KINABUKASAN ay tahimik lang ako habang nagbe-breakfast kasama si Deo, at syempre ang pakialamerong si Aless na tahimik lang din na akala mo'y walang pakialam sa paligid, pero mapagpanggap lang pala. Ang kapal ng mukha kung makapangaral sa akin, akala mo naman alam niya ang kwento ng buhay ko. Hindi naman pala siya mabait, may pasabi-sabi pa siyang nalalaman na dapat mahalin ang mga babae at ituring na reyna, eh gago naman pala siya pagdating sa pananalita sa babae. Tama ba namang sabihin niya sa akin ang salitang malandi? Seriously, gusto ko siyang sampalin dahil nasamaan ako sa mga salita na lumalabas sa bibig niya. “Goodbye, baby.” Humalik na ako sa pisngi ni Deo pagdating sa garage. Pero nang akmang sasakay na ako sa kotse ay siyang mabilis na pagpulupot ng isang braso ni Deo sa bayw