang batang ito ang isa sa pinaka-active sa klase ko. Sinusubukan n'yang sumagot at mag-participate kahit na may pagkakataon na hirap talaga siya. "Magaling ka rin, Obet. Very good ka." "Ako na po ang magbubuhat n'yan." "Salamat." Mga notebook iyon na kailangan kong i-check mamaya para maibalik ko bukas sa mga bata. Binuhat nito iyon ako naman ang nagbitbit sa mga instructional materials ko. Pati na rin iyong libro at class record ko. Inihatid ako nito sa faculty at agad ding nagpaalam na uuwi na. Tapos na ang maghapong klase ko. Sa ilang class ko today ay medyo nangarap ako na darating si Kuya Storm para mag-sit in. Well, sabi n'ya kasi