HINDI nagpakita sa Yellow Ribbon restaurant si Jella sa araw na iyon. Nagtaka si Derek sapagkat hindi pumapalya sa pagpunta ang dalaga mula nang maging opisyal silang magkasintahan. Kahit nga pasara na sila ay dumarating pa rin ito para magkape at gumuhit habang hinihintay siya. Kaya nang lumabas siya ng restaurant pagsapit ng alas dose ng madaling araw at makita niyang nakatayo sa tabi ng sasakyan niya ang dalaga ay nagkaroon siya ng kutob na may hindi tama. Mabilis siyang naglakad palapit dahil kahit nakatalikod si Jella ay nakikita niya ang tensiyon sa katawan nito. “Babe?” untag niya rito. Umigtad ito at mabilis na pumihit paharap sa kaniya. Natigilan si Derek at parang may sumipa sa kanyang sikmura habang nakatitig sa mukha ng dalaga. Ilang