Habang ikinakasal ang dalawa ay hindi mapakali si Kylie, nakikinig naman siya sa sinasabi ng pari samantala si Sanjo naman ay seryoso at focus sa sinasabi ng pari. Kinapa ni Sanjo ang singsing na kanyang bulsa nang nagsimula na ang exchange of bows. Dahil sila lang dalawa ay wala ng marami pang ganap. “You may now kiss the bride.” pagtatapos ng pari. Sumunod naman si Sanjo. “I love you,” bulong pa nito kay Kylie. “Mahal din kita, Sanjo.” masayang wika ni Kylie ngunit napuna ni Sanjo na panay ang iwas ng tingin ng dalaga sa kanya. Natapos pirmahan ang mga papel ay binitbit na ito ng pari at iniwan silang nakangiti. Magkahawak kamay naman na lumabas ng simbahan ang dalawa habang parehong tinitinganan ang mga singsing nila. “Masaya ka ba?” tanong ni Sanjo, huminto ito habang naglalakad,