"Anais." Maluha-luha ako katatawa habang pinapanood ang dalawang bata nang tawagin ako ni Storm. Malawak pa nga akong nakangiti nang lumingon dito. Pero nang makita ko ito, at nagtama ang tingin namin, unti-unting nabura sa labi ko ang masayang ngiti na ang dahilan ay ang dalawang bata. Alam ko namang nakita nito ang pagbabago ng expression ko. "Tapos na kami sa loob. Let's eat na ng lunch." Humakbang ito patungo sa slide. "Kids, let's go. Mag-lunch na tayo." Lumapit ito kay Tempest. Akmang magpapakarga naman ang bata pero parang natauhan ito. Tumalikod kay Storm. Niyakap iyong haligi. Napakamot ang lalaki sa ulo n'ya. Si Elio ay tumakbo na patungo sa akin. "Halika na, Tempest. Nagugutom ka na ba? Ililibre kita ng food. Pati si Elio at ang mama n'yo." "Ayaw ko sa 'yo po. Kay mama lang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books