Chapter Seventeen

1979 Words

“Ang gaga mo,” iyon ang narinig kong sabi ni Lily sa akin ng sabihin ko sa kanya na tinatanggihan ko ang alok ni Javier sa akin. Hindi ako kumibo at nanatiling nakikinig lang sa kanya. Umalis saglit si Javier at kailangan daw magbangko. “You think tanggapin ko ang alok niya?” “Oo ‘no! Nikki, hindi ka na makakatisod ng ganyang offer. Kasal ang inaalok sa iyo. Hindi ka ibabahay. Papakasalan ka,” sabi pa niya sa akin. “Pero kasi, parang ang bilis, eh.” “May nangyari na sa inyo?” at narinig kong tumili pa si Lily. Hindi ako nakapagsalita. Parang nahihiya akong umamin. “Ang landi mo!” at napahalakhak siya. Parang alam na niyang mayroon na ngang nangyari “Hindi mo pa siya gusto niyan, ha? Pero isinuko mo na ang pinakaiingat – ingatan mo.” Napatawa din ako. “Nalasing ako ‘nun,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD