CHAPTER 2

1444 Words
5 Months Later .. "Xhin, tapos na ikaw? Breakfast is ready!" kinatok niya ang pinto sa kwarto ni Xhinia. Siya kasi ang nauunang magising sa kanilang dalawa. Sa loob ng limang buwan nakaka-adjust na siya. Nasasanay na siya na kasama si Xhinia. Iyong akala niyang mananatili lang siya ng tatlong buwan sa condo ni Xhinia pero ang inaasahang tatlong buwan ay naging lima. Masaya siya at walang mapaglagyan ang saya niya. Lalo na at sa susunod na buwan na magsisimula ang klase nila. Excited na siyang pumasok at makakilala pa ng ibang kaibigan. "You looked puyat? Natulog ka ba ng maayos?" tanong niya kay Xhinia ng makababa ito. "As always, tinapos ko iyong pinapanood kong kdrama." tamad na tamad itong umupo. "Coffee?" "Yes please, Thank you Manang." "Aish! You always call me Manang." nakangiwing sabi niya pa kay Xhinia. "Yes you're Manang. Tingnan mo nga damit mo masyadong makaluma" lagi na lang siyang sinusuway ni Xhinia sa pananamit niya. "Oh please, removed that glasses. Hindi bagay sayo maging Nerd look" dagdag pa nito. "Makaluma?" "Old fashion gan'on te!" "Ang judgemental mo Xhinia. I love wearing this kind of dress. And I'm not comfortable wearing a dress like that!" taas kilay niyang tinitigan ang damit na sinuot ni Xhinia. "Whatever, just sit and let's eat." ganoon nalang sinabi ni Xhinia para hindi na sila magtalo pa. Habang tumatagal ay nakikilala niya ugali nito. Hindi lang ito maarte masyado pang prangka. Iyong tipong pinupuna niya ang mga ayaw niya at paprangkahin ka. Kasi nga mas mabuti na daw iyong sa kaniya manggaling ang pamumuna sa kaniya kaysa iba pa ang magsabi. Mas mabuti iyong aware siya. Hindi naman niya masisisi si Xhinia dahil doon. Kagustuhan niyang huwag tumulad sa ano mang nauusong kasuotan sa bansang ito. Hindi rin dahil gusto niyang ipahiya ang sarili sa lahat. Kundi dahil kailangan niya muna itago ang pagkatao sa iba lalo na kay Xhinia. Pero wala naman siyang balak itago talaga habang-buhay ang tungkol doon. Gusto niya lang mas mabuo iyong tiwala niya kay Xhinia saka niya sasabihin kung sino talaga siya at ano ang dahilan niya sa lahat ng ito. Matapos nilang mag-agahan ay nagpaalam si Xhinia na uuwi muna sa bahay nila babalik din daw ito pagka-hapon. Siya na naman mag-isa sa condo. Kaya naisipan niyang lumabas nalang at mamasyal. Sinubukan niyang pumunta sa book store baka may maisipan siyang bilhin na magagamit niya sa pasukan. Habang nagtitingin ng mga libro, naisipan niyang bumili ng mga story books. Nakasanayan na kasi niya bumili ng kung ano-anung libro. Sabi ni Xhinia sa kaniya makakatulong sa kaniya iyon para mas mahasa siya sa salitang tagalog. Nang akma na niyang kukunin ang librong napili ay may biglang umagaw naman nito. "Hey,ako una nakakita ng book na iyan." aniya sa lalaking may hawak ng libro. "Eh, nasa kamay ko na e kaya sa akin na'to." "What? That's mine." "Pumili ka nalang ng ibang libro Miss." Binalingan niya ang pinaglagyan ng libro na iyon nagbabakasakali kung may isa pang ganoon pero nabigo siya. Nag-iisa lang ang libro na iyon. Ayaw na niyang makipag-talo sa lalaki bukod sa hindi niya ito kilala ay baka mapahamak pa siya. Pabuntong-hininga siyang namili ng ibang libro. Iyon kasi ang umagaw sa paningin niya ang libro na iyon. Curious siya kung ano ang laman niyon base sa book cover nito. Pero inagaw naman ng iba sa kaniya iyon.Gusto niyang magmaktol para doon sa libro pero wala rin silbi dahil nasa kamay na iyon ng iba. Matapos niyang mamili ng libro ay nagpasiya siyang magtungo sa department store para mamili ng damit. May naitabi pa naman siya sa savings niya. Pero iniisip din niya na kailangan na niya siguro maghanap ng trabaho. Ang alam niya kasi ay nagpa-part time din si Xhinia. Kasi nga ayaw din nito umasa sa pera ng magulang niya. Ayaw daw nito na may maisumbat ang magulang. Sa isang bar nagpa-part time si Xhinia. Family friend nila ang may-ari niyon. Hindi nga lang niya alam anong trabaho ni Xhinia doon. Ayaw naman niya mag-isip ng hindi maganda dahil nga bar iyon. Hinayaan nalang niya kasi ayaw niya panghimasukan ang buhay ng iba. Pero hindi rin alam saan siya pwedeng mag-trabaho. Bukod sa wala siyang alam sa maliban sa pagluluto dahil hindi naman porque may kaya sila ay hindi na siya tinuruan ng gawaing bahay. Iyon nga lang ang ibang bagay na ginagawa ng iba ay hindi niya alam paano. Nagdadalawang-isip na naman siya sa mga plano niya. Ayaw niya humingi ng tulong sa mga pinsan niya dahil nasisiguro niyang hinahanap at pinapahanap na siya ng mga iyon. Tangging ang Ina lang niya ang may alam na umalis siya sa kanila. Dahil abala naman ang Ama niya sa maraming bagay at hindi talaga sila nag-uusap o nagkikita man lang. Kaya nasisiguro niyang hindi pa alam niyon na wala siya doon sa kanila. Pero pagdating sa mga pinsan niya ay sigurado siyang wala siyang ligtas. Malapit siya sa mga iyon at halos lagi siyang kinakamusta. Limang buwan na ang nakalipas. Wala siyang naging balita pa doon. Pinalitan niya na din ang numero niya dahil iba ang numero sa bansang ito na pinuntahan niya. Pinili niya rin dito dahil ito lang ang lugar na hindi maiisipan ng pamilya niya na pupuntahan niya. Hindi rin niya maikakaila na namimiss niya ang pamilya niya lalo na ang Ina niya. Ito lang kasi ang nakakaintindi sa kaniya. Hindi tulad ng Ama niya na ang kapakanan lang ng sarili ng iniisip. Minsan na niyang tinanong ang sarili kung bakit ganoon nalang sa kniya ang Ama niya. Mula noong bata pa lang siya ay wala naman siyang sinuway na utos nito. Matapos niyang makontento sa pamamasyal saka siya nagpasiyang umuwi. Malapit na din dumilim sa isip niya ay baka pauwi na rin si Xhinia. Siya ang gumagawa ng gawaing bahay bilang kabayaran sa pagtulong at pagpapatira ni Xhinia sa kaniya sa condo nito. "Manang.." tawag sa kaniya ni Xhinia pagdating nito. "Akala ko hapon ka uuwi ginabi ka yata Xhin? Kumusta lakad mo?" "Hay! Naku kasi tumawag iyong manager sa Bar na pinagtrabahuan ko pinapunta ako. May meeting na ginawa baka ilipat daw kami ng branch." kunot-noo niya itong tinitigan habant nakikinig Minsan sa bilis magsalita ni Xhinia ay hindi niya naiintindihan mga sinasabi nito. Nagkukunwari nalang siyang naintindihan niya lahat ng sinabi nito kahit ang totoo ay iilan lang sa mga iyon ang naitindihan niya. "Kumain ka na ba? Magluluto pa ako kasi," "Mamaya nalang Manang magpapahinga muna ako saglit sumakit ulo ko." ani Xhinia, saka ito pumasok sa kwarto. Nagtataka siya, pakiramdam niya ay may ibang nangyare. Stress na stress kasi ang itsura ni Xhinia. Kung meeting lang ang pinuntahan niya ay sigurado naman siyang hindi ganoon ang itsura niya. Nakibit-balikat nalang siya at iniisip na baka napagod lang talaga iyon kaya ganoon. Tinuloy nalang niya ang ginagawa. KINABUKASAN, "Manang, hindi na ako kakain ah. Nagmamadali kasi ako ngayon kasi kami lilipat ng branch hindi ako pwedeng malate." Kumaripas palabas si Xhinia nang magpaalam sa kaniya. Hindi na niya ito nagawang tanungin sa pagmamadali. Nang tingnan niya ang orasan alas sais palang ng umaga. Kadalasan na alis ni Xhinia sa bahay ay alas nwebe. Nitong mga nakaraan ay hindi na talaga sila masyadong nakakapag-usap ni Xhinia. Bukod sa araw-araw itong umaalis ay gabi na rin ito halos umuuwi. Kadalasan pa ay tulog na siya ay hindi pa rin umuuwi ang kaibigan. Naiisip na naman niya ang pagpa-part time. Iniisip niya kung paano niya titimbangin ang oras niya sa trabaho at pag-aaral. Masyadong mahal ang tuition sa University kung saan siya mag-aaral. Iyong pagdodoctor ay hindi na muna niya itutuloy. Pinili niya ang business dahil alam niyang magagamit niya iyon kung sakaling babalik siya sa bansa nila. Kahit papano ay may mapatunayan man lang siya sa magulang kapag nangyare na ang araw na babalik siya doon. Pero isa sa mga dahilan niya kung bakit gusto niya may mapatunayan sa magulang dahil sa gusto ng Ama niya. Ayaw niya sa pagkokontrol nito sa buhay niya. Ayaw niya sa pagdedesisyon nito sa buhay at mga gusto niya. Gusto niya magkaroon ng normal na buhay gaya ng iba. Hindi dahil sa estado ng buhay na meron sila. Gusto niya maging simpleng babae gaya ng iba na walang pinapasan na mabigat na responsibilidad para sa pamilya. Pabuntong-hininga niyang nilingon ang letrato nilang magpamilya na nakalagay sa side table ng kama niya. Hanggang sa hindi niya namalayan na tumutulo na ang mga luha sa mata niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD