KADILIMAN ang bumungad sa akin nang imulat ko ang mga mata ko. Nagtataka akong bumangon at nagpalinga-linga sa paligid kahit na wala naman akong maaninag ni konting liwanag.
Teka, nananaginip lang ba ako? Bakit ako narito naman sa kuwarto ko? Ibig bang sabihin ay panaginip lang ang muntik ko nang pagkahulog sa rooftop na 'yun?
Hindi ko mapigilan ang magtaka at napabuntong hininga na lang. Mukhang panaginip nga lang lahat ng 'yun.
Marahan ko nang kinapa ang bedside table ko para sana buhayin ang lampshade at nang sa gano'n ay magkaroon na ng liwanag, pero nagtaka ako nang wala akong makapa na table sa tabi ng kama, bagkus ay iba ang nakapa ko.
“Ano naman kaya 'to?” hindi ko mapigilang tanong na may pagtataka at pinisil-pisil na ang nakapa ko. Ang weird. Bakit parang hita na yata 'to ng tao? May tao ba rito sa loob ng kuwarto ko?
Ang pagkapa ko ay tumaas pa nang tumaas, hanggang sa bigla na lang may mabilis na humuli sa kamay ko na siyang kinatili ko sa gulat.
“Stop it, my love, baka kung saan pa mapunta 'yan.”
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang baritonong boses na 'yun ng lalaki.
“S-Sino ka?” Nilukob na ako ng takot. Ibig sabihin ay hindi 'yun panaginip lang! Napakapa pa ako sa aking katawan, kahit papaano ay nakahinga ako ng konti nang makapa na may suot pa rin naman ako. “Anong ginawa mo sa akin? Ano'ng kailangan mo? Nasaan ako?” tanong ko nang sunod-sunod at mabilis nang inagaw ang braso ko, napaatras na ako habang nakaupo sa kama.
Hindi ko na ito hinintay pang makasagot at nagmamadali na akong bumaba ng kama. Kahit wala akong maaninag ay mabilis akong humakbang at napakapa-kapa sa dilim para hanapin ang pinto o kahit switch ng ilaw man lang. Pero nakakadalawang hakbang pa lang ako palayo sa kama nang may isang braso na ang humila sa baywang ko na kinaatras ko sa aking likuran kasabay ng aking pagtili.
“You're here in my house, my love. But don't worry, wala ka kang dapat ikatakot; you're safe with me,” anas ng malamig na boses mula sa aking likuran at naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa baywang ko.
Parang bigla akong kinilabutan, pakiramdam ko ay nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan. Kaya naman malakas ko itong siniko. Pero hindi man lang itong natinag, hanggang sa muli akong napatili nang bigla akong lumutang dahil sa pagbuhat nito sa akin.
“Put me down, you asshole!” Nagpumiglas na ako, napasipa at pinaghahampas ang kanyang dibdib. Pero para lang akong humampas sa matigas na pader.
Hanggang sa napatigil ang aking paghampas nang mapahiga na ako nito pabalik sa kama at hinawakan na nito ang dalawa kong pulsuhan.
“Huwag kang magwala. Alam mo bang niligtas ko ang buhay mo? Hindi lang isa kundi dalawang beses pa.”
Natigilan naman ako. So, ibig sabihin ay siya nga ang lalaking nakamaskara na 'yun. Siya ang nagligtas sa akin, kung hindi dahil sa kanya ay baka tuluyan na nga akong nahulog sa rooftop na 'yun. Pero gayunpaman, hindi pa rin mabuting tao ang lalaking 'to. He killed them, pinatay niya ang mga nang-bully sa akin at inihulog pa sa rooftop pagkatapos. Ibig sabihin ay may balak pa siyang masama sa akin kaya niya ako dinala rito. Baka i-torture niya ako!
Sunod-sunod akong napalunok. “S-Sige, salamat sa pagligtas mo sa akin. P-Pero bakit mo ako rito dinala? Are you going to kill me? Rape me here?” lakas-loob kong tanong sa boses na may panginginig. Ang mga mata ko ay naluluha na dahil sa takot.
And I heard him chuckle. “And why would I do such thing? Don't worry, my love, I'm not a rapist,” he whispered. Amoy na amoy ko ang napakapresko niyang hininga, napakabango, parang amoy mouth wash.
“K-Kung gano'n, gusto kong pakawalan mo na ako. I want to go home, b-baka nag-aalala na sa akin ang parents ko.”
Pero hindi ko inaasahan ang mahina nitong pagtawa nang marinig ang sinabi ko.
“Oh come on, sweety, I know who your parents are, pareho silang walang pakialam sa 'yo. Tingin mo ba, makukuha kita at madadala rito kung pinoprotektahan ka ng mga magulang mo?”
“W-What?” Sandali akong natigilan, parang natamaan sa sinabi nito. Pero pinilit ko pa ring magpumiglas muli sa kanyang mahigpit na pagkakawak sa mga kamay ko. “Pakawalan mo na ako, please! Kung pera ang kailangan mo, pwes, wala ako nu'n! Tulad nga ng sabi mo, walang pakialaman sa akin ang parents ko, kaya kahit sabihin mo pa sa kanila na kinidnap mo ako ay siguradong babalewalain lang nila! Kaya pakawalan mo na ako! Nag-aaksaya ka lang oras sa akin!” Pilit ko na rin itong pinagsisipa. Pero natigil ang pagsipa ko nang mabilis nitong pinigilan ang paa ko gamit ang kanyang mga paa, inipit para hindi na makasipa pa sa kanya. Ang lakas niya, hindi ako makawala kahit anong pumiglas ko.
“Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit kita dinala rito?”
Muli akong napahinto sa pilit na pagpupumiglas. “B-Bakit, ano bang dahilan mo, ha? Pera ba?” Pumiyok na ang boses ko. “Please, mister, pakawalan mo na lang ako, please…” I sobbed.
Pinakawalan naman nito ang isa kong pulsuhan, pero napaiktad na lang ako nang marahan nitong haplosin ang pisngi ko.
“Dinala kita rito dahil binihag mo ang puso ko… ginulo mo ang isipan ko... binulabog mo pati ang pagtulog ko sa gabi dahil laman ka ng bawat panaginip ko,” he said in a husky voice while caressing my cheek softly.
Kahit madilim ay nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Parang nanayo ulit ang mga balahibo ko sa katawan. Oh my god, this man is a psychopath!
“Magmula ngayon, dito ka na titira sa akin para magkasama na tayo. Isipin mo na lang na ako ang asawa mo para hindi ka matakot sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo, aking mahal na Reyna?”
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
Napalunok ako sa sobrang kilabot sa narinig, hanggang sa marahas na akong umiling. “H-Hindi. Ayoko! Ayoko sa 'yo! Pakawalan mo na ako— ah!” Napaigik ako sa sakit dahil sa biglang paghigpit ng hawak nito sa akin.
“Kung ayaw mong manatili sa akin, puwes, sasaktan na lang kita. Ano, gusto mo ba 'yun? Parurusahan kita at hindi titigilan kahit magmakaawa ka pa sa akin para sa buhay mo.” Bigla na lang nagkaroon ng pagbabanta sa boses nito.
Natakot naman ako at biglang napakagat sa labi ko para pigilan ang paghikbi. I was so scared.
“H-Hindi… 'wag… 'wag mo akong sasaktan. Maawa ka sa akin. Please, don't hurt me. Wala naman akong kasalanan sa 'yo, eh...” Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko.
Hanggang sa muling hinaplos ng marahan ang pisngi ko na muling nagbigay kilabot sa akin.
“Stop crying, mahal kong reyna. Dito sa mundo ko, walang maaaring manakit sa 'yo dahil poprotektahan kita hanggang sa huling hininga ng buhay ko.”
Hindi na ako sumagot dahil mas lalo na akong natakot at napaiyak na dahil sa narinig.
Reyna niya? Anong trip ng lalaking 'to?!
Pero ang paghikbi ko ay napahinto nang may malambot na bagay ang bigla na lang lumapat sa bibig ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung ano 'yun dahil sa marahan nitong paggalaw. It's his lip! He kissed me!
Pakiramdam ko ay nanigas ako sa aking kinahihigaan. Ramdam na ramdam ko kung gaano kalambot ang kanyang labi, at langhap na langhap ko ang kanyang napakapreskong hininga habang marahan akong hinahalikan.
I tried to push him, pero muli nitong hinuli ang mga kamay ko at pinigilan.
“Ang sarap ng labi mo, reyna ko, napakalambot,” he murmured against my lips as he kissed me softly.