KAHIT papaano ay medyo okay naman pala si Nick, hindi naman pala ito katulad ni Tred at Cloud. Matapos ako nitong ihatid kagabi sa magiging kuwarto ko ay iniwan din ako at hindi na nag-usisa pa sa akin. At kaninang umaga naman bago pa ako nagising ay wala na ito, pumasok na yata sa kanyang trabaho. Pagpasok ko naman ng kitchen ay isang sulat nakadikit sa ref ang nabasa ko at sinabi nitong kumain lang ako kung anong gusto ko dahil may mga pagkain naman na lulutuin sa loob ng refrigerator, basta magluto na lang ako kung anong gusto ko. Mag-isa lang ako buong maghapon, naglinis na lang ako kahit malinis naman ang buong bahay. Nakakapagtaka lang at wala siyang ni isang katulong kahit ang laki ng bahay niya. Pero sabagay, wala namang magkakalat kaya hindi na kailangan ng may tagalinis araw-ar