“Ano ba, Aless! Bitiwan mo nga ako! Ano bang binabalak mo at dinala mo ako rito!?” pilit kong pagpupumiglas. Napuno na ako ng takot. Ano na naman kaya ang binabalak ng lalaking 'to at dito ako dinala? Gagawin ba niya ulit sa akin 'yun? Sa isipin na gano'n nga ay hindi ko mapigilan ang manginig sa takot, dahil alam kong wala akong kalaban-laban sa lakas niya. Pagkapasok ng room ay kinaladkad pa rin ako nito hanggang sa dinala ako papasok sa isa pang room, it's a dressing room, saka ako nito binitiwan. Napatingin naman ako sa loob ng dressing room na punong-puno ng mga luxury things: bags, clothes, shoes, jewelries, and many more. “Lahat ng mga nakikita mo ngayon, binili ko lahat 'yan para sa 'yo. Pati itong mansyon, ibibigay ko na rin sa 'yo basta makipaghiwalay ka na kay Hideo. Dito ka