Macy's POV
"Uncle Dax ano ba yang sinasabi mo?" Bulalas ko sa sinabi niya. Yung expect ko na kung ano ang isasagot niya sa tanong ko kung gusto niya ba ako ay nagulat pa rin ako.
Mas okay pang tinanggi na lang niya kaysa harap harapan niyang sinabi iyon sa akin. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko. Feeling ko tinakasan ako ng lahat ng dugo ko sa katawan at bigla akong namutla. Hindi rin ako naging komportable. Sa ilang lalake na nagconfess sa akin na gusto ako, sa kanya ako hindi naging komportable, siguro ay dahil nakasama ko siya simula pa pagkabata. Halos kasama na siya ni Mom at Dad na nag alaga sa akin pati na rin mga kapatid ko simula pagkabata at ngayon sasabihin niyang gusto niya ako na iba na sa pakiramdam niya dati. Kahit naguguluhan ang utak ko ngayon ay mas nanaig pa rin sa akin ang Uncle Dax na nakasama ko simula pagkabata ko. Yung Uncle Dax na nagbabantay at parating nakabuntot sa akin para protektahan ako kaya ang isip ko ngayon ay tumatanggi sa kanya.
"I said I like you! If you think this is crazy then I'm fvcking crazy, siguro nga baliw na talaga ako. Nababaliw ako sa'yo, Macy, matagal na!" I could see the sincerity in his eyes from what he said. Totoong totoo sa kanya. Gusto niya talaga ako. Napaatras ako ng isang hakbang kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko na parati kong nararamdaman sa kanya.
"Macy!" Sambit niya at hinawakan ako sa braso, hindi naman sa umiiwas ako pero parang bigla akong napaso sa paghawak niya kaya agad kong hinawi ang kamay niya.
"Uncle Dax!" Mahina kong usal.
"Sinabi ko ng huwag mo akong tawaging ganyan." Protesta niya. "Macy, matagal ko ng tinatago sa'yo 'tong feelings ko, dahil kung sasabihin ko sa'yo, alam kong wala na 'yun atrasan. Matagal na kitang gusto, kaya nga binabanatan ko yung mga lalakeng lumalapit sa'yo eh, dahil ayokong may ibang lalapit sa'yo." Malumanay ang bawat pagbigkas niya. Kahit pinapaintindi niya sa akin iyon. Hindi ko pa rin siya magets. Ayaw niyang may ibang lalakeng lalapit sa akin dahil gusto niya ako pero lumalapit siya sa ibang babae. Alam na alam kong maloko siya sa babae dahil nakikita ko 'yun at ngayon ay sasabihin niyang gusto niya ako. Kailan lang nang makita ko siyang may kasex sa kwarto niya. Dahil sa mga isipin na 'yun ay bigla akong naalangan sa kanya.
"Uncle Dax, hindi pwede!" Mariin kong sabi. "Okay, you like me, but don't expect from me dahil hindi pareho ang nararamdaman natin."
Naririnig ko ang pagnginig ng boses ko na hindi ko alam kung dahil sa kaba na nararamdaman ko o dahil hindi naman ako sigurado sa sinasabi ko. Sinabi ko sa kanya na hindi pareho ang nararamdaman namin at pakiramdam ko ay hindi ako sigurado doon.
Nakatingin ako sa mga mata niya na binawi ko rin matapos kong magsalita kaya hindi ko na nakita ang reaction niya.
May ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa amin saka siya nagsalita.
"I won't expect, but let me show my feelings for you!" Marahan niyang sabi.
"Ano?" Bulalas ko. "Uncle huwag na, paano si Mom at Dad? Ano na lang ang sasabihin nila? I'm sure magagalit sila sa'yo!"
"Kakausapin ko sila! Isa pa, I don't care kung hahadlang sila. Labas na sila sa atin. So, please, Macy, allow me!" Nangungusap ang mga mata niya.
"No! Huwag na! Ayoko!" May diin kong sabi. Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako paalis sa swimming pool.
"Macy!" Pagtawag niya. Hinawakan niya ako sa braso pero dire-diretso akong naglakad kaya napabitiw rin siya.
Sumunod siya sa akin nang umahon ako sa pool pero napahinto siya nang dumating si Mavy.
"Uncle, you said you would teach me to swim." Ani Mavy na humarang sa kanya kaya hindi na siya nakasunod sa akin. Kinuha ko ang bathrobe at mabilis iyon sinuot saka ako pumasok na ng bahay.
Kahit magulo ang nararamdaman ko ay desidido ako sa pasya ko. Alam kong sincere siya dahil nararamdaman ko pero hindi ko rin masabi dahil alam kong maloko siya. Ganun ang pagkakakilala ko sa kanya kaya ayoko ko ring sumugal. Isa pa may girlfriend siya. Baka mafall pa ako sa kanya kung papayagan ko siya sa gusto niyang mangyari at sa huli ay ako rin ang masasaktan. Magiging complicated rin ang sitwasyon dahil siya si Uncle Dax na kapamilya na rin namin.
Nag shower ako pagpasok ko sa kwarto ko. Kahit dumadaloy ang malamig na tubig sa sistema ko ay hindi pa rin ako kumakalma. Nararamdamam ko ang kakaibang saya sa puso ko na gusto ako ni Dax na dapat ay hindi dahil sa alam ko ang pagkatao niya.
Macy, kalma! Huwag mo na lang siyang isipin. Wala lang siya sayo!
May ilang minuto ako sa shower hanggang sa matapos ako. Nanatili lang ako sa kwarto hanggang tawagin ako ni Manang Cora para sa pananghalian.
Sa dining room, si Dax agad ang unang hinanap ng paningin ko pero wala siya. Umalis siya? Saan kaya siya nagpunta?
Pinilig ko ang ulo ko dahil siya na naman ang naiisip ko. Sinabi ko nang huwag siyang iisipin pero hindi ko pa rin nakokontrol na isipin siya.
"Where's Uncle Dax?" Tanong ni Mavy kay Lola.
"May aasikasuhin raw eh. Baka mamayang gabi na yun uuwi." Sagot ni Lola.
Naalala ko ang dadaluhan kong birthday mamaya. Sinabi ni Dax na siya ang maghahatid sa akin sa hotel kahit pupunta si Red sa bahay para sunduin ako kaya sana nga ay huwag na siyang bumalik mamayang gabi. Bukod sa mahihirapan lang ako sa sitwasyon, parang ayoko rin muna siyang makaharap matapos ang nangyari kanina.
-----
PINASADAHAN ko ng tingin ang sarili simula ulo hanggang paa sa harap ng salamin. Gandang ganda ako sa sarili ko suot ang white long dress. Off-shoulder iyon at mababa ang neckline kaya bahagyang nakikita ang cleavage ko. May slit sa isang side ng dress kaya lumilitaw ang nakakaakit kong legs. Itinali ko lang ang buhok ko na wavy ang dulo para walang nakaladlad na strands sa mukha ko.
Kahit ako ay namamangha sa sarili kong ganda. Napaisip tuloy ako kung si Red kaya ay magagandahan rin sa'kin. Biglang sumagi na naman sa isip ko si Dax na siguradong magagandahan sa akin kapag nakita ako.
At pake ko ba kung magandahan man siya o hindi sa akin!
Pinilig ko ang ulo ko para alisin na siya doon. Naiinis akong kusa na lang talaga siyang pumapasok sa isip ko. Yung ginugulo na nga niya ang isip ko simula noong makita ko siya sa hotel at mas lumala pa ngayon na umamin siya sa nararamdaman sa akin.
Hanggang sa oras na ito ay hindi pa rin siya dumarating at sana nga ay huwag na para makasama ko si Red na siyang lalake na gusto ko. Siya talaga ang gusto ko kaya hinding hindi ko iisipin na gusto ko si Dax
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Si Lola ang naroon.
"Macy, nandyan na sa baba yung susundo sayo!" Sabi niya at napangiti naman ako. Nandito na si Red sa bahay namin para sunduin ako. Susunduin ako ng lalakeng gusto ko pero bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Kahapon lang nung kiligin ako sa sinabi niyang susunduin ako pero ngayon ay parang hindi ko iyon maramdaman.
Inayos ko na ang sarili ko. 6:30 nang tignan ko ang oras. 7pm pa naman ang simula ng birthday celebration ng Mommy ni Red at malapit lang ang Montevista hotel sa bahay kaya dadating kami doon bago magsimula.
Pagbaba ko sa hagdan ay nakangiting sinalubong ako ni Red. May spark sa mga mata niya na parang ngayon ko lang nakita sa kanya. Siguro ay nagagandahan siya sa akin. Natuwa naman rin ako na hindi nasayang ang effort kong magpaganda.
Nginitian ko rin siya paglapit niya.
"Woah, Macy, you're so pretty!" Mapungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Thanks!" Sambit ko. Hindi ko alam kung nagblush ba ako pero nahiya ako bigla na purihin niya. Ngayon lang kasi siya nagcompliment sa akin sa tagal na namin na magkakilala.
"Ang gwapo mo rin!" Papuri ko rin sa kanya at napangiti din siya.
"Let's go!" Sambit niya saka inilapit sa akin ang braso niya para kapitan ko. Hinawakan ko naman 'yun bago kami lumabas na ng bahay.
Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya ay napansin ko ang kotseng pumasok sa gate namin. Kotse ni Daxon. Huminto siya sa katabi ng kotse ni Red at lumabas ng kotse.
"Macy!" Tawag niya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa reaction niya habang papalapit sa akin. Basta nakatitig lang siya sa akin. "Sorry kung ngayon lang ako dumating, may inasikaso kasi ako sa condo."
"It's okay!" Sagot kong naiilang sa kanya. Naiisip ko ang pangyayari kanina kaya hindi ako komportable ngayon.
"Let's go!" Sambit ni Dax. Gusto niyang sa kanya ako sumama. Ito ang inaalala kong mangyari, mapilit siya nung sinabi niyang siya ang maghahatid sa akin sa hotel kaya siguradong ipipilit niya ito. Pero hindi naman pwedeng ang gusto niya ang masunod. Nasanay siya sa ganun kaya nasanay rin siyang hindi siya tinatanggihan pero ngayon ay gusto kong baguhin na 'yun. Hindi siya ang magdidikta sa kung anong gusto ko. Hindi na pwede yung siya na lang lagi ang masusunod.
Tumingin ako sa kamay kong nakakapit kay Red at kumapit pa doon ng mahigpit. Napatingin rin doon si Dax. Nakita ko ang pag igting ng panga niya habang nakatingin sa kamay kong nakakapit sa braso ni Red.
"We gotta go, Bro! Sa akin na muna si Macy ha, ako na muna ang bodyguard niya." Nakangiting tumingin sa akin si Red. Mas dumilim naman ang reaction ni Dax sa narinig kay Red.
Naglakad na muli si Red na sinabayan ko. Hindi ko na lang tinignan pa si Dax paglapit ko sa tapat niya hanggang sa lagpasan namin siya.
Pagdating sa kotse ni Red ay pinagbuksan niya ako ng pinto saka ako pumasok sa loob. Umikot naman si Red sa driver's seat. Nakatingin ako kay Dax sa bintana ng kotse. Nakatingin rin siya pero dahil tinted ang salamin ay hindi niya ako nakikita sa loob.
Nagtaka rin ako sa kilos niya dahil hindi na siya nagpumilit pa. Siguro naintindihan rin niya ang sitwasyon o dahil pa rin ito sa pinapakita niya sa akin na pagbabago ng ugali niya.
"Yang bodyguard mo parang parati na lang ako gustong upakan?" Sabi ni Red pagsakay niya. Tama naman siya sa sinabi niyang gusto siyang upakan ni Dax, at ngayon lang naging malinaw sa akin kung bakit.
Kaya ganun na lang ang inis niya dahil alam niyang crush ko si Red. May gusto siya sa akin kaya inis na inis siya kay Red na lalakeng gusto ko.
"Huwag mo na lang siyang pansinin!" Tanging sagot ko kay Red na tingin ko naman ay mas kailangan ko.
Pinaandar na ni Red ang kotse. Hindi ko na tinignan pa muli si Dax hanggang sa makalabas kami ng gate at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
♡