Para siyang tanga sa gilid, kung alam niya lang na ganito ang mangyayari sana pala ay di na sila sumama. Alam naman niyang may posibilidad na ganun ang mangyari pero mas pinili nilang sumama dahil nahiya sila na tumanggi. Ang dami pa naman niyang gusto na gawin sana, gusto niya sana magbasa man lang ng paa pero ang makalapit sa may pool ay di na niya magawa pa. Pumili siya ng upoan na malayo sa lalaki, malayo sa karamihan, tumingala siya at pinagmasdan ang madilim na kalangitan, yung mga nagkikislapan na mga bituin na tila ba ay nagpapagandahan ng kinang. Parang dinadala siya sa kung saan na di niya mawari kung maganda ba o hindi. Muli siyang tumingin sa mga nagkakasiyahan na mga tao, para bang wala ng bukas ang mga ito. Parang sobrang limot na ng mga ito ang mapait na reyalidad ng buh