“Hayop ka talaga Kylie! Sinadya mong alisin lahat ang buhok para hindi ako makapag-perform! Ah, ang hapdi pa rin!” galit na sabi ni Sanjo habang nakaharap sa salamin.
Kinakausap ang sarili habang sinisipat ang mga parte nito na mamula-mula pa lalo na sa bandang itlog. Ngunit masaya naman siya sa resulta dahil ang kinis at polido ng pagkaka-wax ni Kylie.
Paikot-ikot siya sa sobrang pagkainip sa loob ng bahay. Araw dapat ng kanyang performance niya ngayon pero dahil medyo mahapdi pa rin g kanyang balat maaaring ma-irritate ito sakaling may customer.
Sa isang banda sobrang kinis ng kanyang balat nang maalisan ng buhok lalo na sa kanyang puson pababa sa maselang parte ng katawan.
Bigla niyang naalala ang dalaga habang pinapatuyo ang wax ay hindi rin maitago ang paglunok nito ng laway na tila uhaw dahil sa naghuhumindig niyang p*********i.
Gusto niyang umuwi sa sariling bahay ngunit hindi siya makaalis dahil ni-lock ni Kylie ang steel gate ng main door. Maghahating-gabi na ngunit wala pa ang dalaga.
Tinatawagan niya si Kylie ngunit walang sumasagot sa telepono nito. Bago pa niya mai-dial ulit ang number ng dalaga ay biglang may nag-doorbell. Alam niyang si Kylie iyon.
“Bakit ang tagal mo?” reklamo ni Sanjo pagkasara ng pinto. “May keycard ka naman ah.” dagdag pa niya ngunit hindi siya pinansin ni Kylie.
Saka lang napuna ni Kylie ang duguan na damit ng dalaga.
“Ano'ng nangyari sa'yo?” tanong ulit ni Sanjo ngunit dumeretso si Kylie sa banyo at agad binuksan ang shower.
Mabilis na naghubad ito ng damit. Hindi alintana ang presensya ng lalaki.
“Go away,” tulak ni Kylie sa binata nang magtangka itong lapitan siya ngunit nahawakan ni Sanjo ang braso nito.
“Sobrang init mo and what's with those blood stains in your clothes?” isa-isang pinulot ni Sanjo ang damit ng dalaga at binanlawan muna ito sa lababo.
“May sira ang ulo kase sa club, e gusto akong isahan kaya ayun, rambol,” paliwanag ni Kylie. “Paabot ng tuwalya please.”
“E ano ang ginawa mo?” tanong pa rin ni Sanjo kahit alam niya na ang posibleng naganap.
“Ayon, inaya ko sa damuhan.” humakbang palabas ng banyo si Kylie at inabot ang isa pang hair towel na binigay ni Sanjo at nilagay nito sa kanyang buhok.
“Bakit ang init mo? Ayos ka lang ba?” duda si Sanjo, alam niyang may nangyaring hindi maganda sa dalaga.
“Matulog ka na.” pag-iwas ni Kylie. Alam niyang maaabala lamang niya ang lalaki.
“Okay,” nagkamot ng batok si Sanjo at pumasok na sa sariling kwarto.
Makalipas ang kalahating oras, babali-baligtad si Sanjo sa kama. Hindi siya mapakali dahil iniisip niya ang dugo sa damit ni Kylie at mainit nitong katawan.
Pumapatay si Kylie? Alam niya kaya ang pakay ko kung bakit ako nagtatrabaho sa bar? Bakit niya ako nirentahan ng tatlong buwan? Maraming katanungan si Sanjo. Kailan lang ay nakatanggap siya ng tawag sa kanyang boss na bayad na ang serbisyo niya ng three months at kailangan niyang tumira sa bahay ng customer, parte iyon ng kanilang serbisyo.
Aalamin niya ang dahilan, sa ngayon pagtutuunan niya ng pansin kung bakit na-i-involve ang dalaga sa marahas na trabaho.
Bigla siyang bumangon at dahan-dahan na naglakad patungo sa kabilang kwarto kung saan naroon si Kylie ngunit wala ito doon.
Narinig niya ang tunog ng tubig na tila may nagtatampisaw. Sumilip si Sanjo at napamulat ang mata niya nang makita si Kylie na namimilipit na nakapikit, kagat labi habang ang mga kamay ay nasa pagitan ng mga hita.
“f**k! What is going on?” Agad na hinila ni Sanjo ang towel at mabilis na inahon sa tubig si Kylie.
Pilit itinayo ang dalaga sa bathtub at binalot ang katawan nito. Nagulat si Kylie pero wala na siyang nagawa dahil nahuli na siya ni Sanjo.
Sobrang init ng katawan ng dalaga at hindi ito mapakali hanggang makarating sila sa kama.
Dahil sa pagkakadikit ng kanilang balat ay hindi na napigilan ni Kylie ang sarili. Halos mabaliw siya kung paano alisin sa sistema ang epekto ng gamot na nilagay ng lalaki na naka engkwentro niya sa bar kanina at lihim na naglagay ng tableta sa kanyang alak.
“S-Sanjo, I'm sorry. Hindi ko na kaya..” daing ni Kylie.
Mabilis naunawaan ni Sanjo ang ibig sabihin ng dalaga. Agad na naghubad siya ng damit at hinayaan ang dalaga na haplusin ang kanyang katawan. Nalilito si Sanjo, hindi niya alam kung bakit pagdating kay Kylie, kaya niyang kontrolin ang sarili. Hindi katulad ng mga kustomer niyang nauna, wala siyang pinipiling edad lalo na kung ang misyon niya ay patayin ang mga ito. Paliligayahin niya hanggang sa magmakaawa ito.
Winaglit ni Sanjo ang nasa isip. Isang target si Kylierose Morris sa sa kanyang deathlist. Katunayan, ang mga Morris ang totoong pakay niya, ngunit hindi ito ang direktang kumitil sa kanyang mga magulang ayon sa nakalap niyang impormasyon. May mga taong involve na nagpahirap muna at torture ang
sinapit ng mga ito sa kamay ng mga walang pusong gahaman sa kapangyarihan.
Si Arden Morris ay kilalang business tycoon sa bansa at mabango ang pangalan nito sa mga politiko. Ang asawa nito ay sikat sa fashion model hanggang ngayon kahit ito ay may edad na.
Si Kylierose ay nag-iisang anak ng mag-asawang Morris. Ngunit nagtataka siya dahil hindi ito sanay sa marangyang buhay tulad ng mga anak ng elite na may magarbo at elegante na kasuotan.
“Kylie, sandali. We need condoms,” sabi ni Sanjo ng biglang tumihaya si Kylie at pilit na nilalapit ang p*********i niya sa pagitan ng mga hita nito.
“Nag-test ka naman 'di ba? Ano ang result?”
“Negative pero hindi ako sanay ng walang condom.”
“Pwede ba Sanjo, bilisan mo na! Ang dami mong arte! Birhen ako, letse ka! Sakit na ng puson ko!”
Gustong matawa ni Sanjo sa reklamo ni Kylie, kanina lamang ay halos maiyak ito sa bath tub at mag-isang pinararaos ang sarili. Ngayon na may kaulayaw siya ay napaka-demanding na.
Biglang naalala ni Sanjo ang ginawa sa kanya ni Kylie nung panahon na kailangan niya rin ang katawan ng dalaga.
Mahapdi pa rin talaga ang singit niya at balat ng itlog kaya naisip ni Sanjo ang teknik na ginamit sa kanyan ni Kylie.
Hinalikan niya ito ng mariin at hinawakan sa batok. Ilang segundo lamang ay biglang nawalan ng malay si Kylie at humandusay ito sa mga braso ni Sanjo.
Mabilis na kumilos ang binata. Kumuha siya ng damit sa closet ng dalaga.
Kinabukasan ay halos hindi makabangon si Kylie sa bigat at sakit ng ulo. Malinaw pa sa sikat ng araw ang kanyang memory at alam niya ang nangyari kagabi. Hindi niya masisisi si Sanjo. Ngunit napangiti si Kylie sa isipin na may pagkama-ginoo rin pala ang lalaki at hindi nito sinamantala ang kanyang kahinaan kagabi.
Bumangon si Kylie, nalaman niyang wala ang lalaki. Mag-aala-una na, mabilis na kumilos si Kylie at hinanda ang sarili. Alam niyang babalik din ang lalaki.
Paglabas niya ng kwarto ay nasa kusina na ulit si Sanjo.
“O, gising ka na pala. Akala ko next week ka pa magigising.”
“Sus, kala mo naman expert magpatulog. Gumaganti ka ba?”
“Bakit, nadismaya ka na hindi mo ako natikman kagabi?”
“Ang kapal ng mukha mo, Sanjo.”
“Hindi ka pa rin nadala, alam mong naglipana ang masasamang loob sa bar na iyon. Nagkalat ang mga ipinagbabawal na tablets at mga uri aphrodisiac. Bakit mo hinayaan na maisahan ka?”
“Tanga, sinadya kong hayaan siya. Nakita at alam ko. Akala ko hindi ganun katapang. Malay ko bang nakakalibog 'yung nilagay niya.”
Ngumisi si Sanjo dahil sa tinuran ng dalaga.
“So, totoong nalibugan ka sa akin kagabi?" nakangising tanong ni Sanjo.
“Kailangan lang..” irap ni Kylie at naglabas ng baso sa cupboard, sinalinan ng orange juice.
Sumunod si Kylie kay Sanjo, bitbit ang tray ng pagkain na hinanda nito. Binuksan ang TV ngunit isang madugong balita ang kanilang nabungaran.
Agad na umiwas ng tingin sa TV si Kylie. Patay malisya lang si Sanjo. Alam niya kung sino ang suspect sa pagpatay sa lalaking natagpuan sa damuhan.
Kunwari ay balewala sa kanilang dalawa ang balita. Nang maubos ang juice ay bumalik sa kwarto niya si Kylie, hindi na ito kumain.
Tumayo si Sanjo, sinunadan niya ang dalaga na nakahiga sa kama. Tulala tong nakatitig sa ceiling. Upang mawala ang tension ay nagbiro si Sanjo, hinugot sa bulsa ang kanyang vape at humihit muna. Hindi siya pinansin ng dalaga.
“First time mo?” makahulugang tanong ni Sanjo.
“Oo, kagabi lang.” mahinang sagot ni Kylie na ang tinutukoy ang tungkol sa pinatay niyang lalaki.
Matagal na rin niyang minamanmanan ang lalaking napatay. Isa ito sa mga nagbabalak maging witness sa bagong kaso ng kanyang ina na kinasasangkutan ng anomalya sa fashion magazine.
“Kylie, magkaaminan nga tayo. Bukod sa patay na patay ka sa akin, ano ang totoong pakay mo?” humithit sa vape si Sanjo, gumapang sa kama at tinabihan ang dalaga.
“Kapal naman ng mukha mo. Simple lang, gusto kong malaman kung bakit mo pinapatay ang mga nagiging customer mo?” walang gatol na sagot ni Kylie at pumatong sa binata.
“Bakit? Natatakot ka na ikaw ang isunod ko?” nakangising tanong ni Sanjo.
“Nasa listahan ba ako?” diretsong tanong ni Kylie, handa na siya sa isasagot ng binata ngunit hindi na niya ito pinagsalita pa dahil sinakop na ng mga labi niya ang mga labi ni Sanjo.