CHAPTER 1

1613 Words
Manila, Philippines Sept. 17, 2019 DALA ang maleta malalim na bumuntong-hininga si Aryaniah. Sa unang pagkakataon ay nakaapak siya sa lugar na wala siyang idea kung saan magsisimula. Tumingala siya, NAIA International Airport. Tama ang nabasa niya nasa Pilipinas na siya. Abot-abot ang kaba niya dahil bukod sa first time niya makapunta sa bansang ito ay wala din siyang kakilala. Bago paman niya napagdesisyonan na lumipad papunta sa bansang ito ay buo na loob niyang dito niya sisimulan ang bagong kabanata ng buhay niya. Gusto niyang mamuhay na malayo sa kinagisnan niyang buhay sa Italya. Gusto niyang mamuhay ng simply, iyong walang sinusunod na tradisyon. Walang magulang na nagdidikta kung ano at hindi dapat gawin. Palabas na siya ng airport nang may mabangga siyang babae. Nakasuot ito ng short, long sleve na damit at naka-eyeglass pa. "I'm sorry.." ani nito sa kaniya. "Are you okay?" tanong nito, sinilip ang mukha niya. Nakayuko kasi siya nahihiya at hindi malaman ang gagawin. Hindi niya alam ang salita sa lugar na ito pero nakakaintindi siya ng salitang ingles. "Yeah," "Tulungan na kita." sabi nito sa kaniya. Pero hindi niya magawang sumagot dahil hindi naman niya naiintindihan. "I can't understand.." "Oh! I'm sorry, Let me help you," muli nitong aniya. Saka nito pinulot ang hawak niyang passport at wallet. "Thanks." "Xhinia,by the way " pagpapakilala nito sa kaniya. "Niah, call me Niah." Nakipag-kamay ito sa kaniya. Tinanggap naman niya.Tinitigan niya ang mukha nito, medyo maano pero may pagka-masungit ang dating. Maganda ang hubog ng katawan kumpara sa kaniya. Medyo mataba ang pisngi at mamula-mula ang kulay ng balat. Tingin naman niya ay mabait ito. "Nice to meet you Niah," "Can I ask? this is the first time I have come to this country and I have no relatives here. Is there a hotel nearby that I can stay at?" iyon talaga ang una niyang naisip kanina pa pagkababa niya ng eroplano, kung saan siya tutuloy. Nag-isip muna si Xhinia bago ito sumagot sa kaniya. "Hmm, if you want, you can stay at my condo." Gusto niya sana tumanggi at sa hotel nalang mag-stay. Bukod sa bago niya lang nakilala si Xhinia. Nahihiya din siya sa ino-offer nito sa kaniya. Nagdadalawang-isip din siya kung mapagkakatiwalaan ba ito o hindi. Sinanay siya ng Ina niya na huwag agad magtitiwala sa mga bagong kakilala. Tiningnan siya ni Xhinia, "You can trust me, It's free don't worry." ibig-sabihin ni Xhinia sa kaniya ay libre ang ino-offer nitong tulong wala siyang hinihinging kapalit. Matagal bago siya nakapag-desisyon na sumama kay Xhinia. Medyo malayo din ang tinutuluyan ni Xhinia. Hindi niya alam saan iyon. Habang nasa byahe sila panay naman kwento ni Xhinia sa kaniya, siguro ay paraan din niya iyon para hindi sila mailang sa isa't-isa. Nang makarating sila sa condo kung saan tumutuloy si Xhinia ay tinulungan naman siya nitong ayusin ang mga gamit niya. Inayos na rin ni Xhinia ang iba pang kailangan niya. At nainform na din nito ang incharge sa condo na may kasama siya. "Can I stay here? maybe for three months, I will find another place where can I stay permanently. If it's okay with you?" Nahihiyang aniya, wala na din kasi siyang ibang maisip ng mga oras na iyon. Gaya ng sabi ni Xhinia sa kaniya delikado ang lugar lalo na't wala siyang kakilala at wala din siyang kamag-anak. Mahirap nga din talaga mag-umpisa. Kaya minabuti niyang hingin ang permiso ni Xhinia kung maaari bang manatili muna siya doon pansamantala habang wala pa siyang malilipatan talaga. "Of course, you can stay as long as you want, I thought you're here for a vacation. So you want to stay here for good?" "I don't know, But I want to continue my studies here, I heard theres a lot of universities here. And most of them give a higher quality of education." Tumango-tango naman si Xhinia sa sinabi niya. "Yes you're right. what course do you want to take?" "I want to be a doctor." sagot niya. "Wow, future doctor." manghang saad pa ni Xhinia sa kaniya. Puro kwentuhan lang sila nang araw na iyon. Habang tinutulungan siya mag-ayos ng mga gamit. Kinwento din ni Xhinia na mag-isa lang talaga ito sa condo niya. Nasa abroad ang parents nito, ayaw naman daw nito umuwi sa bahay nila dahil magka-away sila ng step-sister niya hindi nito kasundo ang ugali. Kaya minabuti niyang magsarili nalang at umalis sa bahay nila. Nag-aaral ito bilang isang Fashion Designer. Pangarap nito na sumikat lalo na sa ibang bansa at ibahagi ang pinag-aralan niya. Nahahalata naman niya sa porma palang ni Xhinia na magaling ito magdala ng damit, bagay na bagay sa kaniya. Tulad ni Xhinia ay ganiyan din siya manamit noong nasa italya pa siya. Ang kaibahann lang ay kailangan conservative pa rin kahit papano dahil may inaalagaan siyang pangalan at ayaw niya ipahiya ang mga magulang niya. Dumaan ang mga araw, linggo,buwan. Hanggang sa nasanay na siya kahit papaano sa pamumuhay niya. At lagi din siyang tinuturuan ni Xhinia ng sarili nitong salita. Para daw masanay siya dahil nga nagbabalak siyang mag-aral sa bansang ito, kaya minabuti ni Xhinia na turuan siya ng mga bagay na kailangan niyang matutunan. Sa una ay hindi naging madali, pero kailangan niyang magtiis. Dahil ito na ang pinili niyang buhay, ito na ang pinili niya para magkaroon siya ng pagkakataon para ipakita at patunayan sa mga magulang na kaya niya. Na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Ayaw niyang may maisumbat ito sa kaniya. Dahil sa pinili niyang lumayo at lisanin ang buhay na binigay sa kaniya ng mga magulang. Hindi naman sa sinusuway niya ang magulang, Nais lang niya makaranasan ang buhay na siya mismo ang magdedesisyon para sa sarili niya. Alam naman niya na kahit anong gawin niya, balang araw ay babalikan niya ang buhay na iniwan niya. Pero sa ngayon sarili muna niya ang gusto niya bigyan ng halaga. Hindi niya kasi iyon nagawa dahil kontrolado ng mga magulang niya ang lahat ng gagawin niya sa buhay. Wala siyang kalayaan magdesisyon para sa sarili. Pero hindi naman niya pinagsisihan ang mga iyon dahil alam niyang tungkulin niya iyon sa pamilyang kinabibilangan niya. Sadyang hindi lang niya naramdaman na may laya siya sa lahat. Kahit ayaw ng Ina niya ang desisyon niyang lumayo muna ay ipinilit pa rin niya ang gusto niya. "Ang aga mo nagising ah," ani Xhinia nang maabutan siya nito sa kusina na nagluluto. "Im planning to find a school where can I enroll, Need maaga para hindi mahirapan ako sa requirements." Nahihirapan man sa salitang tagalog ay sinusubukan pa rin niyang matuto. Magda-dalawang buwan palang siya sa puder ni Xhinia. Araw-araw ay inaaral niya ang mga tinuro nito sa kaniya. She even buy books na makakatulong sa kaniya para mas maintindihan niya ang salita sa bansang ito. Mga dictionaries, at iba't-ibang libro ang inaaral, binabasa niya. Pursigido siyang matuto, Nagawa niyang aralin ang iba't-ibang lenggwahe noong nasa Italya pa siya pero ang salitang tagalog ang hindi niya inaral bago siya pumunta dito. Kaya ngayon ay naging mahirap sa kaniya ang makipag-usap sa ibang tao lalo na't sabi ni Xhinia hindi lahat ng makakasalamuha niya sa bansang ito ay kayang umintindi ng salitang ingles. Hindi naman sa minamaliit niya ang mga kababayan nito. Pero nalulungkot din siya noong naikwento ni Xhinia sa kaniya na may ibang mamamayan sa bansang ito na hindi nakapag-tapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan. Naiisip palang niya kung siya ang nasa ganoong setwasyon kakayanin kaya niya? Marangyang pamilya ang kinagisnan niya kaya nalulungkot siyang may mga tao na hindi nakapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay. Buong araw siyang naghanap ng mapapasukang paaralan. Pero mas nalilito siya kung saan talaga. Sa dami ng sinuggest ni Xhinia lahat ng iyon ay naroon ang kursong gusto niya pero nahihirapan siyang pumili. Sa huli umuwi siyang hindi nakapag-enroll. Minabuti nalang niyang mag-research nalang muna kung alin sa mga napuntahan niya ang mas maganda para alam niya at wala siyang pagsisisihan alin man ang piliin niya. Natatakot siyang makagawa ng maling desisyon. Ayaw niyang magsisi sa huli dahil lang sa padalos-dalos na desisyon. Kung sabagay ay hindi rin naman siya pinalaking ganoon ng magulang niya. Pero gusto niya pa rin maging maingat sa lahat ng gagawin. Dahil walang siyang ibang maaasahan kundi ang sarili niya, higit kanino man walang siyang pwedeng pagkatiwalaan sa ngayon maliban sa sarili niya. Hindi naman sa ayaw niya magtiwala kay Xhinia, malaki ang utang na loob niya sa taong iyon. Dahil kung hindi dahil kay Xhinia malamang ay hindi niya talaga alam ano ang gagawin at saan magsisimula. Sa ngayon ay hindi pa gan'on kabuo ang tiwala niya, pero masaya siyang makatagpo ng kaibigan sa katauhan ng ni Xhinia. Masaya siyang may matatawag siyang kaibigan sa bansang ito. May mga kaibigan din naman siya sa Italya. Hindi lang basta kaibigan kundi kadugo niya mismo. Iba pa rin iyong may kaibigan kang nakilala mo lang nang hindi mo inaasahan. Handa kang tulungan na walang hinihinging kapalit. Lalo na sa panahon ngayon na hindi lahat ng makikilala mo ay matatawag mo agad na kaibigan o maituring man na totoong kaibigan. Mas mabuti pa rin iyong kikilalanin mo muna ng lubos. Iyan din ang isa sa habilin ni Xhinia. Huwag basta magtiwala lalo na kung lalabas siya ng bahay. Hindi niya kabisado ang lugar kaya dobleng pag-iingat ang kailangan gawin. Sinusunod naman niya ang payo ng kaibigan wala naman mawawala kung susubukan at susundin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD