Hinila ako ni Drew sa parking lot, pero sa kabilang banda kami dumaan, bale umikot lang sa kabila dahil nasa kabilang banda ang mga kalaban. Napatay na yata ni Drew ang dalawang lalaking humabol sa amin dahil wala nang nagpaputok pa papunta sa amin; hindi ko na nagawa pang lumingon dahil sa takot. Hanggang sa huminto kami ni Drew sa isang mamahaling motorcycle at agad itong sumakay. Hindi ko na hinintay pang sabihin niya na sumakay ako, basta kusa na lang akong umangkas ng mabilis sa kanyang hulihan. At pagkasakay na pagkasakay ko pa lang ay agad na niyang pinatakbo ang motorcycle, mabuti na lang ay mabilis akong nakakapit sa kanyang suot na jacket kundi ay baka tumalipon na ako. Mas lalong bumilis ang takbo ng motor nang nasa highway na kami, kaya naman para makakapit ng maayos ay niyap