Don't Mess With The Billionaire
Chapter 1
“TATANGGAPIN namin sa ospital na ito ang anak-anakan mo pero alam mo na siguro ang kapalit nito bago ka pa nakabuo ng desisyon na isugod siya rito? Tama ba ako, Miss Nuyda?”
Miss Nuyda? Miss?
Hilam pa rin ang paningin ni April nang matapang niyang sinalubong ang puno ng galit na mga mata ng kanyang kausap– si doktor Zelma Trujillo na tumatayong resident pediatrician ng medical center na pinakamalapit sa kanila.
Kahit mahigit dalawang taon na ang lumipas ay hindi maikakailang ganoon pa rin ang poot na nararamdaman ng Ginang sa kanya. O mas tamang sabihin na nadagdagan pa.
Hindi rin niya masisisi ang Ginang. Kung galit man ito sa kanya, mas galit siya sa sarili niya.
Liningon niya ang apat na taong gulang na si Aba o Alabama. Nagbabadya na namang pumuslit ang mga luha niyang parang walang hangganan. Awang-awa siya sa kalagayan ni Aba. Kung maaari lang sana na siya ang umako sa sakit na dinaranas nito. Siya na lang sana.
Bakit ang mga mahal niya ang kailangang magdusa kung nakahanda naman siyang akuin ang lahat ng hirap?
Bakas sa maamong mukha ng natutulog niyang anak ang hirap at pagod sa halos dalawang araw na naranasan na naman nito ang sakit na pertussis o whooping cough. Lumala pa ito ngayon dahil nagka–diarrhea pa ito.
“Pero magbabayad naman ako sa ospital na ito, Doktora.”
“At alam mong hindi iyon ang nais ko.”
“Pero...”
“Nag-aatubili ka? Kung ganoon naman pala, bakit nandito ka?”
Dahil wala na akong mapagpipilian, nais niyang isigaw.
Ito lang ang pinakamalapit na ospital at malabong makarating pa siya sa ibang medical center gayung masungit ang panahon. She can't risk her daughter's life.
Not again.
“H–hindi. Payag na ako, Ma—”
“Don’t you dare!” Doctor Trujillo warned her immediately.
Huminga ng malalim si April. “Ang titulo... K–kukunin ko na po basta ipangako ninyo na hindi ninyo papabayaan ang anak ko. Huwag n’yo siyang papabayaan.”
Victory twirled in Zelma Trujillo’s eyes. “Go, then. Ang usapan ay usapan, April Rose Nuyda. Huwag kang magkakamaling iputan ako sa ulo dahil nakasalalay na sa mga kamay ko ang kaligtasan ng anak-anakan mo.”
I'm sorry, Gino. I'm sorry. Si Aba ang higit na mas mahalaga ngayon.
Nang matiyak ni April na maayos nang inaasikaso ni Ginang Trujillo si Aba ay kaagad niyang nilisan ang nasabing ospital.
Nanghihina niyang minaneyobra ang may kalumaan niyang sasakyan at sinuong ang masungit na panahon. Kumagat na ang dilim kasabay ng unti-unting paglitaw ng mga imahen ng isang madugong trahedyang nakaukit na sa kasaysayan ng buhay niya.
Two years before the present.
“GARETT, sa tingin mo, alin ang mas magandang honeymoon destination? Somewhere in Europe like France, Greece or Italy maybe? Or puwede rin sa Morocco, what do you think? Pero sabi ni Gracie maganda rin daw sa Cappadocia since June naman ngayon. Perfect time to explore the place.” Walang mapagsidlan ng tuwa ang puso ni April habang nagba-browse siya sa laptop ni Garett.
Hindi niya kasi lubos maisip na yayayain siya ng asawa niyang si Gino para sa isang out of the country honeymoon.
Noong nakaraang taon pa sila ikinasal pero walang masyadong ganap dahil sa financial issue. On the process pa kasi ang manang iniwan para kay Gino.
Isang secret marriage lang ang namagitan sa kanila. Ganoon pa ma’y masaya naman ang pagsasama nila ni Gino. He's a perfect partner.
Sakto lang na inaya siya ni Gino para sa isang honeymoon dahil may sorpresa rin siya sa asawa na tiyak na ikakatuwa nito ng husto.
“Sa Rizal na lang o Laguna. Marami namang magagandang pasyalan doon. Bakit pa kayo lalayo?” May napunang kakaiba si April sa himig ng kanyang best friend s***h brother-in-law na si Garett.
Matagal na niyang nahahalata na medyo distant na ito sa kanya. Minsan pa nga ay binabaan siya nito ng telepono which is so unusual. Nagsimula ang kakaibang pakikitungo nito sa kanya matapos ng nasabing kasal.
Hindi iyon ang Garett na kilala niya. Bago pa niya nakilala si Gino ay matagal na silang matalik na magkaibigan ni Garett.
Anak sa labas si Garett ng Daddy ni Gino ngunit sa kabila ng katotohanang galing ang dalawa sa magkaibang matris ay halos identical twin ang mga ito sa laki ng similarities ng dalawa. Magkababata sila ni Garrett kaya kabisado na niya ito.
“Problema mo riyan? Aburido ka yata. Kinukulit ka na naman ba ni Gracie?” Bahagya itong nilapitan ni April. Wari niya’y tipsy na ito.
“Tss. Ayaw ko siyang pag-usapan.” She was shock when Garett scolded her and walked out briskly. Dinampot pa nito ang bote na may natitira pang alak. He's heading towards his bedroom.
Sinundan niya ang kaibigan. Naiinis siya sa inaakto nito. “Ano nga ang problema mo? Tell me! Bakit ka ganiyan? Ang sungit mo na tapos pakiramdam ko iniiwasan mo ako. Tapatin mo nga ako, Garett? Sa akin ka ba may problema?”
Hindi ito nag-abala na pagtuunan ng atensyon ang mga hinaing niya.
“Garett!” Sigaw niya nang hindi pa siya nito pinansin. Humiga lang ito sa kama matapos i-straight ang natitirang alak sa bote.
“Stop shouting, will you?”
“Gusto kitang murahin, alam mo ba iyon? Nakakainis ka!”
“Cuss me, then. I won't stop you, though. Go ahead!” anito.
“So, ano ngang problema?” Bumaba na ang tono ni April. Hindi rin naman niya matitiis ang kaibigan.
“You...”
“Me? Bakit ako?”
“Because I hate you. Really.” Paasik na sabi ni Garett.
“Oh, you do? Bakit?”
Batid niyang may suliranin ito’t bilang isang matalik na kaibigan ay may umuudyok sa kanya na manatili’t pakinggan kung ano man ang iniindang problema ni Garett.
“I hate it when you play the role of a stupid matchmaker. You're a terrible case, Ms. April Rose Nuyda. Alam mo namang malabong magustuhan ko si Gracie. I hate everything about her.”
“It’s Mrs. Gino Trujillo. Devil! Then why did you corrupt her virginity? Man!”
“I am just a man—”
“A stupid one. At oportunista!” She piped in. Her body is screaming an urge to punch all the s**t out of Garett.
Akala niya nagkakamabutihan na ang dalawa kaya todo suporta siya kay Gracie. Tapos ngayon sasabihin ni Garett na he hates everything about her?
“That is not a manly excuse, Garett. Kung ayaw mo naman pala sa kanya, bakit ginawa n’yo pa rin? Paano kung mabuntis mo siya?”
“We were both under the influence of alcohol that time. You can't blame me. She wanted it, too after all.” Rason pa ni Garett. So lame!
“Bahala ka na nga sa buhay mo! Tutal matanda ka na. Alam mo na kung ano ang mali at tama.”
“Kailan ang honeymoon ninyo?”
“Next Monday until twentieth of the month.” Pahapyaw niyang tugon atsaka inihanda ang sarili para sa pag-alis.
Her mood lit up upon remembering that her husband will be home tonight.
Gino is a PNP officer. Sa karatig na bayan ito naka-destino kaya once a week lang kung makauwi ito.
Kailangan na niyang magmadali’t baka mauna pa itong makauwi sa bahay nila. Maghahanda pa siya ng espesyal na hapunan.
“Buti pumayag ang asawa mo na gumastos para lang sa walang kuwentang honeymoon na iyan? Humingi ba siya ng donasyon doon sa matapobre niyang Nanay para lamang magpasikat saiyo na kaya niyang tuparin ang ambisyon mong makaapak sa ibang bansa?”
“Garett! Sumusobra ka na!”
Bumangon si Garett at mataman siyang hinarap.
“Minahal mo ba si Gino dahil bawat luho mo ay naibibigay n’ya? Spoiled niya na ang pagiging ambisyosa mo! Mahal mo siya dahil nabibili niya ang bawat latest gadgets na gusto mo? Lahat ng branded cosmetics, damit, sapatos pati relo. E putangina! Kung hindi lang ganid ang ina ng asawa mo at hinayaang mapunta sa akin ang manang para sa akin, sana ay mas lamang pa sa mga iyan ang maibibigay ko saiyo!”
Pakiramdam ni April ay sinuntok nang pagkalakas-lakas ang dibdib niya. “Ganoon na rin pala ang tingin mo sa akin. Hindi ako aware. Iisa na pala ang pananaw ninyo ng Mommy ni Gino. Ang buong akala ko ay iba ka kasi, Garett best friend kita. Aware ka pa ba? O ako na lang pala ang nakaalam no’n?” Bumuhos ang masaganang luha ni April.
Daig pa niya ang pinagtaksilan ng mundo. Sa lahat ng insulto sa kanya ng mga kamag-anak ni Gino ay pinalampas niya pero bakit kailangang pati si Garett din?
“Rose, I... I'm sorry...” Para itong natauhan nang humagulhol siya.
“April... Damn!”
Nanghihina niyang nilisan ang bahay ni Garett sa kabila ng panghihina ng kanyang mga tuhod.
Hindi niya mapigil ang sarili na hindi magdamdam habang binabaybay niya ang daan pauwi sa inuupahan nilang apartment ni Gino. Lumabo ang paningin ni April dahil sa walang humpay na pag-iyak hanggang sa hindi niya napansin ang isang concrete barrier dahilan upang sumalpok doon ang minamaneho niyang kotse.
“HALOS dalawang buwan ka nang hindi nauwi. Gusto mo ba na ako na lang ang pumasyal diyan?” Malambing na saad ni April sa asawang nasa kabilang linya.
Naroon ang pag-aalala, pagdududa’t pagkasabik sa kanyang tinig.
“Huwag na, mapapagod ka lang. Uuwi naman ako.” Walang ganang sagot ni Gino.
Hindi na bago iyon. Buhat nang maaksidente siya’t malaglag ang ipinagbubuntis ay naging malamig na ang pakikitungo sa kanya ng asawa.
“Siya nga? Pero kailan?”
“Basta uuwi sabi ako.”
“Gin, anak. Bilisan mo na riyan at kanina pa nandito sa baba si Julia.”
She froze when she accidentally heard the voice of Gino’s mother. Naroon pala ito sa bahay nila. Bakit hindi nito ipinaalam sa kanya?
Parang pinipilipit ang sikmura niya.
“Gino?” Untag niya nang masigurong nasa linya pa rin ang kanyang asawa.
“April, ano kasi...”
At sa puntong iyon ay kusa nang nagsitakas ang mga luha niya na inipon niya mula nang mawala ang anak nila ni Gino. Iyong luhang lubos na nagpapabigat sa kalooban niya.
“Julia? Siya iyong dati mong nobya at kung hindi ako nagkakamali ay siya ang babaeng gusto ng Nanay mo para saiyo. So, do you have an affair now kaya hindi ka na nauwi sa akin?” Pumiyok ang boses niya.
“What? Ano’ng pinagsasabi mo riyan? No! April Rose, magpapaliwanag ako.”
Ano pa ang magagawa ng paliwanag ni Gino? Nasaktan na siya. Paulit-paulit na lang ba?
“FILE an annulment. Take the full charges tutal mayaman naman kayo. Sa milyun-milyong manang napasaiyo at idagdag pa roon ang manang dapat ay kay Garett, tiyak na barya lang saiyo ang gagastusin sa annulment.” Dapit-hapon nang umuwi si Gino. Nagulantang ito nang madatnan siyang nag-iimpake.
“Tapos ano? Sasama ka kay Garett? Letse pala kayo e!” Sigaw sa kanya ni Gino. “So totoo ngang may relasyon kayo! Tama nga siguro ang sapantaha kong sinadya mong patayin ang anak natin para walang sagabal sa relasyon ninyo ng kapatid ko. Tangina, April! Sana hindi mo na ako pinakasalan kung ganito rin lang. Noon ang hudyong ‘yon ang sagabal, ngayon kapatid ko naman. Nakakapunyeta! Kailan ko ba makukuha ang buong ikaw?”
H–hudyo? Sino ang tinutukoy nito?
Hindi na lamang siya umimik sa aligasyon na sobrang gasgas na.
“Sige! Lumayas ka! Lumayas ka! Ihahatid pa kita sa kalaguyo mo!” Kinaladkad ni Gino ang kanyang maleta at ibinalibag sa trunk ng kotse nito.
Wala na rin sa tamang pag-iisip si April. Pagod na siyang makipagtalo kaya pumasok na lang din siya sa passenger seat.
“Gino, reckless driving itong ginagawa mo. Ano ba?”
Nagtalo ang mag-asawa habang matulin ang pagpapatakbo ni Gino. Namumutla na sa takot si April.
“Gino... Gino, madidisgrasya tayo. Gino!”
“Ayaw mo no’n? Magsasama-sama na tayong buong pamilya sa kabilang mundo. At doon, sa akin ang buong kaluluwa’t pagkatao mo.” Tila wala sa sariling usal ni Gino. Pula ang mga mata nito. Umiiyak. Nababaliw.
At sa pangalawang beses ay nakadaupang-palad muli ni April si kamatayan nang isang SUV ang bumulaga sa harapan nila.
“Gino.....”
PINALIS NI April ang preskong luha na lumandas sa kanyang pisngi habang dahan-dahan niyang isinilid sa isang plastic envelope ang lahat ng titulo at dokumento na iniwan sa kanya ng pinagkakatiwalaang abogado noon ni Gino.
Namana iyon ni Gino sa yumao nitong ama at inaasam na makuha ni Doctor Zelma Trujillo.
Legal ang proseso kung paano napunta sa pangalan ni April ang naturang mana.
Wala siyang gaanong ginalaw sa mga iyon bukod sa ibinenta niya ang isang property para gawing pambayad sa babaeng nag-iwan ng triplets sa kanya noon.
Mabilisang inimpake ni April ang mahahalagang gamit niya at ng mga bata. Hanggang sa makalawa lang ang ibinigay na palugit sa kanya ni Ginang Trujillo kaya ngayon palang ay inaayos na niya ang kanilang pag-alis sa bahay na iyon.
Nasa kalagitnaan si April ng pag-iimpake nang isang ingay mula sa labas ang nagpahinto sa kanya.
Tinakbo niya ang distansya patungo sa bintana ng kanyang silid-tulugan at sumilip sa baba.
Isang Ford Mustang ang umararo sa mga alaga niyang halaman sa front yard ng bahay. Sunud-sunod na mabibigat na kalampag sa main door ang sumunod na naganap, dahilan upang humagod ang takot sa kalooban niya.
Mula sa isang kahon ay kinuha niya roon ang isang baril na pag-aari ng kanyang asawa.
Tinutok niya ng diretso ang baril nang pagbuksan niya ang hindi kilalang panauhin sa kalagitnaan ng bumabagyong takip-silim.
“S–sino ka?”
Malaking bulto ng isang lalaki ang bumulaga sa kanya. He was dripping wet from head to toe. Nakatalukbong sa ulo nito ang hood ng jacket na suot nito kung kaya’t halos hindi niya maklaro ang kabuuan ng mukha nito. The man is tall, bulk and subtly dangerous. A Herculean person. A mythical ideal built that surely every man’s dreaming to possessed. He has this self-destructive quality in someone else.
A loud groan escape from the unknown man, making her recover from her quick unconsciousness. Napaatras ng isang hakbang si April nang ginawang barrier ng lalaki ang malalaki at mahaba nitong mga braso sa magkabilang panig ng nakabukas na pinto. Animo’y sinusukol siya.
She has no idea who the hell the guy is!
“S—sino ka sabi? Ano ang pakay mo?”
At ganoon na lamang ang pagsinghap ni April nang umangat ang mukha ng lalaki, dahilan upang masindak siya sa deep blue eyes na angkin ng lalaki. Kumalampag ang dibdib niya nang mapagtantong kapareho ang mga nito sa mata ni Aba, Alamo at Aragon.
She doesn't know him at all but why does her heart beats rapidly? Is it because of nervousness?
“I am Wolf Atlas and I am here to claim what's rightfully mine, Miss.”