When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Bakit gabi ka nang umuwi?" salubong ang kilay ni Lola pagpasok ko ng tarangkahan. Natagalan kami ni Kuya Storm sa foundation. Nalibang ako roon, nakuha ko pa ngang magturo roon eh. Ang gaan sa dibdib ng experience na iyon. Pero ngayon ay bumigat na ang dibdib ko. Dahil iyon sa kaba. "Mano po, Lola Paula!" inabot ko ang kamay nito at nagmano. Galit na naman ang matanda. Tiyak kong dahil pinag-alala ko na naman ito. "Sorry po, la. May inasikaso po kasi ako sa school." "Gabi na!" may pagtaas pa ng tinig na ani ng matanda. "Alam ko po iyon. Sorry po, la. Natagalan din po ang sa sasakyan dahil alam n'yo naman pong kailangan punuan. Tapos naglakad din pauwi rito sa barrio." "Baka nakikipag-date ka---" "La, busy po ako sa pag-aaral ko. Sobrang sakit na nga po ng ulo ko. Tapos makukuha ko p