PAG-ASA

1827 Words
NAPAUBO ako dahil sa malakas na pag-pump ng kamay sa pagitan ng bandang dibdib ko, kasabay ng pag-ubo ko ay siyang paglabas ng tubig-dagat mula sa bibig ko. Nang bahagya kong imulat ang aking mga mata ay nakita ko ang isang lalaki na nakatunghay sa akin. Hindi ko lang masyadong maaninag ang mukha dahil bukod sa blurry pa ang paningin ko ay may kadiliman din sa paligid. Hanggang sa binangon na ako nang lalaki, at nang tuluyan na akong makaupo ay hindi ko inaasahan ang pagtama ng malakas na sampal sa pisngi ko. “Are you going to kill yourself?!” galit na sigaw sa akin ng lalaki matapos ako nitong sampalin. Para akong nahilo, dahil bukod sa manhid pa rin ang katawan ko ay mas lalo lang nadagdagan dahil sa sampal ng lalaki, pati mukha ko ay namanhid. Hanggang sa naramdaman ko ang bigla kong pag-angat nang buhatin ako nito. Sinara ko na lang ang mga mata ko dahil nahihilo ako at blurry ang aking paningin kahit magmulat pa ako. Pero nang ibaba na ako ng lalaki ay siyang pagsinghap ko nang matuluan ako ng tubig. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nasa loob na ako ng shower room. “Linisan mo ang sarili mo kung ayaw mong maparusahan!” babala sa akin ng lalaki, na walang iba kundi ang nagngangalang Drew, bago ako nito iniwan sa loob ng bathroom. Ngunit imbes na maligo ay napasandal lang ako sa glass wall ng shower room at hinayaan ang pagtulo ng tubig sa katawan ko. Hanggang sa ang pagpikit ko ay tuluyan na akong hinila ng malalim na pagkakatulog. Nang magising ako ay mag-isa pa rin ako sa loob ng shower room at basang-basa. Kahit hinang-hina ay pinilit ko na lang kumilos at naligo; pinagsasabon ko ang katawan ko habang tahimik na umiiyak. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng p********e ko, parang bugbog sarado, mahapdi, at gano'n ang butas ng aking pang-upo, pati ang dalawa kong dibdib ay ramdam ko pa rin ang pamamantal na para bang may bibig pang nakasipsip doon. Nang matapos maligo ay sinuot ko ang gray bathrobe at paika-ikang naglakad sa pinto; marahan ko itong binuksan ng konti at sumilip. Pero walang katao-tao sa kuwarto pagsilip ko, at wala rin akong narinig na ingay. Kahit papaano ay nabawasan ng konti ang kaba ko at paika-ikang lumabas ng bathroom. Hindi ko pa rin mapigilan ang mapangiwi dahil sa hapdi ng pagitan ng hita ko, kumikirot sa sakit kapag lumalakad ako. Pagkapasok ko ng kuwarto ay nagpalinga-linga pa ako sa loob pero wala naman tao, kaya naman naupo muna ako sa gilid ng kama at napatingin sa kawalan, natulala. Nanatili muna ako sa loob ng kuwarto ng ilang minuto at nakiramdam. Natatakot akong makita muli ang mga lalaking 'yun, pero siguradong makikita ko ulit sila oras na lumabas ako sa kuwartong 'to o kaya kapag pumasok sila rito. Pero kahit anong gawin ko, hindi na siguro ako makawala pa rito. Baka ito na talaga ang kapalaran ko, ang magdusa habang nabubuhay. “Ang malas ko naman; malas na nga ako sa magulang, mamalasin pa pala ako sa buhay ng mas malala pa.” Marahan kong pinunasan ang kumawalang luha sa pisngi ko at tumayo na makalipas ang ilang minutong pagkatulala. Bahala na, kung ito na talaga ang kapalaran ko, wala na akong magagawa; baka ipinanganak talaga ako para magdusa lang. Pagkahawak ko sa doorknob ay hindi na ako sumilip pa at diretso nang binuksan ang pinto bago lumabas. Paika-ika akong naglakad sa corridor, pero pagdating ko sa lounge ay walang katahimikan ang bumungad, walang katao-tao sa loob ng yate. Mabilis akong tumakbo palabas; nakita kong umaga na pala at maliwanag na ang sikat ng araw. Nakahinto na rin ang yate sa gitna ng karagatan, pero nang mapatingin ako sa may 'di kalayuan ay parang may natanaw akong Isla. Para akong nabuhayan ng konti, pero nang maalala na hindi pala ako marunong lumangoy ay parang bumalik ang panghihina ko. Pero nasaan na nga ba ang mga tao sa yate na 'to? Bakit parang mag-isa na lang ako? “Pagkakataon ko na 'to, kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas at makarating sa Isla na 'yun, at nang sa gano'n ay makahingi ako ng tulong,” taranta kong wika at akmang tatakbo na para pumunta sa first floor ng yate, pero pagharap ko ay siyang pagsinghap ko sa gulat. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo na nakasuot ng puting uniporme. Kapitan yata ito ng yate base sa suot nitong uniform. Napalunok ako sa takot at napaatras nang marahan itong humakbang papalapit sa akin habang seryoso at may hawak kung anong hawak, parang isang susi. Nang mapansin nito ang pag-atras ay huminto naman. “Ang Isla na 'yun ay pag-aari nina boss at naroon silang lahat ngayon. Kaya kahit marating mo pa 'yun, wala ka pa ring kawala, mas lalo ka lang mapapahamak,” wika nito sa akin. Napahinto naman ako at muling napalunok. Capt. Charles Martin, 'yun ang nakalagay na name tag sa suot na uniform ng lalaki. “Ibig mo bang sabihin… t-tayong dalawa lang ang tao rito sa yate?” tanong ko na may panginginig pa rin sa boses. “Yes, pero huwag kang makakampanti, dahil ano mang oras ay maaaring may pumunta rito para kunin ka at dalhin sa islang 'yun.” Nanlaki ang mga mata ko. Hindi maaari! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at patakbong lumapit sa lalaki sabay luhod ng dalawang tuhod sa harap nito. “Pakiusap, patakasin mo na lang ako! Please, maawa ka sa akin! Natatakot ako na baka patayin nila! Please po, patakasin mo na lang po ako, sir!” Parang naman nagulat ang lalaki sa bigla kong pagluhod at pag-iyak sa kanyang harap. “Pasensya ka na, pero hindi ko magagawa ang hiling mo—” “Parang awa mo na, sir, patakasin mo na lang po ako, please po! Babayaran po kita kahit magkano...” Saglit akong natigilan nang maalala na wala nga pala akong pera dahil isang hampaslupa lang pala ako. “Wala po akong pera, pero kung gusto mo ng katawan ko, ibibigay ko sa 'yo; gamitin mo ako tulad ng ginawa nila, basta patakasin mo lang ako pagkatapos.” Napatitig sa akin ang lalaki, sa luhaan kong mga mata na nangungusap at nagmamakaawa sa kanya. “Pasensya ka na, pero hindi ako interesado sa katawan mo,” kalmado nitong sagot sa akin habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. “Huh? P-Pera ba ang gusto mo? Sige, bibigyan kita.” Mabilis akong tumango. “Magtatrabaho ako para mabayaran kita kahit magkano pa. Basta patakasin mo lang po ako rito! Parang awa mo na, sir!” muli kong pagmamakaawa habang nakatingala sa kanya at nakasiklop ang dalawang nanginginig na mga kamay. Ilang sandali pang napatitig sa akin ang lalaki, hanggang sa iniwas na ang tingin sa akin at isang mahinang buntong hininga ang pinakawalan. “Sumunod ka sa akin,” wika nito at tinalikuran na ako. Mabilis naman akong tumayo at dali-daling sumunod, pero nakadalawang hakbang lang yata ako at bumagsak na lang bigla dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Napaigik ako sa sakit dahil sa aking pagbagsak at mahinang napahikbi. Gayunpaman ay pinilit ko pa ring tumayo muli. Pero hindi pa ako tuluyang nakakatayo ay nang bigla na lang may mga matigas na bisig ang bumuhat sa akin. “S-Sir…” tangi ko na lang nasambit. Walang imik akong binuhat ng lalaki papasok ng yate at iniupo sa isang couch kung saan may luxury table na naroon. Matapos ako nitong paupuin ay agad na umalis, at nang bumalik ay may buhat na isang tray na naglalaman ng mga prutas at sandwich. “Kumain ka para magkaroon ka ng lakas.” Inilapag nito ang tray sa harap ko. At dahil gutom na gutom ako ay wala na akong inaksaya pang oras at agad kong nilantakan ng kain ang sandwich gamit ang dalawa kong mga kamay; wala na akong pakialam kung magmukha man akong patay gutom sa harap ng lalaki, basta kumain lang ako nang kumain, kahit puno pa ang bibig ko ay subo lang ako nang subo ng sandwich, hanggang sa nabulunan ako. Pero mabuti na lang ay mabilis na inabot sa akin ng lalaki ang isang bottle ng mineral water, kaya agad ko iyon ininom. Nang maubos ko ang tatlong apat na sandwich ay agad ko namang kinuha ang dalawang saging at binalatan bago sinubo ng mabilis sa bibig ko, nang matapos sa saging ay dinampot ko naman ang isang mansanas at 'yun ang nilantakan. Hanggang sa mapahinto ako nang mapatingin sa lalaking nasa harap ko na nakatingin pala sa akin, pinagmamasdan ako kung paano kumain na parang isang patay-gutom. Para akong biglang nakaramdam ng hiya. “P-Pasensya na po, sir, gutom po kasi ako, eh.” “It's okay, huwag kang mahiya sa akin. Kumain ka lang para mabusog ka.” Hindi ko na napigilan ang mapangiti ng konti. “Maraming salamat po sa pagkain, sir. Hindi ka lang po pala guwapo, kundi napakabait mo pa.” Sa sinabi ko ay bigla naman itong napatikhim at iniwas na ang tingin sa akin. Hanggang sa bigla na lang napatayo nang mapatingin sa ibang direksyon. “Paparating na sila, tapusin mo na ang pagkain mo.” “Po?” Nang mapatingin sa ako bintanang salamin ng yate ay may natanaw ako na dalawang maliliit na sasakyang pandagat ang paparating. Nanlaki ang mga mata ko at biglang nabitiwan ang hawak na mansanas kasabay ng aking pagtayo. Marahas na akong napailing at mabilis na humabol sa lalaki, humarang ako sa harap nito at mabilis na lumuhod. “Sir, please po! Please, please, please, patakasin mo na po ako, Sir Charles! Parang awa mo na po!” Muli na akong napaiyak. “Pasensya ka na, pero wala akong sapat na kakayahan para gawin 'yang hinihiling mo,” mahina nitong sagot habang nakatitig sa akin. Para akong nanlumo, pero gayunpaman ay hindi pa rin ako sumuko, bagkus ay niyakap ko na ang mga paa nito. “Gagawin ko po ang lahat ng gusto mo kapag pinatakas mo ako rito, sir! Please naman po, maawa ka na sa akin! Parang awa mo na, sir! Maawa ka po sa akin please! Siguradong pahihirapan nila po ako at papatayin!” pagmamakaawa ko pa rin habang umiiyak na at yakap na ng mahigpit ang kanyang mga paa. Pero binaklas nito ang mga kamay ko, hanggang sa pumantay na sa akin. “Please…” sambit ko sa huling pagkakataon habang naluluha ang mga mata. Napatitig ito sa akin ng ilang sandali, hanggang sa inangat ang isang kamay at marahan na pinunasan ang dumaloy na luha sa pisngi ko. “Pilitin mong mabuhay hanggang sa sumapit ang anniversary ng Isla, tutulungan kitang makatakas.” Matapos nitong sabihin iyon ay naglakad na ito palayo at iniwan akong nakaluhod. Hanggang sa dumating na ang mga kalalakihan sa yate at wala na akong nagawa nang damputin na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD