Chapter 1

1893 Words
Chapter 1 Nicolaz has been serving the country since he was 18 years old. He is now a Police Captain at the age of 30. But is this truly what he wants for himself? He isn’t sure about that also. Sinunod lang naman kasi niya ang yapak ng Lolo niya na dating Heneral at ang ama na kasalukuyang Police Major General. It runs in their blood. That’s what everyone is saying to him. Kaya naman sumunod na lamang din siya sa agos. He is the eldest child from his two other siblings. Of course, he needs to set a good example because of that. He’s been leading a righteous life since he was born. ‘Yon kasi ang principle na sinumpaan ng mga kagaya nilang pulis na inilaan na an buhay sa trabaho para maprotektahan ang bansa at mga mamamayan nito. His life was purely leading straight on the right path. He was on the right path, but it doesn’t even feel right. Maybe because he was not happy. Not happy because he knows there is something that is missing. He doesn’t even know what is missing in him or in his life. “Kumusta na ang pinakamamahal kong apo?” Tanong sa kanya ni Lolo Pancho Hizon. Ito ay retired na at dating Police General. Binisita siya nito sa tinutuluyan niyang bahay dahil noong magbente anyos pa lamang siya ay napagdesisyunan niya nang bumukod mula sa mga magulang at mga kapatid. “Ayos naman po ako, ‘Lo. Maaga po yata kayo? May sasabihin po ba kayo sa akin?” Tanong niya rito. “Wala naman. Talagang kinumusta lang kita. Alam mo naman na ikaw ang unang apo na nakarga ko noon. You were also like my son, Nico. So, I was just checking on you. Baka kasi nag-asawa ka na pala nang hindi namin alam,” nakangiting sagot pa ng matanda. It’s true, his Lolo Pancho is very closed to him. He treats him like a son and a grandson at the same time. He was spoiled by the old man during his younger years. Kumpara sa dalawang nakababatang kapatid, mas naglaan ng oras ang Lolo nila sa kanya noon. Maybe because his Lolo wants him to be his successor in being a police officer. At hindi naman niya ito binigo. He follows what they are saying that this is his destiny. Wala rin naman kasi siyang nakikitang masama sa kinabukasang inihanda na ng iba para sa kanya. -- “Magandang umaga, Mang Pedro. Tulungan ko na po kayo riyan,” masayang bati pa ni Valeen sa matandang lalaking nakasalubong niya. “Aba? Mukhang maganda ang gising mo ngayong umaga, Baleng? Hindi ka pa yata nakapagkape eh,” sagot din ni Mang Pedro sa kanya. “Araw-araw naman maganda ang gising ko. Kayo talaga Mang Pedro, ha?” Nakatawang sagot din naman ni Valeen sa matanda. “Tama ‘yan. Dapat palagi talagang masaya. Salamat sa tulong mo palagi, Hija,” sagot din naman ng matanda sa kanya. Madalas kasing tumulong si Valeen na magtulak ng kariton ng matanda. Bote-dyaryo kasi ang hanapbuhay nito. Wala naman siyang ginagawa tuwing umaga bago mag-almusal, kaya minsan tumutulong na rin siya rito sa tuwing nasasaktuhan niya. “Ito lang naman ang ginagawa ko, kayo talaga. Masyado kayong ma-drama sa buhay, Mang Pedro. Itigil niyo ‘yan,” pang-aasar pa ni Valeen sa matanda. “Loko-loko ka talaga kahit kalian. Pero palagi kang mag-iingat, Hija. Alam mo naman ang lugar natin, madalas pinag-iinitan ng mga pulis. Ang tingin nila sa lahat ng mahirap, kumakapit sa patalim at gumagawa palagi ng masasama,” payo pa nito. “Ayos lang naman po ako. Wala naman po silang mapapala sa akin kahit na itaktak pa nila ako rito. Wala lang naman po kasing mahuli ang mga magagaling na Pulis na ‘yon kaya tayong mga simpleng mamamayan ang pinag-iinitan,” kampanteng sagot lang ni Valeen. “Pero mag-ingat ka pa rin, Hija. Mahirap kalabanin ang mga nasa posisyon. Alam mo naman na tayong mga mahirap ang palaging kawawa sa ganitong sitwasyon. Wala tayong sapat na pera para ikuha ang mga sarili natin ng abogado na magtatanggol sa atin,” payo pa rin nito. “Tatandaan ko po ‘yan, Mang Pedro. Maraming salamat po sa pag-aalala ninyo,” nakangiting tugon naman ni Valeen. Matapos niyang ihatid ang matanda sa kalsada ay muli naman siyang bumalik sa pagkain niya ng almusal. Inubos niya ang dalawang piraso ng pandesal at sinimot ang natirang kape. Nakatambay lang siya sa tapat ng tinutuluyan niyang kwarto sa baba. Nag-o-obserba ng mga dumadaan. Maya-maya pa naman kasi ang pasok niya sa trabaho. Habang naglalakad papunta sa trabaho niya sa isang Milktea/coffee shop, muli na naming hinarang ng dalawang pulis si Valeen. Kaagad naman siyang huminto para harapin at kausapin ang mga ito. “Magandang umaga po, mga Sir!” bati pa kaagad ni Valeen sa dalawang Pulis na palaging humaharang sa kanya. “Wala ka pa rin bang aaminin o isusuplong sa amin ngayon, Valeen?” Tanong ng isa sa mga ito. “Aaminin? Wala naman po. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin po alam kung ano ba ang mga sinasabi ninyo,” inosenteng tugon lang din naman niya sa mga ito. “Magaling ka, pero tandaan mo, walang sikretong hindi nabubunyag. At kapag nangyari ‘yon, hindi mo na kami madadaan pa sa matinong usapan,” payo pa ng isa sa mga ito. “Naku, tatandaan ko po ‘yan. Huwag po kayong mag-alala. Isinasapuso ko po ang lahat ng mga payo ninyo sa akin,” nakangising sagot lang naman ni Valeen. Tumalikod na siya at narinig pa niyang nagbubulungan ang dalawang pulis na kausap niya kanina. Wala naman na siyang pakialam sa mga ito. Hangga’t hindi siya dinadampot at ikinukulong, wala siyang problema. Wala siyang dapat na ikatakot.   - Nico decided to roam around the city. Sunud-sunod kasi ang mga krimen sa kalapit na lugar ng nasasakupan nila. Lahat ay may kinalaman sa drugs. r**e, robbery, assault, name it. Lahat ay dahil sa nakadroga ang suspek.  Gabi na, ngunit parang hindi naman alintana ng karamihan ang dilim sa paligid. Ang iba ay nagkukumpulan pa rin sa isang gilid. May mga nagtitinda, kumakain ng pares sa gilid, mga nag-iinuman sa harap ng tindahan. Ngunit ang pumukaw sa atensyon niya ay ang dalawang pulis na tila seryosong nag-uusap habang humihithit ng sigarilyo sa gilid ng poste. Dahan-dahan siyang lumapit rito para sana makibalita sa lugar ngunit hindi niya inaasahan ang narinig. "Sabi ko kasi sa'yo, barilin na lang natin 'yong Valeen. Sabihin na lang natin na nanglaban siya, nang-agaw ng baril at sinubukang tumakas. Para case closed na. Isang taon mahigit na ang lumipas, hindi naman natin mahuli sa akto ang babaeng 'yon. Pero malakas ang kutob ko na siya talaga ang p****r sa lugar na 'to eh," saad pa ng isa. Napahinto si Nico sa paglalakad nang dahil sa narinig na usapan. Napakuyom pa nga ang mga kamao niya. Hindi niya kilala ang dalawang pulis, pero tiyak siya na sa malapit na istasyon lang din ang mga ito. Nagpasya siyang huwag nang lumapit sa dalawa, bagkus ay nakinig na lamang siya sa usapan ng mga ito. Inalam niya ang masamang balak ng dalawang pulis.  He wanted to punch their faces. Pero hindi muna niya gagawin. Baka siya pa ang makasuhan dahil wala naman siyang ebidensya sa mga pinagsasabi ng mga ito. He will gather evidence first, and he will make sure to make them pay. Ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang mga mapagsamantalang pulis. Mga nanglalamang sa kapwa. Mga gumagamit ng kapangyarihan para maapi ang iba na walang laban sa kanila. All suspects will remain innocent until proven guilty by the court. Kaya maraming mamamayan ang walang tiwala ngayon sa mga kapulisan dahil sa ibang dumudungis sa dignidad ng karamihan. Ang puting damit, kapag nagkaroon ng isang maliit na mantsa, kahit ano pang gawin mo, sadyang masagwa na tignan. Dahil wala namang ibang gagawin ngayong gabi si Nico, sinundan niya ang dalawang pulis. He will check if they will execute their evil plan. Wala naman siyang pakialam sa ibang bagay, basta susundin niya ang prinsipyo niya. Wala siyang inaatrasan na laban. "Oras na dapat ng uwi ni Valeen ngayon. Sigurado ako na dadaan siya rito maya-maya lang," lahad pa ng isang pulis.  "Wala na ba talagang atrasan 'to?" tanong naman ng isa pa. "Gusto mo pa bang patagalin ang kaso na 'to?" tanong muli ng nauna. "Siyempre, hindi," mabilis na tugon naman ng pangalawang pulis. Nakatago ang dalawa mula sa hindi kalayuan sa kalsada. Nico can read their lips. Hindi man niya naririnig ang usapan ng dalawa, nababasa naman niya ang sinasabi ng mga ito mula sa pagbuka ng mga bibig nito. Maya-maya lamang ay nagsikuhan na bigla ang dalawa. Na-alarma naman si Nico dahil nakita niyang tila may paparating na babaeng nakasakay sa bisikleta. Malamang ay ito na ang tinutukoy ng dalawa na si Valeen. Ang target ng mga ito. Walang kamalay-malay ang babae sa panganib na naka-abang sa kanya ngayong gabi. He can see from his position that the two policemen are preparing to shoot the woman. Papalapit na ito sa pwesto nila.  Nico's body reacted fast due to adrenaline. Tinalon niya ang babaeng nakasakay sa bisikleta at kasabay no'n ay ang isang malakas na putok ng baril. Bumagsak sa malamig na kalsada ang katawan ni Nico. Yakap niya ang katawan ng maliit na babae na nasa ibabaw niya na ngayon. Sinigurado niyang hindi ito masasaktan sa pagbagsak nila. "Shít! Sibat na tayo," rinig ni Nico na sabi ng isa sa mga pulis. Kahit na may iniindang kirot sa katawan ay mabilis na bumangon si Nico mula sa pagkakahiga sa kalsada. Itinayo rin muna niya ang dalaga. "Ayos ka lang ba? Pasensya ka na, wala nang oras kanina para ma-warning-an ka," paumanhin niya pa sa dalaga. Hindi na niya hinintay pang makasagot sa kanya ang dalaga. Mabilis niyang tinakbo ang lokasyon ng dalawang pulis. "Freeze! Both of you, stop where you are. Don't move or I'll shoot you," deklara pa ni Nico habang nakatutok ang baril niya sa dalawa. Kaagad namang huminto ang dalawa at nakangiting humarap sa kanya. "Who do you think you are? You are threatening a police officer. Pwede kang makasuhan sa ginagawa mo ngayon," pagyayabang pa ng isa sa mga ito. Hindi kasi naka-uniporme si Nico dahil off duty naman na siya mula pa kanina. Kaagad niyang inilabas ang badge niya. "Police Captain Nicolaz Mendez. Now identify your rank and names," pakilala niya pa. Napa-atras ang dalawa. Sinubukan pa nga ng mga ito na tumakbo ngunit nagbigay ng warning shot si Nico kaya muling huminto ang mga ito. "Don't mess with me. Kanina pa mainit ang ulo ko sa inyo. I overheard your conversation and your evil plan on that woman. Kaya kung ako sa inyo, hindi ko na dadagdagan pa ang magiging kaso ninyong dalawa," utos pa nito. Pinosasan niya ang dalawang pulis at kaagad namang binalikan at tinignan ang kalagayan ng babae. Bukod sa galos nito sa braso ay wala naman na itong iba pang natamo. Kitang-kita ni Nico na tila gulat ito sa mga kaganapan dahil hindi ito gaanong makapagsalita. Pero may iba pang bumabagabag sa isipan ni Nico ngayon. This woman looked familiar. Pero hindi niya masiguro kung ito nga ba at ang babaeng nasa isip niya ay iisa o magkaiba. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD