I CRIED, yes, talagang umiyak ako dahil sa lintik na Aless na 'yun; natakot ako na baka totohanin nga niya ang pananakot sa akin na magho-hotel kami at gagawa ng gano'n bagay, at pagkatapos ay sasabihin niya pa raw kay Deo na may nangyari sa amin. Syempre ayokong masira sa boyfriend ko, kay Deo, siguradong magagalit ito sa akin at iisipin na pinagtaksilan ko siya, at kapag nangyari 'yun ay 'di malabong palayasin nito ako sa kanyang mansyon at itapon na parang isang basura. And I don't want that to happen to me. Saan naman ako pupulutin kung sakaling palayasin niya? Kay Daddy? No, busy na 'yun sa pamilya niya para protektahan pa ako na anak lang naman niya sa labas. At kay Mommy? It's a big NO, dahil mas mahal pa nu'n ang mga kabit niya na mga mayayaman kaysa sa akin na anak niya. Pero b