Trine's Point of View NAPAPANGIWI akong bumangon dahil sa pagkirot ng ulo ko. Nang makabangon ay nilibot ko ang tingin sa loob ng room na medyo madilim ng konti dahil nakapatay ang ilaw, pero naaninag pa rin dahil sa sinag ng buwan na nagmumula sa glass wall. Wala na pala ako sa kuwarto kung saan ako nakakulong dahil ibang-iba na ang kuwartong 'to. But wait… Am I just dreaming? No way! Where's the woman who took me? Panaginip lang kaya 'yun? Pero bakit parang totoong nangyari? Hindi ko mapigilan ang mapalunok nang mapahinto ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harap ng glass wall. Kahit hindi masyadong maliwanag sa loob ng room ay hindi ako maaaring magkamali, memorize ko na ang bulto ng kidnapper ko, kaya kilalang-kilala ko na ang likod at taas nito. And it's him. Pero bakit gano'