“ Okay ka lang ba, Ky?” tanong ni Sanjo nang bumalik si Kylie galing sa washroom Medyo namumutla ang kulay ng labi at kitang-kita ni Sanjo na nanginginig pa ang mga kamay ng nobya. Inalalayan niya si Kylie hanggang sa makaupo. Kinabig niya ito sa matipuno niyang dibdib saka hinagkan sa pisngi ang nobya. “S-Sanjo, okay lang ako.” napaangat ng ulo si Kylie. Tuloy pa rin ang pagpapanggap na tila walang nangyari sa pinanggalingan niya. Huminga ng malalim si Sanjo saka tumango. Ayaw niyang pangunahan ang nobya pero alam niyang may hindi magandang nangyari sa loob ng washroom. “I love you…” kinintalan ni Sanjo ng halik sa labi ang nobya saka niyakap ito ng mahigpit. Gusto niya i-comfort si Kylie kahit sa ganitong paraan man lang. May sarili siyang plano para sa impostor na kapatid ni Kylie.