Hindi na ako lumingon pa sa hulihan dahil baka mapasigaw lang ako sa putok ng baril mula sa mga sasakyan na humahabol sa amin; at para mawala ang takot ko, pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinigpitan ang pagyakap sa katawan ng lalaki, ininandal ko na rin ang ulo ko sa likod nito para maitago ang mukha ko sa hangin, dahil naluluha na ang mga mata ko sa bilis ng takbo ng motorcycle. Makalipas ang ilang minutong pagtakbo ng mabilis, ay sa wakas huminto na rin kami. And when I opened my eyes, nakita kong huminto kami sa tabi ng isang black McLaren Elva na naka-park sa gilid ng highway. “Bababa na ba ako?” tanong ko at napalingon pa sa hulihan, pero hindi ko na matanaw pa ang mga humahabol sa amin. “Yes, puwede na,” the man replied. Bumaba na ako, at gano'n din ang lalaki. Pagkababa na