Chapter 2
Nico called his men to clean up the mess of the two police officers. Inaalok niyang magpunta sila sa ospital ng babae ngunit tumanggi ito kaagad sa kanya. Sabi nito ay ayos lang naman daw ito at uuwi na lamang sa bahay.
"Sandali," awat pa ni Nico sa dalaga.
Huminto naman ito at muling hinarap si Nico.
"Hindi mo ba ako naaalala o namumukhaan?" tanong pa ni Nico rito.
Kumunot pa nang bahagya ang noo ng dalaga habang nakatingin sa mukha niya.
"Hindi po. Magkakilala po ba tayo? Parang ngayon ko lang naman po kayo nakaharap," magalang na sagot pa nito sa kanya.
"Sigurado ka?" tanong pa rin ni Nico.
Tumango lang naman ang dalaga sa kanya.
"Kung may kailangan ka, o kung maisipan mong magreklamo, tawagan o i-text mo lang ako. Ito ang number ko," bilin pa ni Nico.
"Maraming salamat po ulit sa tulong niyo, Sir," tugon pa ng dalaga.
"Nico na lang, Valeen. Sige na, umuwi ka na para magamot 'yong sugat mo," utos pa ni Nico.
"Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong ni Valeen.
"I heard them called you Valeen while they are plotting their evil plan on you," paliwanag naman ni Nico.
"Ah, okay po," tugon lang nito.
Tumalikod na ito at hinila-hila ang nasirang bike dahil sa insidente kanina. Samantalang nakatanaw lang naman si Nico sa palalayong bulto ng dalaga.
"I can feel that she was the woman that night. I just don't have the evidence to prove it," bulong pa ni Nico sa sarili.
Ikinibit na lamang niya ang balikat at umalis na rin sa lugar ng krimen. He will be very busy tomorrow, that's for sure. Pero iniisip pa rin niya kung hindi nga ba talaga siya kilala ng babae kanina.
Kinabukasan, inasikaso kaagad ni Nico ang kaso ng dalawang pulis na nagtangkang pumatay sa babaeng si Valeen. Itinatanggi ng dalawang kumag ang akusasyon ni Nico. Pero nang ilabas na niya ang CCTV footage na kuha sa kalapit na tindahan sa crime scene, wala nang nagawa ang mga ito kundi ang umiyak at magmakaawa na bigyan sila ng isa pang pagkakataon.
Hindi nagsampa ng kaso si Valeen dahil mukhang takot ang dalaga, pero hindi papalusutin ni Nico ang dalawang 'yon kaya naman makukulong pa rin ang mga ito at maghihintay ng desisyon ng korte kung mananatili pa ba sila sa serbisyo o hindi na.
Pagprotekta sa mga mamamayan ang sinumpaan nilang tungkulin, hindi ang kabaliktaran. Hindi mo dapat ipahamak ang kapwa mo dahil lang nahihirapan ka na sa isang kaso. Hindi sapat na dahilan ang gawing pansamantalang solusyon ang isang krimen para lang magmukha kang magaling sa trabaho. He will never use someone just to look excellent in anybody's eyes.
Marami na nga ang kumu-question sa kakayahan niya dahil lang daw apo siya ng dating Heneral at anak ng mataas na ranggo na pulis, kaya na-promote siya. Hindi niya hilig pumatol, mas gusto niyang kainisan siya ng iba. Hindi naman kasi nito alam ang buong kwento ng mga pinagdaanan niya. At hindi niya pag-aaksayahan ng oras ang iba para lang ipaliwanag ang saloobin niya.
-
"Madam, pinapauwi na po kayo ni Don Hermes," pakiusap ng lalaking naghatid lang sana ng pagkain niya sa bahay.
"Paano nalaman ni Lolo ang nangyari sa akin kagabi, Hanz?" natatakang tanong ni Valeen sa lalaki.
"Alam niyo naman po ang Don, daig pa po no'n ang CCTV. Saka marami pong tauhan dito si Manuel. Mas mahigpit pa nga po 'yon kaysa sa Lolo niyo eh," kwento pa ni Hanz sa kanya.
"Lintek na Manuel talaga 'yan eh," bulong ni Valeen.
Si Manuel ay isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ng Lolo Hermes niya. Umalis muna siya sa puder ng Lolo dahil gusto niyang mamuhay nang tahimik at mag-isa. 'Yong malayo sa mga namamanipulang isip. Pero kahit na lumayo, ibang panganib naman ang bumubuntot ngayon kay Valeen. Kagaya nga ng nangyari sa kanya kagabi.
"Umuwi na lang po muna kayo sa mansyon, Madam. Mananagot po kasi ako kay Done Hermes kapag hindi kayo umuwi," pakiusap pa ni Hanz.
"Uuwi ako saglit pero hindi ako babalik do'n for good. Ipapakita ko lang kay Lolo na buhay pa naman ako at humihinga," tugon ni Valeen sa lalaki.
Tumango naman ang lalaki sa kanya. Mabilis na nagpalit si Valeen ng damit upang sumama kay Hanz. Naglakad sila ng halos labinglimang minuto. Mahigpit na binilinan niya kasi ang lalaki na huwag magpapark sa malapit sa tinutuluyan niya. Ayaw niyang mas lalong umingay ang pangalan niya dahil sa mga tauhan ng Lolo niya.
"Ayaw niyo pa rin po ba kay Manuel hanggang ngayon, Madam?" usisa ni Hanz habang nasa biyahe sila.
"Ikaw ba? Gusto mong makatuluyan ko ang lalaki na 'yon?" balik na tanong din ni Valeen sa kausap.
"Hindi naman po importante ang opinyon ko. Kahit naman po sino ang maging asawa ninyo, pagsisilbihan ko pa rin po ang pamilya niyo, Madam," mabilis na tugon nito.
"Kainis! Dapat sinabi mong kontra ka. Para naman may kakampi man lang ako kahit isa," reklamo pa ni Valeen.
"Pasensya na po," tugon lang ni Hanz.
"Okay lang. Ano ka ba? Masyado ka pa ring pormal sa akin. Magkasing-edad lang naman tayo, Hanz. Itigil mo 'yang pag-po mo sa akin. Gusto mo na rin bang magmano? Parang Tita o nanay mo ako eh," nakatawang sagot pa ni Valeen.
"Baka po kasi marinig ni Manuel, isipin niya na feeling close po ako sa inyo," paliwanag pa nito.
"Wala naman si Manuel dito eh. Kapag tayong dalawa lang, ituring mo akong kaibigan. Kapag nandiyan 'yong asungot na si Manuel, sige magpanggap tayo," tugon pa ni Valeen.
"Ayos lang po ba 'yon, Madam?" tanong pa muli ni Hanz.
"Madam pa rin?" tanong pa ni Valeen.
"Ay, Valeen pala. Sige po. Este, sige," pagtama naman ni Hanz.
"Ayan. Ganyan nga. Isa ka sa mabait na tauhan ni Lolo. Kaya gusto ko kaibigan kita, Hanz. Kasi gagamitin kita pagdating ng panahon. Joke lang," lahad pa ni Valeen.
Ngumiti lang naman sa kanya si Hanz. Double meaning si Valeen sa sinabi niya. It was partly true. Nagagamit naman kasi talaga niya si Hanz madalas. Ito pa nga ang nagtatakip sa mga kalokohan niya na ayaw niyang makarating sa matanda. Ngunit sadyang may nagmamagaling lang talaga, at si Manuel 'yon.
She's the granddaughter of Don Hermes, Boss and one of the co-founder of El Bandidos. One of the biggest organization in the country. Si Valeen ang isa sa nakapila na susunod sa yapak ng Lolo niya ngunit tila wala naman sa loob niya ang sumunod sa mga ito. Hindi pa muna sa ngayon. She has been trained to fight at a very young age. But she would rather sit down and read a book or watch movie series on the television.
Does she have a choice? Of course, none. Umayaw man siya o hindi, nakaguhit naman na sa mga palad niya ang tadhana niya. She will take over the position once her grandfather retires. Kaya sa ngayon? Sinasamantala na muna niya ang panandalian niyang kalayaan. Nagpapasaway na siya at ginagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin habang pwede pa.
Is she involved in the drug dealing around the city? Not yet. Wala siyang kinalaman sa talamak na bentahan ng shabu at kung anu-ano pa kagaya ng bintang sa kanya ng mga pulis. Wala pa sa ngayon. But she will be involved soon.