SUMAKIT ang ulo ko sa pag o-overthink kaya nagpasya akong bumaba na para kumain. Inisip ko na panaginip lang talaga ang nangyari dahil naalala kong naka lock ang pinto nung binuksan ko para kausapin si Manang Cora. Wala namang susi si Dax para buksan ang pinto kaya imposibleng makapasok siya, at isa pa ay hindi naman siguro niya iyon gagawin sa akin.
Naabutan kong nag aalmusal si Lola at Lolo sa dining room kaya tumabi na ako sa kanila.
"Wow ang dami namang food!" Sambit ko ng makita ang iba't ibang pagkain sa mesa.
"Niluto yan ni Dax kanina! Nagulat nga ako paggising ko nakaluto na siya eh." Nakangiti na sabi ni Lola.
"Si Dax?" Kunot noo kong sabi. Alam ko naman na nagluluto si Dax, pero yung maaga siyang nagising para magluto ay bago sa akin. "Nasaan po siya?" Tanong ko.
"Lumabas ng bahay, magja-jogging raw!"
"Ah!" Tumango ako.
Yung pinag-uusapan lang namin siya ay bigla na siyang sumulpot sa paningin ko.
Naalala ko bigla yung message niya kagabi na gusto niyang tikman ang labi ko. Sana nawala na sa isip niya yung sinabi niyang yun.
"Good morning!" Nakangiti niyang bati sa amin. Tumingin siya sa akin at ramdam ko na parang ang saya niya.
Kumuha siya ng tubig sa ref saka siya umupo sa tabi ko.
"Masarap ba?" Tanong niya habang kumakain ako.
"Oo! Masarap!" Nginitian ko siya. Masarap talaga ang mga niluto niya at naappreciate ko. Natuwa naman siya sa sinabi ko. "Ikaw? Kumain ka na ba?" Tanong ko.
"Yeah kanina!" Hindi mawala wala ang ngiti niya sa labi na pati ang mga mata niya ay nakangiti. Napatingin ako sa lips niya na natitigan ko ng matagal kagabi habang ginagamot ko siya. Binawi ko rin agad ang paningin ko nang makita kong nakatingin siya sa akin. Baka kasi maisipan na naman niyang gusto ko ang labi niya o kaya maalala niya ang sinabi niya sa text na gusto niyang tikman ang labi ko.
Nasa tabi ko lang siya habang kumakain ako. Sa tuwing titingin ako sa kanya ay nakatitig lang siya sa akin kaya naiilang ako. Naalala ko pa yung nasa panaginip ko kanina na hinahalikan niya ako at muntik pang may mangyari sa amin kung hindi lang ako nagising sa pagtawag ni Manang Cora.
Tumunog ang cellphone niya kaya tumayo siya at sinagot ang tawag. Lumabas rin siya sa dining room. Mabilis ko ng tinapos ang pagkain dahil anong oras na at may pasok pa ako. Umakyat na ako sa kwarto ko at nag ayos para sa pagpasok ko sa school.
Matapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Nagulat ako nang makita si Dax malapit sa pinto. Nakasandal siya sa pader na parang may hinihintay at napangiti nang makita ako. So hinihintay niya akong lumabas ng kwarto. Nakangiti siyang lumapit sa akin at kinuha ang bag ko.
"You're so pretty, Macy!" Papuri niya sa akin na ikinangiti ko. Namula agad ang pisngi ko sa sinabi niya at hindi ko alam kung paano magre-react. Pareho lang naman sa araw-araw ang ayos ko pero kung purihin niya ako ay parang ngayon lang niya ako nakitang maganda. Feeling ko din tuloy napakaganda ko ngayong araw.
Napatitig ako sa kanya. Feeling ko may kakaiba rin sa aura niya dahil mas gumwapo siya. Hindi ko alam kung dahil sa maayos na pagkakasuklay niya ng buhok niya o dahil bagong ahit siya o dahil sa ngiti niya na kanina ko pa nakikita sa kanya. Pwede rin naman sa pananamit niya. Naka-white polo kasi siya ngayon na usually ay black or dark colored ang suot niya. Parang ngayon lang siya nagsuot ng white at bagay na bagay sa kanya. Parang ang bait niyang tignan sa kulay ng damit niya.
Sabay kaming naglakad pababa ng hagdan. Nakahawak pa siya sa siko ko para alalayan ako. Ganito naman siya lagi pero parang mas gentleman ang dating niya ngayon. Nakaalalay siya sa akin hanggang sa paglabas at pagsakay ng kotse.
"Are you ready?" Nakangiti niyang tanong nang i-start na niya ang kotse. Namumungay rin ang mga mata niya. Feeling ko tuloy bigla rin pumungay ang mga mata ko. Naisip ko ang message niya na gusto niyang tikman ang labi ko. Siguro nakalimutan na niya iyon o biro lang niya dahil kung hindi ay dapat inopen na niya ang about doon ngayon.
"Okay!" Nakangiti kong sabi na mas lalo niyang ikinasaya. Feeling ko rin tuloy ay napakasaya ko.
Nakakapanibago na nakangiti lang siya. Simula pa kaninang umaga ay ganito na siya. Pakiramdam ko tuloy ay napakagaan ng araw ko na ganito siya.
Binuksan niya ang stereo habang nagmamaneho siya. Naaliw ako ng sabayan niya ng pag awit ang kantang tinutugtog doon.
I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You'll feel this feeling I have inside
You're a hopeless romantic is what they say
Falling in and out of love just like a play
Memorizing each line
I still don't know what to say
What to say
Don't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears
When you pass by, I could fly
Every minute, every second of the day
I dream of you in the most special ways
You're beside me all the time
All the time.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang kumakanta siya. Madalas ko rin marinig ang kantang iyon kaya pamilyar sa akin. Masarap sa pandinig ang kantang iyon pero gusto ko matawa dahil parang hindi bagay kay Dax na kinakanta iyon. Masyado kasing sentimental at soft ang kanta. Feeling ko ang bagay sa kanya ay yung mga rock at hiphop song.
"Why are you laughing? Panget ba ang boses ko?" Tanong niya nang mapansing mahina akong tumatawa.
"Ha? Hindi. Ang ganda nga ng boses mo eh, parang hindi lang bagay sa character mo yung kanta!" Hindi ko napigilang sabihin.
"Why? Grabe ka naman. Kahit naman ganito ako may pagka-senti at romantic rin ako." He softly said. Siguro nga ay ganun rin siya. Hindi ko lang yun nakikita sa kanya dahil yung pagiging hambog niya ang mas nangingibabaw sa kanya.
Huminto kami nang may sasakyan na humarang sa harapan namin. One-way lang kaya hindi kami makausad. Bumaba ang driver ng kotse at naglabas ng yosi. Sumandal lang siya sa kotse niya habang nagyoyosi. Uminit naman ang ulo ko dahil akala mo kung sino ang lalakeng yun na humarang sa kalsada para lang magyosi at magrelax. Alam naman niyang may sasakyan sa likuran niya. Napaka makasarili. Parang gusto ko tuloy bumaba para sabihan siya.
Napatingin ako kay Dax dahil siguradong umiinit na ang bumbunan niya. Kung ako ay gusto ko ng sugurin ang lalake, what more pa siya. Pero kabaliktaran ang nakita ko dahil kalmado siya. Ngumiti pa siya nung tumingin sa akin na bagong bago sa akin dahil dapat ay nagagalit na siya na parati niyang reaction.
Yung expect ko na mag iinit ang ulo niya pero hindi yun ang nakikita ko sa mukha niya. Feeling ko tuloy ibang tao talaga itong kasama ko dahil hindi naman siya ganito.
"Dax hindi mo ba lalapitan yung lalake?" Tanong ko. Yung parati ko na lang siya inaawat sa tuwing may susugurin siya pero ngayon ako pa ang bumubuyo sa kanya. Pagngiti naman ang itinugon niya sa akin.
"Okay lang yan? Baka may pinagdadaanan lang yang kupal I mean yang lalake na yan kaya gusto niyang magrelax. Intindihin na lang natin!" Nakangiti niyang sabi.
Yung kanina pa siya nakangiti pero parang gusto ko maasar ngayon sa ngiti niya.
"Ha? Pinagdadaanan? Pano ako may pasok pa ko!" Nainis kong sabi.
"Macy, relax. Maaga pa. Malapit na rin tayo sa school mo." He calmy said. Yung kahit naiinis ako ay natuwa naman ako sa kanya. Nagbago na siya. Yung balasubas na Daxon na nakilala ko noon pa ay nagbago na. Alam niyang ayaw ko sa ugali niya at ngayon ay nagbago na siya. Kung noon pa sana niya ginawa. Hindi sana ako nagtanim ng inis sa kanya at magkasundong magkasundo kami.
Pansin kong tina-tap niya ang hintuturo niya sa manibela habang nakakapit siya doon at nakatingin sa lalakeng nasa unahan. Ganito ang reaction niya kapag naiinis pero kalmado naman siya. Napakamot siya ng batok niya at napapahilamos ng palad sa mukha na parang nayayamot pero kalmado pa rin siya. Gumalaw ang bibig niya na para siyang may sinasabi pero hindi ko naman yun marinig. Sinusuklay suklay niya ng kamay ang buhok niya habang mahinang tumatawa pero sarkastiko na parang may halong pagkainis ang tawa niya.
Nanatili ng ilan pang minuto ang lalake saka siya pumasok na sa loob ng kotse niya at sa wakas ay pinaandar yun. Kumanan yung kotse sa intersection. Doon din ang daan namin kaya kumanan rin si Dax. Huminto uli ang kotseng nasa unahan namin at bumaba uli ang lalake. Ano na naman kayang trip ng lalakeng yun?
Malawak na ang kalsada sa gawing iyon kaya umovertake si Dax. Huminto siya sa tapat ng lalake na nagsisindi na naman ng yosi. Mukhang trip niya lang talaga na humarang sa kalsada para magyosi. Binuksan ni Dax ang bintana at kinausap iyon.
"Ano brad, okay ka lang?" Mahinahong tanong ni Dax sa lalake.
"Oo, okay lang!" Sagot naman ng lalake.
Itinaas ni Dax ang isang kamay para makipag high five sa lalake. Yung imbes na gulpihin niya ang lalake ay mahinahon niya pa itong binabati. Nagbago na talaga siya at napakabait pa.
Tinanggap ng lalake ang highfive. Nakita kong nakangiwi ang lalake habang hawak ni Dax ang kamay niya na parang nasasaktan. Hindi ko sure dahil medyo nakatakip si Dax sa bintana. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya pero parang may sinasabi pa siya sa lalake, hanggang sa bitawan na niya ang kamay ng lalake at isara ang bintana. Ngumiti siya sa akin nang humarap siya saka niya pinaandar ang kotse.
"Okay ka lang?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Oo naman, ikaw?" Tanong ko rin dahil baka nilalagnat o may nararamdaman lang siyang kung ano sa katawan kaya siya ganito ngayon.
"I'm okay. Ayos na ayos lang ako. You're smiling so I'm fine! Mas lumilitaw kasi ang ganda mo kapag nakangiti ka." Malalim siyang tumitig sa mga mata ko bago binaling sa kalsada ang paningin.
Mabuti at tumingin na siya sa iba dahil nagblush na naman ang mukha ko. Ganun lang naman ang sinabi niya but I was flattered. Napakagaan ng pakiramdam ko. Nakadagdag pa na mukhang nagbago na nga siya. Sana nga ganito na lang siya everyday.
♡