TAHIMIK lang ako habang nakaupo sa loob ng tumatakbong kotse; tahimik man ngunit kinakabahan naman, nakaramdam na naman ulit ng takot, at higit sa lahat ay dismayadong dismayado na naman dahil sa pagkabigo. Parang gusto ko na naman ulit maiyak, hindi dahil sa takot kundi dahil sa labis na pagkadismaya na, dahil talagang umasa ako. Akala ko kasi ay itatago ako ni Drew, pero mali pala ako, nagkamali ako ng akala sa kanya; umasa ako kasi talaga ako, nagtiwala sa kanya sa pag-asang tutulungan niya ako, itatago niya ako para maprotektahan. Pero sino nga ba naman ako para tulungan niya? Para protektahan niya sa kanyang mga kaibigan? Isa lang naman akong alipin na kanilang napanalunan sa larong 'yun, at ngayon ay ginawa nang alipin, isang alipin sa kama, parausan sa madaling salita. At ngayon