“Ano'ng ginagawa mo?” pilit na pinaglalayo ni Sanjo ang katawan nila ni Kylie ngunit malakas ang dalaga.
“Ano pa ba sa palagay mo? Matira ang matibay. Kung plano mo akong patayin, go ahead. Papatayin muna kita sa sarap," naghahamon na sagot ni Kylie, dinilaan pa ang tenga ng lalaki bago bumulong ulit.
“Wala naman dahilan para patayin ako, unless, isa nga ako sa mga target mo, gaya ng ginagawa mo sa iba.” ipinagpatuloy ni Kylie ang ginagawa hanggang sa nararamdaman niya ang pagluwag ang pagkakahawak ni Sanjo sa kanyang balikat.
“Magkalinawan nga tayo, type mo ba talaga ako? Bakit kilala mo ako?” seryoso si Sanjo pero tinutudyo pa rin siya ni Kylie.
“Wala ka bang matandaan sa akin?”
“Kailan lang kita nakilala, akala ko isa ka sa mga anak ng target ko.”
“So lahat ng nasa listahan papatayin mo?”
“Oo, dahil iyon ang pangako ko sa mga magulang ko.” inunan niya ang kamay ngunit nakatingin pa rin sa dalaga.
Dahan-dahan na tumigil si Kylie sa paghalik sa leeg ni Sanjo at tiningnan ito ng seryoso sa mata.
“Gusto mo tulungan kita?” alok niya, biglang nagbago ang expression ng .mukha ni Sanjo.
“Sinasabi ko na nga ba may pakay ka sa akin. Wala akong pera pambayad sa'yo,” tanggi ni Sanjo. “Kaya ko na ang misyon ko kaya kong mag-isa."
Umalis sa ibabaw ni Sanjo si Kylie at nilapat ang likod sa malambot na kama, tumitig sa kisame at inagaw sa kamay ni Sanjo ang vape nitong hawak at humithit. Binuga ang usok saka nagsalita.
“Gaano ba karami ang taong involve sa pagkawala ng mga magulang mo?”
“Ako lang ang nakakaalam. Kung gusto mo akong tulungan, tumulong ka ng walang kapalit.”
“E paano kung gusto kong tumulong at gusto ko ikaw ang kapalit?”
“Bakit ba ang kulit mo?”
Hindi sumagot si Kylie, bumangon na ito sa kama. Ayaw niyang sagutin ang mga tanong ng lalaki. Hindi pa oras upang malaman ni Sanjo ang totoo. Hanggat maaari ay dapat mapigilan niya ang lalaki na kumitil ng buhay at ipagpatuloy ang mga plano. Nagiging laman na ng tabloid at tv news ang mga namatay na customer niya.
May ibang plano si Kylie at nais niyang manumbalik ang alaala ng lalaki. Bumuntonghininga si Kylie. Paano nga ba niya sinimulan ang lahat kung sa ngayon ay hindi man lang niya naisahan si Sanjo o maligaw ang isip ng lalaki. Naka-focus si Sanjo sa sariling misyon.
Biglang napangiti si Kylie, paiibigin niya ang lalaki. Maya-maya ay tumunog ang kanyang telepono. Agad na sinagot ang tawag saka lumingon kay Sanjo na nakapkit ang mga mata.
“Yes Ma'am?”
“Please, hija, be careful with your mission. How is he?”
“ Maayos naman po, babalitaan ko na lamang kayo sa progreso ng trabaho ko.”
“Magaling, bueno, check you account. I send more allowances, sabihin mo kung ano pa ang mga kailangan mo, just watch him closely.”
“I will Ma'am.”
_____
“Kylie, may sarili akong buhay at may misyon ako. Huwag kang makialam dahil buhay ko ito.” paalala ni Sanjo habang naghahanda ng sarili.
“Okay fine, hahayaan kita. Pero huwag kang tatawag-tawag at hihinginng saklolo king sakali.” irap ni Kylie ngunit hindi naman siya pinansin ng binata.
Babalik si Sanjo sa bar upang magtrabaho. Mabilis maubos ang pera, bukod pa roon, ayaw niyang mahinto ang kanyang plano.
Habang nasa entablado kasama sina Godric at Markus na nagpe-perform, napuna ni Sanjo ang pamilyar na kilos at hugis ng mukha ng isang babae sa gitna ng karamihan na nagsasayaw.
Biglang sumenyas ang babae na bumaba siya. Bumulong naman si Sanjo kay Godric.
“Pre, ikaw muna sa isang customer sa table number 5, may kailangan lang akong kausapin.
Habang gumigiling pababa ng hagdan, bumibilis ang kabog ng dibdib ni Sanjo dahil mas lalo niyang namumukhaan ito hanggang sa makalapit. Kahit naka-sun glasses si Andra, alam na alam niya ang hugis ng mukha, labi at kilay ng dating amo. Maging sa pananamit at tindig nito. Kahit nanganak na si Andra, mahubog pa rin ang katawan nito.
Pinatong ni Andra ang mga kamay sa balikat ng binata at mabilis na naikabit ang secret device sa tenga nito upang kahit mahina ang boses nila ay mauunawaan ni Sanjo ang kanilang usapan dahil sa ingay ng maharot na musika.
“B-Boss Andra, ano ang ginagawa mo dito?” nahihiyang tanong si Sanjo ngunit tuloy pa rin ang pagsayaw sa harap ng kausap.
“Huwag kang titigil, mahahalata tayo ng ibang customer. May ipapatrabaho lang ako sa'yo.” nakangising tiningnan ni Andra ang pagitan ng mga hita ni Sanjo at hinatak ang string garter ng saplot niya. Nag-ipit ng ilang dollar bill.
“Nakakahiya, bakit dito mo naisipan na makipag-usap pwede naman pagkatapos ng trabaho ko o sa ibang lugar, bakit dito pa?”
“Wala lang, trip ko lang. Ayaw mo bang malaman kung magkano binayad ko kay Kylie para lamang makausap ka? Oh, ayusin mo paggiling ng balakang mo.”
“That woman!” Singhal ni Sanjo.
“Ang cute mo d'yan sa suot mo.” kagat-labi na puri ni Andra sa glittery thong ng lalaki.
“Alam ba ng pres–, niya, na nagpunta ka sa ganitong lugar?” iwas ni Sanjo sa topic, kung pwede nga lang bumukas sahig at lamunin na lang siya.
“Hindi. Pero alam niyang dati naman akong pumunta sa mga ganitong klaseng lugar.”depensa ni Andra pero ang totoo, natatakot din siyang malaman ng asawa na lihim siyang tumakas sa misyon upang makipagkita lamang kay Sanjo.
“Noon 'yun, ang mga bata?” na-excite biglansi Sanjo ngunit patuloy pa rin ang paggiling ng balakang.
Nkaatayo lamang sila sa gitna ng dance floor ngunit dahil star si Sanjo sa bar na iyon, kapag nasa gitna siya, nahahawi ang mga tao.
“Dalawin mo minsan, nasa misyon ako. Hindi ko rin sila nakakasama.” paliwanag ni Andra.
Napatiim ang bagang ni Sanjo ng bahagya. Hindi na siya updated sa buhay ni Andra ngunit hindi siya nagpahalata.
“Hmm, sobrang concern mo ah, gumawa ka na rin ng pamilya Sanjo. Kung tutuusin, sinabi ko lang sa'yo ang mga pumatay sa magulang mo pero hindi ako tiyak sa totoong impormasyon.” tatawa-tawang sabi ni Andra. “Pero hindi ko inaasahan na ganitong klaseng trabahong papasukin mo, bagay sa'yo. Buntisin mo silang lahat para magkaroon ka ng maraming mini-Dixxon." nilapit pa ni Andra ang bibig sa tenga ni Sanjo ngunit ang totoo, sinisilip lamang niya ang mga taong nananood sa kanila.
Marahil ay nagtataka ang mga ito dahil hindi niya hinahawakan ang lalaki.
“Ano? Hindi pa ako ganun kadespirado para anakan sila.” depensa ni Sanjo.
“Sanjo, nagtatalo kami ni Kaleb, tulungan mo ako." sabay tapik sa balakang ni Sanjo.
“Anong klase na tulong?” nahimigan naman ni Sanjo ang pagtapik na iyon ni Andra kaya mas inayos pa ang paggiling.
Alam niyang mahalaga ang sasabihin nito. Naiinis lang siya dahil sa pagiging pilya ni Andra.
“Lumpuhin mo sa sarap si Chief Justice Alma Evs Virginia. I am sure nasa listahan mo rin siya. Balita ko may bipolar disorder pero ayon sa report, nagbabaliw-baliwan para hindi makulong. Pero katunayan, hindi niya matanggap na hindi niya naipanalo ang kaso at sinisingil siya ng malaking halaga dahil hindi niya binigyan ng proteksyon ang mga involve sa sa mga kumidnap kay Kaleb. Isa rin siyang protektor ni Zenia, ang pekeng ina ni Kaleb.” mahabang paliwanag ni Andra.
Dahil erotic ang tugtog, nakikisabay si Andra sa sayaw ni Sanjo.
“Areglado Boss, pero pwede bang umalis ka na?" naiirita na taboy ni Sanjo kay Andra.
“Eto naman, nag-eenjoy pa lang ako sa show mo. Sino ang susunod mong babayuhin ngayong gabi?" maharot na sabi ni Andra at piniga ang matambok na pwet ni Sanjo.
“Pwede ba!” Lumingon si Sanjo, nakita niyang masama ang tingin sa kanya ng customer niya, ang dalagang forty years old. Kilala ito sa pangalang Miss Luka, anak ng isang doktor. Isa ang ina ni Miss Luka na nagpahirap sa mga magulang niya. Kung ano-anong klase ng droga ang tinuturok noon sa kanyang ina at ama sa torture session ng mga ito.
“Bueno, kailangan ko ng umalis, ngalay na ang balakang mo alam ko. Giling lang para sa killing.” ngumisi si Andra at naglabas ng makapal na dollar bills. Inamoy muna ni Andra ang bundle ng pera saka hinampas-hampas ng marahan ang ari ni Sanjo habang sumasayaw. Nang makontento ay inipit sa mismong harapan ng saplot ni Sanjo. “Ang liit pala," dagdag pa ni Andra na kunwari ay sumilip.
“Umalis ka na please!"gigil na sabi ni Sanjo.
“Eto naman, joke lang. Mas malaki ang kay Kaleb, 'di ko type ang sa'yo." pagkasabi ay pasimpleng kinuha ang earpiece at pasimpleng lumayo kay Sanjo.
Halos manginig ang tuhod ni Sanjo sa pagkangalay at tension.
Biglang nagbago ang ritmo ng musika at namatay muli ang ilaw.
“f**k!" sa bwesit ni Sanjo ay naglakad siya papasok sa kanyang dressing room.
Samantala si Andra ay tatawa-tawa habang pabalik sa kanyang misyon. Hindi siya makapaniwala sa klase ng trabaho ni Sanjo. Hahayaan niya lang ang binata hanggang madiskubre nito ang totoo sa pamamagitan ni Kylie Rose. Nagtitiwala rin siya kay Sanjo, hindi ito pumapatay ng walang dahilan. Alam niyang hindi nito kayang patayin si Kylie balang-araw.
_____
“Ang tagal mo sa una mong kustomer ha? Nagbayad ako ng malaki para sa serbisyo mo.”
“Sorry Miss Luka," inabot ang kamay ng babae at hinalikan ang kamay nito.
Bigla naman nagbago ang mood ng babae at kiniskiss agad ang malulusog na dibdib sa braso ni Sanjo.
Oras na para mabawasan ang listahan ng utang.