Kabanata 4

1859 Words
Maxine Lagera... Wala siyang kainte-interest sa nababasa. Gusto niya lang alamin ang lahat dito upang alam niya kung paano ito aatakihin. Kung inaakala nitong nanahimik na talaga siya, puwes, nagkakamali ito. Dahil nagsisimula pa lang siya! Simpleng babae lang ito pero mayaman. Ngunit mas di hamak na mayaman pa rin siya. Kaya hindi niya tuloy maisip kung ano ang pwede nitong ibayad sa kanya. Hindi sapat ang pagkakulong nito sa kinuha nito sa kanya. At sa nakikita niyang impormasyon dito ay wala namang bagay na pwedeng pag-interesan dito. Ang huling pahina ng papel ay larawan ng isang babae. Aaminin niya, ito ang babaeng pinakamagandang nakita niya sa tanang ng buhay niya. Mas maganda pa ito sa asawa niyang si Grace.   Tinignan niya ulit ang unang pahina at nakita niyang single ito at hindi pa married.   May isang ideya ang naglaro sa isipan niya. Napangisi siya at inilagay sa mesa ang papeles.  Bakit nga ba, hindi?  Tutal alam naman niya na kahit anong mangyari ay hindi matutumbasan ng pagkakakulong nito ang dalawang buhay, bakit hindi nito palitan ang winala nitong buhay?  Muli niyang tinignan ang napakaamong mukha ni Maxine.  Kinuyom niya ang kamao at muling tumayo upang dumungaw sa bintana.   "Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang pagpatay sa mag-ina ko, Maxine Lagera! Ikaw. Ikaw ang magbibigay sa akin ng panibagong anak!" tiim-bagang na pangako niya sa sarili.   HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mapalagay ang kalooban ni Maxine. Oo nga't ilang buwan na ang nakakalipas simula nang mangyari ang insidente, at hindi naman nagpaparamdam ang biyudo, pero hindi niya pa rin maiwasan hindi kabahan. Napaparanoid siya. Naiisip niya na anumang oras ay biglang may mapupulot siyang papel galing sa korte. Natatakot siya sa magiging kinabukasan niya. Ayaw niyang makulong. Alam ng Diyos na hindi niya ginustong makapatay ng tao, lalo na ng isang inosenteng bata. At kung maibabalik lang sana niya ang panahon ay mas nanaisin niya pang siya na lang ang mamatay kaysa habang buhay niyang dala-dala ang mabigat na konsensya. Bagama't mas maayos na ang pakiramdam niya at hindi na siya masyadong depress, hindi na mawawala sa kanya ang weirdong pakiramdam.  At hindi pa nakakatulong sa kanya ang nobyong si Jack. Ni minsan ay hindi man lang siya nito dinamayan o kinamusta simula noong aksidente. "Of course, bakit ka naman niya pupuntahan, Maxine? Sa paningin ni Jack, mamamatay tao ka," mapait na sabi ng isang bahagi ng utak niya. Pero hindi siya mamamatay-tao. Hindi niya ginusto mangyari ang aksidenteng 'yon. Sa totoo lang, mas gugustuhin niyang mamatay na lang ngayon kaysa ang makulong. Kung bakit ba kasi hindi na lang siya ang kinuha at 'yung mag-ina pa! Sabi ng kanyang papang, makapangyarihan daw na lalaki ang biyudo. Hawak nito ang isa sa pinakamalaking insurance company sa bansa. Hindi naman papahuli ang yaman ng kanilang angkan, ngunit kung buong assets and worth net ang paguusapan, di-hamak na mas mayaman si Dimitri Finnegan. At ano ba ang hindi pa nagagawa ng pera ngayon? Wala na yata. Kahit nga ang kaligayahan ay kayang bilhin ng pera. "Anak, mukhang malalim ang iniisip mo..." bungad sa kanyang ni Nanay Ina. Si Nanay Ina ang matandang katiwala nila. Halos pangalawang ina na niya ito dahil baby pa lang siya ay nagtatrabaho na ito sa pamilya nil Nagusot ang mukha ng dalaga at nanubig ang mga mata. "Nay... h-hindi ko na po alam ang iisipin ko. Natatakot po ako," pag-amin niya. Napabuntong-hininga ito at nilapitan siya. Hinagod ang likuran niya. "May awa ang Diyos, anak. Alam kong may dahilan ang lahat kung bakit nangyayari ito sayo ngayon. Nalulungkot ako sa pagkamatay ng dalawang inosenteng tao, pero alam kong kung maibabalik mo lang ang lahat, hinding hindi mo hahayaan na mangyari ito. May solusyon sa lahat ng bagay, anak. Magtiwala ka lang at manalig," "Ayaw ko pong makulong 'nay, mas gugustuhin ko na lang po ang mamatay tutal deserve ko 'yon..." napasinghot siya. "Huwag mo ngang sabihin 'yan! Tanging ang Diyos lamang ang may karapatan humusga sa bawat pagkakamali natin. Maaring sa batas ng tao, isang malaking krimen ang nagawa mo, pero alam kong hindi natutulog ang Diyos, anak. Anuman ang mangyari ay harapin mo ng buo at may paninindigan. Parehas lang akong naaawa sainyo ng biktima, at 'yung biyudo..." Niyakap siya nang mahigpit ng matanda. Pinapagaan ang kalooban niya. "Siya nga pala, bakit hindi ko pa nakikita ni minsan na dinalaw ka rito ng nobyo mo, hija?" Wala sa sariling nag-angat siya ng tingin. Paano niya ba sasabihin sa matanda na simula noong nangyari ang aksidente ay para siyang may nakakahawang sakit kung layuan ni Jack? Ni hindi nga ito tumatawag o nagte-text sa kanya. Ni hindi man lang nito tinanong kung kamusta na siya at napilayan niyang katawan. Pilit na lang niyang iniintindi dahil baka nagulat talaga ito sa kinasangkutan niyang sitwasyon. Pero hindi ba't dapat ngang mas maramdaman niya ang suporta nito at may kakampi siya? Hindi 'yung ganito. Parang nangangapa siya kung ano ang mangyayari sa relasyon nito. Pagkatapos nitong sabihing i-postpone muna ang kasal ay wala na siyang narinig pa buhat dito. Ayaw niyang isipin na tinalikuran na siya ni Jack. Pero sa lumalabas ay parang ganoon na nga. "B-Busy siya 'nay..." pagtatakip na lang niya sa kasintahan. Napailing si Nanay Ina. "Walang taong busy sa taong nagpapahalaga sayo, anak. Maano bang dalawin ka rito kahit saglit lang? Hindi husband material 'yang nobyo mo, 'nak. Sabi sa kasal, sa hirap at ginhawa, ngayon pa lang na hindi pa kayo kasal at nasa hirap, ganyan ka na niya talikuran? Paano pa kapag mag-asawa na kayo? Mas malala pa ang gagawin niya. Kaya pagisipan mo mabuti," payo nito sa kanya. Na-a-appreciate niya naman ang payo ng matanda. At nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi siya tinalikuran ng kanyang pamilya sa ganitong pagsubok.  Huminga siya nang malalim. "Siguro ho eh kinailangan niyang hanapin ang sarili niya. Naiintindihan ko naman op siya, 'nay. Pero siguro ngayon kailangan ko na pong harapin si Jack at ang relasyon namin," Tumango ito. "Sige, kung 'yan ang sa tingin mo, mabuti rin 'yon para naman makalabas-labas ka, aba eh, simula noong aksidente kahit kailan hindi ka na lumabas ng bahay, ah! Nakaburo ka na lang lagi sa kwarto mo," Inilihis na niya ang usapan. "Sige po, maliligo lang ako at pupuntahan ko si Jack," "O siya, sige. Mag-iingat ka, ha? Ako naman ay magpapahinga muna, sumakit ang balakang ko sa pagwawalis ng hardin kanina,"  ~ KINAKABAHANG napalunok si Maxine nang nasa harapan na siya ng condo unit ni Jack. Hindi niya ma-explain ang kakaibang kaba na nararamdaman niya ngayon. Kahit kailan ay hindi pa naging ganito ang pakiramdam niya. Ngayon pa lang. Inisip na lang niya na sa tagal nilang hindi nagkita ng nobyo kaya marahil ay ganito siya. May sarili siyang duplicate key ng unit nito. Malaya naman kasi siyang nakakapunta sa mga property ng binata. Ganoon sila ka-open ni Jack sa isa't-isa. May dala siyang paboritong blueberry cheesecake na favorite ni Jack. Nagsuot din siya ng maganda at nagmake-up siya. Ayaw niyang magmukhang depress kapag nakita siya nito at baka mas lalong maturn-off ito sa kanya. Dahan dahan niyang binuksan ang unit. Tahimik na pumasok sa loob. Iniingatan na huwag gumawa ng kahit anong ingay. Patay ang ilaw sa sala. Walang bakas ni Jack. Gusto niyang panghinaan ng loob. Mukhang wala rito ang nobyo. Saan naman niya kaya ito hahagilapin? Napatingin siya sa bahagyang nakasiwang na pinto ng kwarto nito. One bedroom unit lang ang pad ni Jack.  Ibinaba niya ang cake sa center table at dahan dahang lumapit sa kwarto. Hindi alam ni Maxine kung OA lang siya o ano, pero nakaramdam siya ng kakaibang kaba. Lalo na nang makarinig siya ng kakaibang ingay. Nanindig ang balahibo sa katawan niya. Hindi naman ipinanganak ng panahon ng medieval period para hindi mahulaan kung ano ang nangyayari sa loob. Alam niyang tanga siya. Pero, gusto niyang makompirma ng dalawang mata niya ang hinala niya kung bakit naging malamig sa kanya bigla ang nobyo. Manhid na kung manhid, pero gusto niya talagang malaman. Dahan dahan niyang tinulak ang pinto ng kwarto nito. At doon, nakita ni Maxine ang dalawang taong nagtatalbugan at pinapasaya ang mga sarili sa kama. Tila walang mga pakialam sa paligid ang mga ito at tuloy ang pagbibigay ng satisfaction sa bawat isa. Gusto niyang takpan ang dalawa niyang tenga upang hindi niya marinig sa tenga ang mga ungol ng mga ito. Namanhid ang buong katawan niya at tila na-glue sa kinatatayuan niya ang mga paa. Hindi siya makakilos. Para siyang estatwa.  Hindi na rin niya namalayan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya sa mata. Masakit. Napakasakit. Parang dinudurog ang puso niya paulit-ulit. Hindi siya makahinga. Parang may sumasakal sa kanya. Ang init init ng paligid ng mata niya, at parang ngayon ay mas gusto niyang totohananin ang lahat at pagsasaksakin ang mga ito. Ganito pala ang pakiramdam ng pagtaksilan. Nangdidilim ang paningin niya. Abot-abot lamang ang pagpipigil na ginagawa niya dahil kahit papano ay may natitira pang katinuan sa utak niya. Napasigok siya dahil pinipigilan niya ang paghikbi. Doon naging aware ang dalawa na may taong iba sa kwartong 'yon. Sabay pa na napatingin sa kanya si Jack at ang babaeng kalaguyo nito. Gulat na gulat na napatayo si Jack at mabilis na hinugot ang p*********i sa babae. Hinaklit nito ang kumot at ibinalabal sa katawan. "M-Maxine!" gilalas na sambit nito. Hindi siya nagsasalita, pero kung nakamamatay lamang ang titig, natitiyak niyang kanina pang nasunog ang mga ito. Bakas na bakas sa mukha niya ang labis na galit at paghihinanakit. Lumambong ang mukha ni Jack. "M-Maxine, magpapaliwnag ako---" "Oh, come on, Jack! Ano pa ba ang ipapaliwanag mo sa kanya? Wala! Let her go! She's a murderer naman eh," maarte at nakangising sambit ng babaeng hindi niya kilala. Bakit alam ng babaeng ito ang tungkol doon? Sinabi ba ni Jack? Punong-puno ng panguusig ang mga mata niya. Kitang kita ng lalaki ang hinanakit sa mga mata niya. "Shut up, Chloe!" Singhal dito ni Jack. Naninikip ang dibdib na nilisan at tinakbo ni Maxine ang daan palabas. Hinabol naman siya ni Jack kahit tanging kumot lang ang nakatakip dito. Gigil na napasigaw naman sa frustration ang babae sa kwarto. Hinaklit ni Jack ang braso niya. "Wait, Max, magpapaliwanag ako---" Hindi niya magawang sampalin ito. Basta, pakiramdam niya, drain na drain siya ngayon. "Hindi mo kailangan magpaliwanag, Jack. Nakita na ng dalawang mata ko. Hindi mo kailangan magpaliwanag sa aksyon na sigurado akong ginusto mo. Tama naman. Mas bagay nga kayo. Hindi ka bagay sa akin na isang mamamatay-tao," hindi niya naiwasan na maging tunog mapakla ang salita niya. Umiling ito. "No, Max, hindi ganoon---" Huminga siya nang malalim. "Tapos na ang lahat sa atin, Jack. Kinumpirma ko lang. Nagtataka ako bakit hindi mo ako dinadalaw, may iba ka na palang pinagkakaabalahan," Dumaan ang matinding guilt sa mukha nito. "Max---" "It's okay, Jack. Huwag mo nang sayangin ang buhay mo sa isang babaeng mamamatay-tao," Hindi naman sa nagse-self pity siya, pero sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay niya, talagang mararamdaman niya 'yon. Tumalikod na siya at humakbang palabas. Kasabay ng paglakad ng kanyang mga paa, ay ang pagtulo ng masaganang luha sa mga mata niya... ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD