NAKARATING na kami sa school ko. Tinigil niya ang kotse saka siya bumaba. Alam kong iikot siya para pagbuksan ako ng pinto kaya umupo lang ako para hintayin siya. Ewan ko ba dahil gustong gusto ko na ganito siya.
Nakangiti siya nang buksan niya ang pinto at alalayan ako sa pagbaba kaya napangiti rin ako.
"So pano, maghihintay ka lang ba rito?" Tanong ko.
"I'll be back. May aasikasuhin kasi ako sa business ko."
"Ah okay!" Sagot ko. Inabot na niya sa akin ang bag ko.
"Sige, I'll go ahead, see you later!" Nginitian ko siya bago ako tumalikod at naglakad papasok sa gate.
"Take care!" Nakangiti niyang sabi bago ko siya iwan.
Bago sa akin na ganito kami at sana nga ay araw-araw na ganito na lang.
"Macy!" Napatingin ako sa tabi ko nang marinig si Red habang naglalakad ako papasok sa gate. Umakbay siya sa akin. Parang kinilig naman ako sa akbay niya.
"Hi Red!" I looked at him and smiled.
"Birthday ni Mom tomorrow. May celebration siya sa Montevista hotel. She wants you to be there. Pwede ka ba?" Tanong niyang nakatingin sa mga mata ko.
"Talaga, birthday ni Tita Glenda, invited ako?" Natuwa kong sabi. Mabait ang parents niya sa akin at hindi na sila bago sa pamilya namin.
"Yeah, intimate lang naman ang celebration dahil yun ang gusto ni Mom. A few relatives and friends lang ang invited." Nakangiti niyang sabi. Nasa mukha naman niya na hindi tutol sa sinabi niya. Baka kasi girlfriend niya si Roxy at siya ang gusto niyang kasama sa birthday ng Mom niya pero ako ang invited. I remember ang arranged marriage namin. Siguro nga tuloy na tuloy na yun kaya ako ininvite ni Tita Glenda ngayon.
"So ano, can you come? Sabay na tayong pumunta doon tomorrow around 7pm. I will pick you up at your house."
"Ha? Ah eh!" Bigla naman akong napaisip. Tomorrow pa naman ang celebration at wala akong gagawin sa bahay kaya pwede rin akong sumama. Siguradong gusto rin ni Dad at Mom na umattend ako.
"Sige!" Nakangiti kong sabi. Napangiti naman siya at natuwa sa sinabi ko.
Hinatid niya ako hanggang sa classroom ko. Panay naman ang tukso sa akin ng mga kaklase at kaibigan ko nang makitang kasama ko si Red.
"Bakit magkasama kayo ni Red. Kayo na?" Panunukso sa akin ni Lhea.
Bigla namang namula ang pisngi ko sa panunukso nila.
"Malapit na kasi silang ikasal!" Panunukso rin ni Amie.
"Kasama mo si Red, mabuti okay lang kay Dax?" Tanong ni Alexa. Bigla ko namang naisip si Dax. Hindi ko na siya tinignan pa nung naglakad ako papasok sa gate kaya hindi ko alam kung nakita ba niya si Red na kasabay ko na taong kinaiinisan niya.
Naalala ko ang pagiging mabait ni Dax kanina kaya for sure magiging mabait na rin siya kay Red. Kung mapapangasawa ko si Red dapat lang talaga na maging mabait siya.
Dumating na ang gwapong Prof namin na si Sir Craig kaya hininto na namin ang kwentuhan namin. May long quiz pala kami. Bigla ako namroblema dahil hindi ako nakapagreview kagabi. I remember na na-interrupt ang pagre-review ko sana nang marinig ang ingay ni Dax at pagkatapos ay uminom pa ko ng alak. Hay, bahala na kung may masagot ako sa exam!
Nang matanggap namin ang test questionnaire ay halos sabay sabay kaming napakamot ng ulo ng mga kaibigan ko maliban kay Lhea na nagsisimula ng sagutan ang mga tanong. Nakapag review kasi siya kagabi kaya maraming laman ang utak niya ngayon. Tumingin siya sa akin saka niya tinakpan ang papel niya. Feeling siguro niya mangongopya ako sa kanya. Tumayo si Sir Craig sa tapat namin para bantayan kami. Nahalata kasi niyang pare-pareho lagi ang sagot naming apat sa tuwing may exam kaya siguro todo bantay siya sa amin.
Mabuti na lang nakaka inspire ang kagwapuhan niya kaya may naisagot naman ako sa mga tanong.
Mabilis na lumipas ang oras. Tapos na ang last subject namin kaya kanya kanya na ng labas ang mga estudyante sa room
Nagtaka ako sa komosyon ng mga estudyante sa labas ng room hanggang mabungaran ko doon si Dax paglabas ko.
Ngumiti siya ng makita ako. Panay ang panunukso sa akin ng mga malisyoso kong kaklase kaya hiyang hiya naman ako. Lumapit siya sa akin at kinuha ang gamit ko saka kami umalis na.
"Pasensya ka na sa mga kaklase ko ha. Ganyan talaga mga yan. Mga malisyoso!" Sabi ko habang naglalakad kami.
"It's okay! Ang cute nga nila eh. Namiss ko tuloy yung araw na nasa ganyang edad din ako. Medyo pasaway lang ako noon pero kahit papano nag aaral din ako ng mabuti." Pagyayabang niya. Naalala ko tuloy ang mga kwento ni Mom na parating sumasakit ang ulo ni Dad kay Daxon dahil sa pagigig pasaway niya at palaaway. Si Dad raw ang parating nag aayos ng gusot ni Dax sa tuwing napapaaway. At umabot pa nga sa ganitong edad si Dax na palaaway pa rin pero at least nagbago na siya ngayon.
Pagpasok namin sa kotse ay napatingin ako sa backseat nang makita ang isang puting pusa na katamtaman ang laki.
"May pusa? San galing?" Natuwa kong sabi. Mahilig ako sa mga pusa. Hininto ko na lang ang pag aalaga noon dahil kapag nawawala sila ay sumasakit lang ang puso ko sa lungkot.
"Pagala gala sa labas ng bar kaya kinuha ko. Malinis na yan pinaliguan ko." Sambit niya. Nagtaka naman ako dahil alam kong ayaw na ayaw niya sa pusa. Inisip ko tuloy na nag iba na talaga siya.
"Iuuwi mo ba siya sa bahay?" Tanong ko.
"Oo. Gusto mo ba?" Tanong niya. Mas natuwa naman ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang pusa sa likod at nilagay sa lap ko.
"Ang cute!" Sambit ko habang nilalaro ang pusa.
"Like you! You're so cute and gorgeous, Macy!" Namumungay ang mga mata niyang sabi.
Nagblush naman ako sa sinabi niya. Hindi na lang ako nagpahalata at patuloy na nilaro ang pusa hanggang pag uwi namin sa bahay.
Sabay kaming naghapunan ni Dax dahil nauna ng kumain ang mga kasama namin sa bahay. Yung about sa pusa pa rin ang pinag uusapan namin habang kumakain.
Matapos kumain ay tumambay lang ako s balcony ng kwarto ko. Pinaglalaruan ko pa rin ang pusa. Napatingin ako sa katabing balcony nang tawagin ako ni Dax. Maya maya ay nagulat ako nang sumampa siya sa rail at tawirin ang balcony. May makitid na daanan sa gilid at iyon ang binaybay niya.
"Ano ka ba baka mahulog ka?" Nag alala kong sabi habang tumutulay siya. Seryoso naman siya sa pagtawid hanggang makarating siya sa akin.
"Bakit kasi nagpunta ka pa rito?" Tanong ko.
"Gusto ko lang makita yung pusa ko!" Sagot niyang hinahaplos haplos ang pusa.
"Pero dati ayaw mo ng pusa. Gusto mo nga iligaw ang pusa ko noon eh." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ha. Tuwang tuwa nga ako sa pusa mo eh!"
"Sus!"
Tumunog ang cellphone kong nasa ibabaw ng maliit na table. Nakita ko ang message ni Red. Napatingin din doon si Dax. Hindi ko na lang pinansin ang pag iba ng expression ng mukha niya.
Binasa ko ang message ni Red. Sinabi niyang nasabi na niya sa Mommy niya na pupunta ako bukas sa birthday kaya masayang masaya raw ito. Naalala kong hindi pa nga pala ako nagsasabi kay Dax. Siya ang guardian ko kaya kahit ayaw ko man, dapat na alam niya kung saan ang mga lakad ko. Isa pa pupunta sa bahay si Red, kaya gusto ko rin yun ipaalam sa kanya.
"Dax, birthday tomorrow ni Tita Glenda, yung Mommy ni Red. Invited raw ako kaya bukas pupunta dito si Red para sunduin ako." Marahan kong sabi. Seryoso naman siyang nilalaro ang pusa sa sahig kaya hindi ko alam kung narinig niya.
"Okay, I'll go with you!" Mariin niyang sabi.
"Ha, eh susunduin nga ako ni Red. Sa Montevista hotel lang ang venue kaya hindi ko na kailangan ng bodyguard."
Tumingin siya sa akin nang sabihin ko yun. Iba ang expression ng mukha niya na hindi gaya kanina na nakangiti lang siya.
"I'll go with you, Macy, kung ayaw mo hindi kita papayagan!" Mariin niyang sabi.
"Dax ano ba! I'm sure gusto din nina Dad na umatted din ako tapos pagbabawalan mo 'ko!" Inirapan ko siya sa inis ko.
"Hindi naman kita pinagbabawalan. Sinasabi ko lang na sasamahan kita. Bodyguard mo 'ko so dapat lang na kahit saan ka magpunta nandoon rin ako!".
Kahit nainis ako sa sinabi niya ay kinalma ko na lang ang sarili ko. Alam kong wala akong magagawa dahil ipipilit niya yun. Gusto kong pumunta sa birthday ng Mommy ni Red kaya no choice ako kundi sumunod sa gusto ni Dax.
"Okay!" Sambit ko. Hindi naman nagbago ang reaction niya at nanatiling nakatingin sa pusa.
♡