Chapter One

1588 Words
Nikki's POV “God damn it, Nikki! Wala kang karapatang tumanggi sa gusto ko!” Kahit kaninang – kanina pa nag – iingay si Uncle Rod ay hindi ko siya pinapansin. Narito lang ako sa harap ng computer ko at tinatapos ang term paper na kailangan kong tapusin. Bukas na ang deadline nito. I can’t concentrate. Gustong – gusto ko na siyang sigawan para huminto na siya. Siguro ay napansin niyang hindi ko naman pinapakinggan ang mga sinasabi niya kaya marahas niyang hinugot ang plug ng computer. Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko pa naisi – save ang mga ginagawa ko. “Do I have your attention now?” sabi niya sa akin ng tumingin ako sa kanya. Umiling lang ako at umalis sa kinauupuan ko. Pero alam ko naman na hindi pa rin siya titigil. Ilang araw na niya akong kinukulit ng ganito. As if naman na parang candy lang ang hinihingi niya sa akin. “I need to have your answer. Orlan’s family will be here next week. Kailangan kong mai – close ang deal ko sa kanila at kailangan noon ang tulong mo,” sabi pa niya sa akin. “Anong tulong naman ang maibibigay ko Uncle? Wala naman akong magagawa. Bakit hindi si Stacey? Si Alyssa? Bakit kailangang ako?” sa wakas ay nakuha ko ng sumagot. Tiningnan ako ng masama ni Uncle Rod. “Alam mong hindi puwede si Stacey at si Alyssa. Nag – aaral pa sila. At isa pa, marami akong pangarap para sa mga anak ko,” sagot niya sa akin. Napalunok at pinigil ang mapaiyak. Ganoon ba iyon? Dahil sa hindi ako anak kaya ako ang kailangang magsakripisyo? Marami din naman akong pangarap. Gusto ko pang maging teacher. Iyon ang pangarap sa akin ni mama bago sila umalis ni papa. Isang pag – alis na hindi ko inaasahang wala na palang balikan. Graduating na ako sa high school ng magplano sila mama at papa na mag – ofw sa Kuwait. Para daw maituloy ko ang pag – aaral ko sa college. Si papa sa isang factory magta – trabaho at si mama naman ay domestic helper. Nagplano sila para daw sa kinabukasan ko. Kasi si mama frustrated teacher siya. Isang taon na lang siya sa college ng mabuntis siya ni papa. Kaya ang pangarap niya sa akin kahit noong maliit pa ako ay maging teacher. Katuparan daw iyon sa pangarap niya. Two days bago sila umalis papuntang Kuwait ay bumiyahe sila papunta sa agency nila sa Maynila. Kailangan daw kasi nilang pumirma ng kontrata. Maaga silang nagpaalam noon sa akin. Nangako pa nga si papa ng mga pasalubong na notebooks na Sterling sa akin kasi iyon ang gusto ko noon. Mahilig kasi akong magsulat at gusto ko magaganda ang notebooks ko. Pero hindi ko akalain na huling kita ko na pala iyon sa kanila. Hindi na rin sila makakaalis papuntang Kuwait. Papauwi na kasi sila ng maaksidente ang sinasakyan nilang bus. Nalaglag ito sa Skyway. Kasama sila sa mga casualties. Pakiramdam ko tinalikuran ako ng Diyos noon. Hindi ko alam kung paano ako babangon. Parehong kinuha ang dalawang nagmamahal sa akin. Sa isang iglap, ako na lang mag – isa ang mabubuhay sa mundo. Hanggang sa dumating si Uncle Rod. Nag – iisang kapatid ni Papa na nakatira sa Maynila. Hindi ko naman siya masyadong kilala. Mga isa o dalawang beses lang siyang pumasyal sa bahay namin noon sa Batangas. Una ng manghiram yata si tatay ng pera para sa pag aayos ng papeles nito, pangalawa sa burol ng mga magulang ko. Isinama ako ni Uncle Rod sa Maynila para doon na sa kanya tumira. Siguro naawa siya sa akin. Nangako naman siyang pag – aaralin ako at tinupad naman niya iyon. Mabait din naman sa akin si Auntie Tessie. Pero kabaligtaran iyon ng dalawa nilang anak na babae. Si Stacey at si Alyssa. Tingin yata sa akin ng dalawang iyon ay kasambahay nila ako. Mula sa pag – aayos ng kuwarto nila, pag – aayos ng mga damit na isusuot at paghahanda ng pagkain ay sa akin nila ipinapagawa. Minsan pati nga term papers at assignment, ako pa rin ang gumagawa. Pero para sa akin, sige na lang. Nakikisama din naman ako. Malaki din kasi ang utang na loob ko sa magulang niya. Dahil kina Uncle Rod kaya ako nakatira sa isang maayos na bahay. Dahil din kina Uncle Rod kaya ako nakakapag – aral. Pero ang hinihingi niya sa akin ngayon ay parang hindi ko kayang ibigay. Kalayaan ko ang hinihingi niya. “Nag – iisa ang anak nilang si Javier. Gusto ng mga magulang ni Javier na pakasalan mo ang anak nila para mai – close ko ang deal sa business namin. Mahirap bang gawin iyon?” parang sa bata nakikipag – usap si Uncle Rod. Napailing ako. “Ano bang akala ‘nyo sa hinihingi ninyo sa akin? I am only twenty years old. Isang sem na lang ga – graduate na ako. Tapos gusto ‘nyo akong magpakasal sa lalaking hindi ko nga kilala?” napilitan na akong mangatwiran. “Wala kang karapatang tumanggi! Gusto mo bang magbilangan tayo ng naitulong sa iyo para maisip mo na wala kang karapatang tanggihan ang gusto ko? Alalahanin mong ako ang nagbabayad ng tuition mo. Ako ang nagpapakain sa iyo. Ako ang puwedeng mag – desisyon kung magpapatuloy ka pa sa pag – aaral,” sagot niya sa akin. Itinikom ko ang bibig ko. Totoo naman iyon. Pero may share din naman ako sa tuition ko. Half ng miscellaneous fee nga lang ang binabayaran niya dahil full scholar ako sa pinapasukan kong university. “Saka dapat nga magpasalamat ka at ikaw ang pinili nila Orlan para sa kanilang anak. Alam mong kilalang mayaman ang pamilya nila sa Bataan. Para sa kinabukasan mo rin ang ginagawa ko,” sabi niya. “Ayusin mo ang sarili mo at darating sila sa Huwebes ng ala – siyete kasama si Javier. Huwag kang gagawa ng eksena,” iyon lang at iniwan na niya ako. “Huwebes? Pero defense ko iyon. Hindi ako aabot ng ala – siyete ng gabi,” sagot ko. “Punyeta Nicole! Wala akong pakielam kung bumagsak ka sa subject mo na iyon. Basta kailangan na nandito ka ng ala – siyete sa Huwebes.” Sigaw niya sa akin tapos ay iniwan na ako. Napapikit ako sa sobrang stress. Bakit naman ganito? Hindi ko pinangarap mag – asawa ng maaga at maging isang nanay sa batang edad. Worst, ni hindi ko pa nga nakikita kung anong itsura ng lalaking iyon. At sigurado ako, walang itsura talaga. Kung bakit nga, bakit kailangan pang ipagkasundo ng mga magulang sa kung kaninong babae. Saka sabi nga ni Uncle Rod, mayaman sa Davao. Bakit kailangang ako ang ipagkasundo? Napakaraming magagandang babae doon. Kahit dito sa Maynila. Maraming – marami silang makukuha pero bakit ako? Ako na rin ang sumagot sa tanong kong iyon. Kailangan nga pala ni Uncle Rod para sa monkey business niya. Napatingin ako sa pinto ng maramdaman kong may nakatayo doon. Nakita ko si Stacey na tatawa-tawang nakatingin sa akin. “Malapit ka na palang mag – asawa. Poor you, siguradong pangit iyon,” natatawang sabi niya. Pinilit ko lang ngumiti at hindi na lang siya pinansin. Muli kong binuksan ang computer ko at nagbakasakaling ma – retrieve ko pa ang ilang copy ng term paper na ginagawa ko. “Bakit nag – aaral ka pa? Hindi mo naman na kailangan iyan kapag nag – asawa ka na,” sabi niya sa akin at ibinato sa harap ko ang isang folder. “Iyan ang unahin mong gawin. Kailangan kong ipasa bukas yan kay Mr. Garcia sa Humanities,” sabi nito at tinalikuran na siya. Napapikit lang ako at napailing. Wala ng pag – asang ma-retrieve ko ang file para sa term paper tapos sumabay pa itong si Stacey. Binuklat ko ang folder na ibinigay niya. Follow up report para sa isang movie film na pinanood nila sa school. Mabuti na nga lang at napanood ako na ang pelikula na iyon kaya hindi na ako mahihirapan gawin. Maya – maya ay may kumatok uli sa kuwarto ko. Si Alyssa naman iyon. Ngumiti ako dito ng makita kong parang nahihiya itong tumingin sa akin. Matanda ako dito ng dalawang taon. Nasa first year college na ito sa kursong Pyschology. Si Stacey naman ay kasing edad ko at pareho kaming nasa third year. Magkaiba nga lang kami ng course. Education ang sa akin, si Stacey naman ay Marketing. “May kailangan ka?” nakangiting tanong ko. Sa magkapatid, si Alyssa ang mas mabait sa akin. “Ate Nikki, baka puwede mo naman akong turuan sa project ko,” sabi nito. “Alam ko busy ka. Kasi si ate Stacey ayaw akong tulungan, eh.” Sabi nito. Napahinga ako ng malalim. Sabi ko na nga ba. “Sige. Ano ba iyan?” “Book report lang. Ako na ang bahalang mag – type sa computer. Kailangan ko lang ng summary and ideas,” nakangiwi pa siya ng sabihin iyon. “May tatapusin pa kasi ako sa Art of Civilization subject ko kaya hindi ko na iyan magawa.” Tumango na lang ako. “Sige. Ako na ang bahala dito.” Nakita kong nagliwanag ang mukha niya at lumapit sa akin tapos ay yumakap. “Thank you ate!” at iniwan na niya ako. Napasandal ako sa kinauupuan ko. Ang dami – daming naglalaro sa isip ko. Hindi ko akalain na darating sa buhay ko ang ganitong problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD